Anne Curtis, Angel Locsin included in Twitter’s 100 Most Influential Women

Kapamilya stars Anne Curtis and Angel Locsin, who have millions of Twitter followers, are included in Huffington Post’s Twitter’s 100 Most Influential Women.


Pasok sina Anne Curtis at Angel Locsin sa ginawang listahan ng Huffington Post ng "Twitter’s 100 Most Influential Women."

Ang listahan ay kinabibilangan ng sikat na female personalities sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Ayon sa artikulo, hindi lang ang bilang ng Twitter followers ang kunsiderasyon para sa nasabing list.

“Influence is not just about followers: it's about how much you engage with other people to make an impact.”

Paliwanag pa ng Huffington Post kung paano ginawa ang ranking: “First, we ranked the top women based on their 'influence' (a score out of 1,000 ranking the likelihood that someone will trust a Twitter user and act upon their posts). We then filtered based on their 'outreach' (how active they are on Twitter, hence Beyoncé's 'outreach' score is a pitiful zero).”

Binanggit sa artikulo na nagkaroon lamang ng walong tweets ang American singer na si Beyonce sa Twitter, kung kaya’t mababa ang score ng kanyang “influence.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa sa artikulo, “And finally sorted each segment by the number of followers. Only verified accounts were considered.”


ANNE AND ANGEL. Sa listahang ito ay dalawang Pinay actresses ang nakapasok.

Nasa 37th place si Anne, na may higit sa 8 million Twitter followers.

Sinundan niya si Beyonce na nasa 36th place at may 14 million followers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-post naman ngayong hapon, June 16, tungkol dito si Anne sa kanyang Instagram account.

Samantala, nasa 87th place naman si Angel, na may higit sa 6 million followers.

Sinundan niya ang Harry Potter author na si J.K. Rowling (86th place) na mayroong 4.7 followers.

Ang top three sa nasabing listahan ay sina Britney Spears (1st), 42 million Twitter followers; Ariana Grande (2nd), 29 million followers; at Nicki Minaj (3rd), 19 million followers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang singer na si Katy Perry, na may pinakamaraming Twitter followers (70 million), ay nasa 17th place.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close