Vice Ganda exposes Kris Aquino’s nose job

Vice Ganda on Kris Aquino: "Marami namang trip sa buhay ‘yang si Kris Aquino. Kung ano ang makakapagpasaya sa kanya, support na lang ako."


Kinuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon ni Vice Ganda sa pahayag ng kaibigan niyang si Kris Aquino sa Kris TV na baka mag-quit na siya sa showbiz at manirahan na sa Amerika sa 2016.

Read: Kris Aquino plans to leave the Philippines and live in the US next year

Sabi ni Vice tungkol dito, “Marami namang trip sa buhay ‘yang si Kris Aquino.

“Kung ano ang makakapagpasaya sa kanya, support na lang ako.

“Bakit naman hindi? Maraming dahilan at marami siyang paraan para makakuha ng kung anong uri ng kaligayahan na gusto niya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vice sa 46th Box Office Entertainment Awards sa The Theatre ng Solaire Resort & Casino, noong Linggo ng gabi, June 14.

NOSE JOB. Sa isang episode din ng Kris TV, kung saan nag-guest si Vice, ay napaamin niya si Kris na sumailalim ito sa nose job.

Kuwento ng Kapamilya comedian-TV host, “Nakakatawa... wala lang, naghaharutan lang kasi kami, niloko ko lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi sabi niya, ‘Nagpagawa ka ba ng ilong?’

“’Hindi ako nagpagawa ng ilong…’ tapos nilaro ko yung ilong ko.

“Sabi ko, ‘Di ba, ikaw, nagpagawa ka? Umamin ka!’

“Tapos sabi niya, ‘Yung dito lang sa gilid.’

“Bigla siyang napaamin tapos naloka na lang siya!”

Patuloy ni Vice, “Sabi ko nga, siguro nagsimula ito sa konspeto na 'Proud To Be Me.'

“Na hindi mo dapat ikahiya yun, kasi ikaw na ‘yan, e, hindi mo naman ninakaw.

“Kung ano ang konsepto mo ng kagandahan para sa sarili mo, gawin mo.

“Kung masaya ka kahit wala kang make-up, okay ‘yan.

“Ang importante, nagagandahan ka.

“Kung para sa iyo maganda ka kung may make-up, go ka diyan.

“Basta ang importante, mahal mo ang sarili mo.”

2016 ELECTIONS. Tungkol naman sa nalalapit na 2016 elections ay marami sa mga artista ang tiyak na papalaot na rin sa mundo ng pulitika.

Pero kung ang iba ay balak na pasukin na rin ang pulitika, wala naman daw sa isip ni Vice ang tumulad sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Yung ginagawa ko naman ngayon, trabaho ko, public service na rin.

“Iba kasi ang pulitika sa public service.

“We can be of sevice to the public without having to go to the politics.

“Maganda pa ang kitaan ngayon sa show business, ‘di mo kailangang magnakaw.

“Smile-smile ka lang, may bayad.

“Sa pulitika, kaway-kaway, kuha ka ng bayad.”

Dagdag pa niya, “Wala namang masama, pero sa ngayon, wala pa akong ini-endorse.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close