Veteran theater and film actor Junix Inocian dies at 64

Former Miss Saigon star Junix Inocian was found dead at his flat in London last Saturday, June 13.


Pumanaw na ang veteran theater and film actor na si Junix Inocian noong Sabado, June 13, sa United Kingdom.

Ayon sa report ng Inquirer.net, hindi pa matukoy kung ano ang sanhi ng pagkamatay ni Junix.

Base sa impormasyong nakalap mula sa malalapit sa Filipino actor ay natagpuan ang wala nang buhay na katawan ni Junix sa kanyang flat sa London, United Kingdom.

Siya ay 64 years old.

Kinumpirma naman ng maybahay ni Junix na si Luna Griño-Inocian ang malungkot na balitang ito sa pamamagitan ng kanyang Facebook post, Sabado ng gabi, June 13: “The world is a darker, sadder place with the passing of yet another theater light—the father of my children, beloved ex, dear friend—Junix! Goodnight, sweet prince!”

Si Junix ay nakilala nang husto nang mapabilang siya sa original cast ng West End musical na Miss Saigon noong 1989, kasama sina Lea Salonga, Monique Wilson, at Isay Alvarez.

Mula sa pagiging miyembro ng chorus ay ginampanan niya ang importanteng papel bilang The Engineer, na unang ginampanan ng Welsh actor na si Jonathan Pryce.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos ng kanyang stint sa Miss Saigon ay nagdesisyon si Junix na manirahan na sa London, kung saan lumabas siya sa iba pang musicals, plays, movies, at TV dramas.

Ilan sa mga nilabasan niyang musicals ay ang Cats, Just So, Pacific Overtures, at The Lion, the Witch and the Wardrobe.

Noong 2012 ay nagbalik siya sa Philippine stage sa pamamagitan ng Jekyll and Hyde ng Repertory Philippines.

Isa sa mga huling proyektong nagawa niya ay ang Hollywood film na Mortdecai, na pinagbidahan nina Johnny Depp, Gwyneth Paltrow, at Ewan McGregor. Ini-release ito sa U.S. noong January 2015.

Kaugnay ng pagpanaw ni Junix ay nagpaabot na ng pakikiramay ang mga kasamahan niya sa teatro, kabilang na sina Lea Salonga at Monique Wilson.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close