Gretchen Ho denies rumored pregnancy and Robi Domingo’s affair with probinsiyana

Gretchen Ho on rumored pregnancy: "It’s been months since that rumor came out and look at me. I still look the same. Bahala na yung mga nagke-create ng rumor na yun. Sabi ko naman kasi ano e makikita naman nila yung totoo as time goes by."


Nagsalita na ang athete-host na si Gretchen Ho tungkol sa diumano’y pagbubuntis nito.

Simula noong huling linggo ng Mayo lumbas ang balitang nabuntis ang athlete/host ng boyfriend niyang si Robi Domingo.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Gretchen kagabi, June 12, sa Philippine Fashion Week Holiday 2015 sa SM Aura, pinaabulaanan ng dating volleyball player ng Ateneo Lady Eagles ang isyung ito.

Una nang itinanggi ng kanyang boyfriend ang tungkol dito sa hiwalay na panayam noong nakaraang Sabado, June 6.

Read: Robi Domingo denies rumored relationship with a probinsiyana: “Grabe, binata na talaga ako!”

Sumang-ayon naman si Gretchen sa sinabi ni Robi na malabo pang mangyari ito dahil pareho nilang pinahahalagahan ang kasal dahil na rin sa kanilang relihiyon.

Saad ni Gretchen, “Well, I think nasagot naman na ni Robi.

“We’re protecting the sanctity of marriage so it’s not gonna happen.”

Diin pa ng 25-year-old athlete, matagal na raw lumabas ang isyung ito at wala pa ring pagbabago na mapapansin sa katawan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Gretchen, “It’s been months since that rumor came out and look at me.

“I still look the same. Bahala na yung mga nagke-create ng rumor na ‘yun.

“Sabi ko naman kasi ano e makikita naman nila yung totoo as time goes by.

Dagdag pa niya, “And I’m actually preparing for a beach volleyball tournament so that’s quite ironic.”

THE OTHER WOMAN? Isa pang isyu na ipinukol sa relasyon ng dalawa ay ang diumano’y pagkakaroon ni Robi ng relasyon sa isang probinsyana.

Ang reaksyon ni Gretchen dito, “I laughed about the rumor because if he doesn’t have much time already for our relationship, what more for two girls?”

Dagdag pa niya, malaki ang tiwalang ibinibigay niya kay Robi at malabo raw talagang magkaroon ito ng panahon sa isang pang relasyon dahil sa sobrang busy ng schedule nito.

Kasalukuyan nang nagti-taping si Robi para sa The Voice Kids.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dalawang beses sa isang linggo lang daw sila nagkikita ng boyfriend dahil parehong busy ang kanilang schedule.

“Kami parang bihira kami, madalang kami magkita ngayon because I’m busy and he’s busy.

“We see each other like once or twice a week.

“I don’t think he would have time to do other things.

“The thing is, his schedule is fully plotted by his management, and his parents know everything that he’s doing so I trust him.”

May epekto kaya ang mga isyung ito sa kanilang realsyon?

Sagot ni Gretchen, “No because we know the truth and we just laugh about it.

“Although, what affects me are the people around me asking about it.

“‘Cause I figured na they’re supposed to know my personality but it’s okay.

“Kasi yun nga, lahat naman tayo, may haka-haka so okay lang.”

Ano naman kaya ang kanyang mensahe sa mga nagkakalat ng tsismis tungkol sa kanilang relasyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Gretchen, “God bless you all.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close