Mariel Rodriguez explains why she has not converted to Islam despite being married to Robin Padilla

Mariel Rodriguez on trying to have another baby: “Hindi ko alam… alam niyo, nandoon na kami sa kapag ibinigay, ibibigay. Hindi yung parang gagawin. Kasi, baka ma-stress ka pa nun lalo at masa-sad ka kapag hindi naganap.”


Hindi pa raw napag-uusapan ni Mariel Padilla at ng mister niyang si Robin Padilla ang tungkol sa balitang may gagawing pelikula ang aktor katambal ang dating Japanese porn star na si Maria Ozawa.

Read: Robin Padilla slated to do movie with Japanese porn star Maria Ozawa

Sabi ni Mariel, “No, actually, hindi ko siya alam at hindi ko rin alam yun.

“Sa social media ko lang nalaman. I just know that he’s going to do a movie.

“Hindi naman namin napag-usapan.”

Nati-threaten pa ba siya kapag may mga seksing leading ladies si Robin?

Sagot ni Mariel, “No, hindi, kasi hindi naman siya gagawa ng porn.

“At saka, hindi rin naman maganda na ganun ka mag-isip, ‘no.”

Naniniwala raw si Mariel na nalagpasan na nila ni Robin ang isyu ng selosan.

Hindi na rin daw matandaan ni Mariel kung kailan ang huling beses na nagselos siya.

“Matagal na, hindi ko na nga rin maalala, e.”

Confident na siya sa pagsasama nilang dalawa ni Robin bilang mag-asawa?

Tugon ng Kapatid TV host, “Alam niyo, hindi maganda yung word na confident.

“It’s more on you’re at ease, you’re secured.

“Parang yung confident is too boastful.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mariel sa taping ng Happy Wife, Happy Life ng TV5, sa Gazebo Royale, Visayas Avenue, Quezon City, noong June 12.


CHANGING HER RELIGION. Nabanggit ni Mariel na hindi na siya kumakain ng karneng baboy, pero hindi raw dahil sa nahikayat na siya ng mister niyang maging Muslim na rin.

Katoliko pa rin daw siya hanggang ngayon.

Hindi pa rin ba siya nahihikayat ni Robin na magpalit ng relihiyon?

Saad ni Mariel, “Alam niyo, sa totoo lang, naniniwala na ako…

“Ano na ako sa kanila, naiintindihan ko, gets na gets ko.

“Kasi with Robin, nae-explain niya sa akin how beautiful Islam and it’s really beautiful.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako lang, sinasabi ko, why I can’t commit to it.

“Kasi, gusto ko kapag in-embrace ko siya, magagawa ko talaga siya ng 100 percent.

“Makakapagbihis ako nang naka-hijab ako, na nirerespeto ko yung religion.

“Kasi, habang ginagawa ko ang trabahong ‘to, hindi ko yun magagawa.”

Yun lang talaga ang dahilan kung bakit hindi pa siya nagpapa-convert sa Islam?

“That is one, and the most important one is, hindi ako marunong magdasal.

“Arabic yun, e. That’s in Arabic, so I don’t know how.

“Ang alam ko is magdarasal lang ako at night, ‘Thank you God,’ yun ang alam ko, e.”


HAVING ANOTHER BABY. Nagkaroon ng miscarriage si Mariel sa unang anak sana nila ni Robin, at talagang nalungkot siya dahil sa pagkawala ng kanilang baby.

Ngayong halos isang buwan silang magsasama at magbabakasyon sa Spain, posibleng kayang mabuntis siya ulit?

Sagot ni Mariel, “Hindi ko alam… alam niyo, nandoon na kami sa kapag ibinigay, ibibigay.

“Hindi yung parang gagawin.

“Kasi, baka ma-stress ka pa nun lalo at masa-sad ka kapag hindi naganap.”

ADVICE TO TONI. Bago umalis papuntang Spain at pagkatapos ng taping niya ng Happy Wife, Happy Life noong Biyernes, June 12, dumiretso si Mariel sa wedding reception nina Toni Gonzaga at Paul Soriano.

Masaya raw si Mariel sa pagpapakasal ni Toni; at silang tatlo nina Bianca Gonzalez ay pawang lumagay na sa tahimik.

Magkakasama noon sina Mariel, Toni, at Bianca sa Pinoy Big Brother ng ABS-CBN.

Binigyan ba niya ng payo si Toni bilang pinakahuli itong nag-asawa sa kanilang tatlo?

Sagot ni Mariel, “Alam mo, she’s smart enough, she would know.

“Wala akong binibigay sa kanyang advice.”

Kung manghihingi ito ng payo sa kanya, ano ang sasabihin niya?

“Kung manghihingi siya ng advice, magbibigay ako.

“Pero para magdunung-dunungan ako, hindi ko yun gagawin.

“Pero kung magbibigay ako ng advice sa kanya, it would be to submit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi yun ang ginagawa ng isang asawa at ganoon talaga kapag asawa ka, ang husband ang masusunod.”

One hundred percent nga raw niyang masasabing nagsa-submit siya bilang asawa kay Robin.

Ayon kay Mariel, “Before akong may gagawing bagay, iisipin ko muna, ‘Okey lang kaya ito kay Robin?’ I don’t have to consult him.

“Iniisip ko agad, ‘How would he react, would it be okay?’ kahit na anong gawin ko.”

Noong wala pa siyang asawa, na-imagine niya ba ang sarili na magiging submissive wife siya?

Sagot ni Mariel, “Yun ang dream ko, e, maging housewife talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN