Mark Neumann on his reaction in case he wins an acting award: "...ay grabe, iiyak ako.”

Ipinagmamalaki ni Mark Neumann na hindi lamang isa kundi dalawang beses siyang na-nominate the The PEP List Year 2. Hindi man daw siya manaloay masaya pa rin siya.


Malaking karangalan para sa TV5 artist na si Mark Neumann ang ma-nominate sa dalawang kategorya sa The PEP ListYear 2 awards .

Isa siya sa Editors' Choice sa Breakout Star of the Year, habang sa PEPsters' Choice ay naging contender siya sa Male Teen Star of the Year.

Kahit hindi raw siya manalo ay ipinagmamalaki pa rin niya ito.

“Happy ako na na-nominate ako, so meaning parang napansin ako. Masaya na ako doon kahit hindi ako manalo, happy na ako,” sabi ni Mark.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark sa pocket presscon na ibinigay ng TV5 para sa kanya nitong tanghali, Hunyo 11, sa Mario’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Ibinalita rin ni Mark na magpe-perform sila ng ka-loveteam niyang si Shaira Mae, na nominado naman bilang Female Teen Star of the Year, sa awards night na gaganapin sa June 18, sa Solaire Resort and Casino.

“May performance kami. I think may loveteam each network na magpe-perform, kami ni Shaira Mae for TV5. So, sasayaw kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ACTING AWARD. Sa ipinapakita niyang dedikasyon sa pag-arte, nangangarap din ba siya na makakuha ng Best Actor award?

“Sana naman po. If ever pag naka-receive ako ng ganyan, ay grabe, iiyak ako.”

Iyon nga lang daw mabigyan siya ng magandang komento sa kanyang acting ay labis na kasiyahan na ang dulot sa kanya.

Binalikang-tanaw pa niya ang naging karanasan niya sa artista search noon ng TV5, ang Artista Academy (AA), kung saan siya naging finalist.

“Kasi noon sa Artista Academy, 'di ba naging special guest namin si direk, si Bb. Joyce Bernal, and si Sir Leo Martinez.

"Mayroon kaming isang short film, kasama ko si Aki. 'Tapos noong nag-vote yung mga judge, sabi nila, ‘Aki, Aki, Aki.’

"Pero sabi nila, ‘Pero hindi ako mag-vote ngayon.’

"'Tapos pumasok sina Sir Leo at Bb. Joyce, ‘Ang pipiliin ko si Mark.’

"Omigod! 'Tapos sabi ni Sir Leo, ‘Hindi salita ang pinag-usapan, kundi acting. Si Mark ang pipiliin ko.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ay, salamat, first time ko napuri ako doon sa acting at napili ako ng judges.

"So if ever na maka-receive ako ng Best Actor award, grabe, malaking achievement na po sa akin iyon.

"Kasi nga because of my language barrier, nahihirapan ako. Pero I’ll just work hard.”

Kaya nga raw pinagbubuti niya ang kanyang pag-arte sa pinagbibidahan niyang Kapatid primetime teleseryeng Baker King, na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 9:30 p.m.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close