Paul Soriano wants twins for him and wife Toni Gonzaga

Toni Gonzaga says she knew from the start that Paul Soriano is ’the one’ for her: "I knew it right away, e. Nung sinabi ko sa kanya ang ’yes’ bilang boyfriend ko, I knew it na siya na rin ang mapapakasalan ko. Kaya kahit tumagal, kampante ako na sabi ko, ’Ito ang mapapangasawa ko.’ Wala... naramdaman ko na, e."


Nang unang pumutok ang balitang ikakasal na sina Toni Gonzaga at Paul Soriano ay hindi maiwasang may mag-isip na baka buntis ang Kapamilya TV host-actress.

Pero ipinagkikibit-balikat lamang ito ni Toni.

Aniya, “Wala akong reaksiyon tungkol diyan.

“E, kasi, kung hindi naman totoo, hindi ka naman dapat na maapektuhan.

“Kapag naapektuhan ka, guilty.”

Pero giit niya, “Hindi ako buntis… hindi pa.”

Plano ba nilang magkaroon agad ng baby?

Sagot ng TV host-actress, “Lagi namang iyon ang itinatanong, e.

“Katulad ng pag-aasawa, lahat naman ‘yon dumarating nang hindi natin pinaplano.

“So, ayokong magsalita ng next month, next year, or in the next two years.

“Siguro kung kailan siya ibibigay ni Lord.”

Ilang baby ba ang nasa plano nila?

Sabi ni Paul, “If you ask me, gusto ko, two. Twins sana.

“Pero whatever God blesses us with, and as long as healthy and strong.

“But if you ask me, boy and girl, happy na ako dun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman ni Toni, “Kahit ano, pero gusto ko sana boy.

“Pero naiisip ko, kung girl ang ibigay, basta as long na healthy and God-fearing, perfect na ‘yon.

“I will love them the same.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media sina Toni at Paul sa 46th Box Office Entertainment Awards, Linggo ng gabi, June 14, sa The Theatre ng Solaire Resort & Casino.


WEDDING VOW. Marami ang nagsasabing tumatagos talaga sa puso ang wedding vow ni Toni para kay Paul sa kanilang kasal noong June 12, Biyernes.

Read: Toni Gonzaga and Paul Soriano are now married

Kuwento ni Toni, “Ginawa ko ‘yon siguro mga two or three days before [the wedding].

"Habang isinusulat ko siya, iyak ako nang iyak.

“Tamang-tama lang pala ‘yon talaga.

"Advice ko ‘yon sa mga ikakasal, sa mga babae, para hindi kayo katulad ni Paul na iyak nang iyak!”

Patuloy niya, “E, kasi yung sa kanya, ginawa niya that day, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako, ginawa ko iyon two days before kaya naiiyak ko nang lahat.

“Tapos the next day, prinaktis ko pa, medyo nanginginig pa yung boses ko.

“Sabi ko, dapat sa kasal, masabi ko ito nang malinaw, para maintindihan ng groom.”

Pahayag naman ni Paul hinggil sa pagiging emotional niya nung kasal nila ni Toni, “Oo... because she was so beautiful!

“I couldn’t contain it. Those were tears of joy.

“And it was just everything... a combination of everything.

“You know, eight years, and finally!”

Dagdag ni Toni, “Pagod na pagod na kasi siya!

"For eight years, tiniis niyang lahat ito, pati yung schedule [ng trabaho ko]."

Sambit naman ni Paul, “So, finally, after eight years, I can finally be her number one priority.

"Of course, after God."

Singit ni Toni, “Kita niyo naman, siya ang escort ko ngayon.

“Hindi ‘yan sumasama sa awards night, alam niyo ‘yan. Lagi akong walang escort.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


LONG RELATIONSHIP. Ano ang advantage ng matagal na pagiging magkasintahan bago ikasal?

Sagot ni Toni, “I don’t know. Hindi ko rin alam yung...

"Siyempre it works for different couples. May mga long, may mga short-term.

"I guess, siguro ang masasabi ko lang, dun sa case namin ni Paul, I knew it right away, e.

“Nung sinabi ko sa kanya ang 'yes' bilang boyfriend ko, I knew it na siya na rin ang mapapakasalan ko.

"Kaya kahit tumagal, kampante ako na sabi ko, 'Ito ang mapapangasawa ko.'

“Wala... naramdaman ko na, e.”

Nagpa-practice na ba si Toni ng magiging bagong signature niya bilang Mrs. Soriano?

Sabi niya, “Yun nga ang sinasabi ko, e, babaguhin ko ba yung signature ko?

“Siguro yung Toni Gonzaga na signature para sa… siguro sa tseke, babaguhin ko.

“Pero yung signature ko, akin na ‘yon. Okey na ‘yon.”


VIRAL PHOTO. Samantala, naging viral ang larawan nina Toni at Paul—na nakasuot pa ng wedding gown at tuxedo—habang umu-order ng takeout food sa McDonald's pagkatapos ng kanilang kasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Iba-iba ang naging reaksiyon dito. May mga natuwa at may ilan namang negatibo ang dating nito, lalo na't endorser ng nasabing fastfood chain si Toni.

Ano ang masasabi ni Toni rito?

Pahayag niya, “Ewan ko... E, gaya nga nung sinabi ko sa vow...

"Sabi ko kasi sa vow ko kay Paul, 'We can finally do whatever we want.'

“If we got hungry in the middle of the night, we wanna get something to eat, do it.

“Because we just got married. And we have all the time in the world to do what we want.”

Ngayong misis na si Toni, magbabawas ba siya ng tatanggaping workload?

“Parang hindi pa masyado rin, e. Kasi may mga kontrata akong kailangan kong i-fulfill.

“Ang PBB, mag-i-start sa June 20. Tenth anniversary, so medyo pinaghahandaan namin kaya exciting.”

Bakit nawala ang kapatid niyang si Alex Gonzaga sa PBB.

Paliwanag ni Toni, “Ay, iba yung mga mangyayari sa kanya. Iba yung mga plano kay Alex.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, may sarili naman siyang career path.

"May ibang mga plano for her."


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close