Vice Ganda wants to inspire others via ’Proud To Be Me’ campaign

Vice Ganda on being true to himself: “Dun namin nila ako mamahalin sa pagiging totoo, mas hindi nila ako mamahalin pag nagpanggap ako bilang ibang tao, nagbabait-baitan para lang makuha lang yung oo at pagmamahal nila panandalian. Mas naging maganda ang relasyon ko sa mga tao kasi ‘di kami naglolokohan. Nakikita nila yung totoo ang ipinapakita ko sa kanila, sa audience ko. Totoo ang ngiti ko, totoo ang luha ko, sinsero ang sinasabi ko, kaya mas maganda ang relasyon k


Si Vice Ganda muli ang itinanghal na Phenomenal Box Office Star sa 46th Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF).

Ito ay para sa malaking tagumpay ng pelikula niya noong 2014 na The Amazing Praybeyt Benjamin.

Ginanap ang coronation at awarding ceremony nitong Linggo ng gabi, Juen 14, sa The Theatre ng Solaire Resort & Casino.

View Gallery: Matteo accepts trophy for Sarah; Vic Sotto quips: "Pwede na ako mag-asawa."

Labis-labis naman ang kasiyahan ni Vice sa panibagong karangalang iginawad sa kanya.

Pahayag ni Vice sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News, “Apat na beses na silang nagbibigay ng award na ito, tapos apat na beses na rin nila akong nabibigyan.

“So, nakakatuwa, happy.

“Nakaka-pressure, pero mas nakaka-proud, nakaka-happy.

"Mas positive ang epekto sa akin."


PROUD TO BE ME. Sa episode ng It’s Showtime noong May 28 ay pinag-usapan at nag-trending sa social media ang pagtatanggal ng make-up ni Vice on air at pagpapakita ng tunay niyang hitsura bilang simbolo ng pagpapakatotoo sa sarili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Look: Vice Ganda reveals no-makeup look on It's Showtime

Sabi ni Vice tungkol dito, “Masaya… masaya because this is the point in my career na, sinasabi ko nga, I wanna leave something with eternal value.

“Ang dami ko nang blessings sa Diyos. Ito na yung panahon na baka sabihin ng Diyos sa akin, ‘Tanggap ka nang tanggap, ikaw naman ang magbigay.’

“E, di ko naman kayang magbigay ng salapi sa lahat ng tao, siguro ang kaya kong ibigay sa kanila ay inspirasyon.

“Dun namin nila ako mamahalin sa pagiging totoo, mas hindi nila ako mamahalin pag nagpanggap ako bilang ibang tao, nagbabait-baitan para lang makuha lang yung oo at pagmamahal nila panandalian.

“Mas naging maganda ang relasyon ko sa mga tao kasi ‘di kami naglolokohan.

“Nakikita nila yung totoo ang ipinapakita ko sa kanila, sa audience ko.

“Totoo ang ngiti ko, totoo ang luha ko, sinsero ang sinasabi ko, kaya mas maganda ang relasyon ko sa madlang people.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang kumustahin naman namin ang kanyang lovelife, umiwas si Vice na pag-usapan ito.

“Wala, luma na ‘yan, ayokong pinag-uusapan ‘yan. Wala, walang value.”


UPCOMING PROJECTS. Kinumpirma naman ni Vice na may entry ulit siya ngayong taon sa Metro Manila Film Festival, kung saan si Coco Martin ang makakasama niya sa ilalim muli ng direksiyon ni Wenn Deramas.

Okey lang din ba siyang gumawa ng pelikula na iba ang direktor?

Sabi ni Vice, “Open si Direk Wenn na gumawa ako ng movie na iba ang direktor.

“Sabi niya, ‘Ang dami na nating nagawang movies, kung may naiisip ka na project sa ibang direktor, okay ako sa ganung ideya. Yung mga alaga ko naman, lahat nagganyan, okay sa akin.’

“Sabi ko, okay din naman.

“Pero for now, maganda pa yung kinahihinatnan naming dalawa, bakit kami maghihiwalay?”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close