Toni Gonzaga admits experiencing separation anxiety after her wedding to Paul Soriano

Toni Gonzaga on being Mrs. Paul Soriano: “Nakakapanibago. Siguro nung aalis na ako ng bahay, doon nag-sink in lahat sa akin na parang… naging emotional. Medyo naiyak ako. Kasi thirty-one years ng buhay ko, kasama ko ang parents ko, e. So, parang ang weird na iba na yung kasama ko sa bahay.”


Dalawang araw pagkatapos ng kanilang kasal noong June 12, Biyernes, ay dumalo ang mag-asawang sina Toni Gonzaga at Paul Soriano sa 46th Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Inc. (GMMSFI).

Ginanap ang coronation night at awarding ceremony sa The Theatre ng Solaire Resort and Casino, Linggo ng gabi, June 14.

Si Toni ang pinarangalang Box Office Queen, katuwang si Piolo Pascual bilang Box Office King, para sa hit movie nilang Starting Over Again noong 2014.

Pahayag ni Toni tungkol sa kanyang pagwawagi, “Sobrang blessed at sobrang grateful na dumating yung ganitong blessing sa buhay ko, at this point in my life.”

View: GUILLERMO PHOTOS: Matteo accepts trophy for Sarah; Vic Sotto quips: "Pwede na ako mag-asawa."

Pagkatapos nito ay kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media ang mag-asawa pagkatapos ng kanilang kasal.

Sagot ni Toni, “Ito, parang ganun pa rin, on a high.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nangiti namang dugtong ni Paul, “Happy ba kayo? Thank you!”

Parang ang bilis nilang naplano ang kanilang kasal. Pagka-announce nila ng kanilang engagement ay maikling panahon na lang ang hinintay at ikinasal na sila.

Paliwanag ni Toni, “Kasi after nung proposal, hindi na namin ipinublicize [publicize] yung preparation, because I was doing a film, yung You’re My Boss.

"And ayun, ayoko nang makahati pa ‘yon sa promo ng pelikula.

“Kasi iba yung pelikula, iba yung totoong buhay na pagpapakasal ko.

“Kaya nangyari lahat nang tahimik at matiwasay, hanggang sa ikinasal na kami.”

MRS. PAUL SORIANO. Anong feeling na Mrs. Paul Soriano na siya ngayon?

Saad ng Kapamilya TV host-actress, “Nakakapanibago.

“Siguro nung aalis na ako ng bahay, doon nag-sink in lahat sa akin na parang… naging emotional.

“Medyo naiyak ako. Kasi thirty-one years ng buhay ko, kasama ko ang parents ko, e.

“So, parang ang weird na iba na yung kasama ko sa bahay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy ni Toni, “Masaya ako siyempre sa bagong chapter ng buhay ko.

“Kaya lang siyempre, siguro yung separation anxiety sa family.

“But, ayun, exciting kasi nagagawa ko na lahat ng gusto kong gawin.

“Kung gusto kong umalis ng bahay, kung gusto kong umalis bukas.

“Kung gusto kong huwag matulog, kung gusto kong magpuyat.

“Kung gusto kong mag-drive…”

Sobrang naging emotional din daw ang bunsong kapatid ni Toni na si Alex Gonzaga sa pagbukod niya ng bahay.

“Hindi mo maiaalis ‘yon. Sa thirty-one years ng buhay ko, siya yung roommate ko, e.

“Siya yung partner ko talaga sa bahay, e.

“So, ngayon, si Paul na.”

Kumusta naman ang first morning na paggising niya ay Mrs. Paul Soriano na siya?

Sabi ni Toni, “Late akong nagising, e. Mas nauna siyang nagising.

“Wala na akong katabi paggising ko.

"Yun pala, siya ang nagri-ready for everything.”

Dugtong na pahayag ni Paul, “We prepared a good lunch.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I got some of her favorite foods to be brought to the house, so that when she wakes up, she had her favorite foods on the table.”

Pahabol naman ni Toni, “Siya pa rin ang nag-aalaga. Ang bait niya!”

HONEYMOON. Saan ang honeymoon? Ano ang kanilang plano kaugnay nito?

Ayon kay Toni, “May gift yung isa sa mga ninang namin. Actually, ang tagal na nito.

“Sabi ni Ate Kris [Aquino], ‘Toni, grabe, you’re gonna get married, so finally you can travel with Paul na kayo lang!’

“Hindi na yung magkahiwalay yung airplane tapos magkikita na lang dun sa family.

“Sabi niya, ‘Sa’n niyo gusto unang pumunta?’

“Siyempre maraming bansa… we want to explore Europe.

“We want to explore different countries, cultures, and then experience different food.

“Pero uunahin ko muna siguro ang Pilipinas, yung pinakasikat dito sa atin na pinupuntahan ng mga Hollywood stars, ng mga celebrity.”

Ang tinutukoy ni Toni ay ang Amanpulo sa Palawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy niya, “Sabi ko, ‘Sige, ‘yon.’

“Kasi pangarap na pangarap ko na magpunta ng Amanpulo, kaya lang ayaw ng family ko.

“Hindi kasi sila mga beach person. Kahit anong yaya ko na mag-Amanpulo kami, ayaw nila.

“Kaya sabi ko, kapag nag-asawa ako, pupunta ako dun.

“Kaya iyon ang gift niya [Kris].”

Dagdag pa ni Toni, “Kanina, nag-promote na ako ng PBB [Pinoy Big Brother].

“Gumawa na kami ng plug shoot tapos natapos ko na lahat ng obligasyon ko.

“So, bukas na bukas [Lunes, June 15], lilipad agad.”

Papuntang Amanpulo ang ibig tukuyin ni Toni.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close