JC de Vera on LJ Reyes: "Whatever happened between us, charge mo na lang sa experience yun."

JC de Vera on his ideal partner: “Si God on top of everything. Not necessarily na mabait, not necessarily na party girl. Basta ang gusto ko, on top of everything, si God. Siyempre, papasok na riyan yung pagiging family-oriented. Gusto ko yung katulad ko rin na marunong mag-appreciate sa lahat ng bagay.”


“There was never a breakup.”

Ito ang magkaparehong sagot nina JC de Vera at LJ Reyes, sa magkahiwalay na panayam, tungkol sa isyung break na sila sa kabila ng hindi nila pag-amin kailanman ng kanilang naging relasyon.

Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay JC sa launching niya bilang pinakabagong celebrity endorser ng Boardwalk, noong June 11, sinabi ng Kapamilya actor na nagulat siyang may break-up issue na tinatanong sa kanya.

Nag-usap ba silang dalawa ni LJ bago sumagot sa entertainment press tungkol dito?

Tugon ni JC, “I guess, yung pinagdaanan namin ni LJ is, for me, something very real.

“Totoong naramdaman ko yun na gusto ko talaga siya.

“Naramdaman ko sa sarili ko na gusto kong gumawa ng plans with her, kaya yun…

“Kaya siguro align yung sinabi namin.”

Mutual decision nilang dalawa ni LJ na tapusin kung anuman ang namagitan sa kanila?

“Basta no regret, no regret lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Whatever happened between us, charge mo na lang sa experience yun.

“Mas masaya kaming dalawa ngayon.

“I guess mas nag-grow kaming dalawa sa experience na yun at mas nalaman namin paano ba iha-handle yung mga ganung klaseng sitwasyon.

“Siyempre, for future purposes, just in case na mapunta ulit siya sa ganoong sitwasyon, alam niya paano iha-handle lahat.”


END OF CHAPTER. Tapos na talaga ang chapter nila ni LJ?

Saad ni LJ, “Well, gusto kong mag-grow. Gusto kong mag-try ng ibang option.

“Siguro, stick muna ako sa non-showbiz or babalik muna ako sa non-showbiz.

“Pero for the longest time, hindi ko alam ang pakiramdam.

“When was the last time na nagkaroon ako ng non-showbiz relationship? 2005? 2006?”

Ayon kay JC, ang gusto niyang mangyari ngayon ay maihiwalay ang personal sa propesyunal niyang buhay.

“Since meron akong business, naisip ko na ihiwalay talaga.

“Naihihiwalay ko yung pagiging celebrity sa pagiging businessman.

“So, itong side ng pagiging businessman, doon ako makakakilala ng mga personal.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas nagwu-work ba sa kanya kapag non-showbiz ang karelasyon niya?

Sagot ni JC, “Hindi ko masabi kasi ita-try ko pa lang ulit kung ano ang difference niya.

“Yung last time nga kasi, ang tagal na… nakalimutan ko na ang feeling.”

DATING A NON-SHOWBIZ GIRL. Hindi naman itinanggi ni JC na may nakaka-date siyang non-showbiz girl ngayon.

“Meron, meron… hindi mawawala yun, lalaki ako, e.

“Alangan namang ano… magpa-pari!” natawang sabi pa niya.

Sila na ba ng non-showbiz girl na ito?

“Hindi, dating-dating pa lang, taking things slow lang.

“Kasi nga, since matured ka na, alam mo na kung ano yung mga ayaw mong mangyari.

“So, very, very careful ako ngayon sa mga ginagawa ko. Lahat, matinding pinag-iisipan.

“Bago ka mag-decide, pag-uusapan, hindi ka na yung go na lang nang go.”

Naniniwala siyang gaano man ka-focus ang isang tao sa trabaho, kailangang may inspirasyon din?

“Kapag walang inspirasyon, boring ang buhay,” sambit ni JC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero dagdag niya, “Mabubuhay ako na wala.

“Pero ang sinasabi ko lang, napakasarap sa pakiramdam kapag merong nagpapangiti sa ‘yo, nagpapasaya.

“Pero kapag wala yun, hindi ako naghahanap, kasi marunong akong mag-appreciate ng buhay.

“Kung ano nandiyan, naa-appreciate ko yun.

“May family ka, nandiyan si God, business ko, friends ko.

“Alam ko paano maa-appreciate ang mga ganung bagay.

“May girlfriend or wala, masaya pa rin ako.”

SETTLING DOWN. Sa edad niyang 29, hindi pa ba niya nakikita ang sariling lumagay na sa tahimik?

Sabi ni JC, “Matagal pa, kung gaano tatagal itong nangyayari sa akin sa career ko.”

Career pa rin talaga ang prayoridad niya?

Paliwanag ng aktor, “Wala akong choice, ang ganda ng mga nangyayari ngayon.

“Hindi ko alam kung hanggang kailan hihinto ‘to.

“Siguro by the time na huminto ‘to, yun din siguro ang time na ready na to settle down.

“Basta hindi lang ako nagsi-set sa isip ko na forever itong nangyayari sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kailangan meron akong Plan A, Plan B ako.”

Ano na ang hinahanap niya sa isang babaeng makakarelasyon?

Ayon kay JC, “Si God on top of everything.

“Not necessarily na mabait, not necessarily na party girl.

“Basta ang gusto ko, on top of everything, si God.

“Siyempre, papasok na riyan yung pagiging family-oriented.

“Gusto ko yung katulad ko rin na marunong mag-appreciate sa lahat ng bagay.”

Base sa mga katangiang hinahanap niya, tila si LJ pa rin ang gusto niya?

Nakangiting sabi naman ni JC, “Si LJ, ano yun, ganun siya ka-pure-hearted person.

“Alam mo na kapag siya ang nakasama mo ng pangmatagalan, hindi siya magdududa sa kahit ano, ibibigay niya ang lahat para sa ‘yo.

“Yun lang, sayang… may mga ‘that’s life’!”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close