Mariel Rodriguez on Queenie Padilla’s marriage: “May blessing ‘yan, whether it’s Liezl or it’s Robin.”

Mariel Rodriguez on her relationship with husband Robin Padilla’s children: "Yung mga anak ni Robin, friends ang tingin ko sa kanila. Nandiyan si Leah Orosa, nandiyan si Liezl Sicangco, sila ang mga nanay. Ako, friend lang ako. Kapag lumapit sila sa akin one day, ‘Tita, I need help sa ganito,’ right away, I will help them. Pero yung para ako magsabi sa kanila na you shouldn’t do that, ayoko ng ganun."


Kahapon, June 14, umalis ng Pilipinas si Mariel Rodriguez para sundan ang kanyang mister na si Robin Padilla sa Spain.

Hindi nakasabay si Mariel kay Robin dahil sa mga show niya sa Kapatid network—ang bagong Sunday variety show na Happy Truck ng Bayan at ang lifestyle show na Happy Wife, Happy Life.

Bukod sa Spain ay pupunta rin daw sila sa Portugal at Southern France.

Sabi ni Mariel, “Yung pinupuntahan nila ngayon, nagawa na niya ‘yan, napuntahan na namin.

“Ang inaano niya talaga ngayon, yung Muslim’s origin.

“Pero ang pinunta niya talaga dun, yung Padilla, which is on the other side.”

Maliban dito, magandang pagkakataon din daw para na magkaroon ng sariling oras si Robin at mga anak niyang sina Queenie at Zhen Zhen Padilla.

Saad ni Mariel, “Maganda nga yun… unang-una, si Robin, inayos niya ang mga car nila, mga kids naman niya, tapos ako.

"Lagi naman kaming ganun. Para nagkakaroon sila ng time na sila lang, it’s really important."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Mariel sa set visit ng Happy Wife, Happy Life last week, sa Gazebo Royale, Visayas Avenue.


ROBIN’S CHILDREN. Kumusta ang relasyon niya sa mga anak ni Robin?

Ayon kay Mariel, “Okey naman, we’re good, we’re good.

“Very respectful. Mabait silang lahat actually.”

Pero hindi raw nagpapaka-nanay si Mariel sa mga anak ni Robin.

Sabi nga niya, “Alam mo, hindi ko pa napi-feel na mother ako.

“Yung mga anak ni Robin, friends ang tingin ko sa kanila.

“Yun ang palagi kong sinasabi, friends lang.

“Nandiyan si Leah Orosa, nandiyan si Liezl Sicangco, sila ang mga nanay.

“Ako, friend lang ako.

“Kapag lumapit sila sa akin one day, ‘Tita, I need help sa ganito,’ right away, I will help them.

“Pero yung para ako magsabi sa kanila na you shouldn’t do that, ayoko ng ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I know where I stand, ayokong maging epal.”

Ibig sabihin, okey rin ang relasyon niya sa mga nanay ng mga anak ni Robin?

Sagot ni Mariel, “Alam niyo, nakaabot na kami sa harmonious na kami and it feels great.

“Kasi, alam naman nilang hindi ko naman iha-harm ang mga anak nila.

“We’re all in a peaceful place, ang ganda rin.

“Kaya rin siguro kami ni Robin, sa marriage namin, okey kami, kasi harmonious lahat.”

QUEENIE’S MARRIAGE. Tinanong din si Mariel tungkol sa lumabas na balita sa PEP na kasal na pala si Queenie noon pang 2012.

Read: Queenie Padilla now happily married to non-showbiz guy; joins dad Robin Padilla in Spain for vacation

Sabi naman ni Mariel, “Actually, I can’t remember kung kailan.

“Actually, when it comes to his kids, I really don’t want to comment naman talaga.

“Queenie naman being married is out in the open so, I can say, yes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero, as much as possible, I don’t want to comment about his children.”

Alam ba ni Robin noong ikinasal si Queenie?

“Siya na lang ang tanungin niyo, siya talaga ang tanungin niyo!” natatawang pag-iwas ni Mariel.

Pero dagdag niya, “Basta ito na lang tandaan niyo, si Queenie, mabait na anak ‘yan.

“Si Queenie, hindi siya gagawa ng isang bagay na walang basbas ng kanyang magulang.

“It can be either Liezl or either Robin, pero hindi ‘yan papasok sa isang ano na walang basbas ng magulang.

“May blessing ‘yan, whether it’s Liezl or it’s Robin.”

Kinumpirma naman ni Mariel na katulad ni Queenie, Muslim din ang lalaking napangasawa na isang Pakistani.

“Ang ganda ng ano nila at saka parang…

“Sabi nga ni Robin, parang scholar, kasi he really knows the Koran.”

Okey ba kay Robin ang pagpapakasal ni Queenie dahil Muslim din ang napangasawa ng anak?

Sabi ni Mariel, “Siyempre, yun naman ang ano talaga…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka sa kanila naman, kapag nakapangasawa ka ng Muslim, parang meron ka nang ticket sa heaven, parang ganun.”

May wish ba siya para kay Queenie?

“Oh, I wish them a good life.

“Hindi lang dito, pati sa after life, sana sila pa rin ng asawa niya.

“Sana yung asawa niya, matutulungan siya sa mga pangarap niya sa buhay.”

Naniniwala siya sa forever?

“Oo, may forever,” mabilis niyang sagot.

Pero natatawang dugtong niya, “Nakikita ko sa Facebook ko, #mayforever, #walangforever.

“Ako, palaging may forever.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close