Jolina Magdangal happy about Judy Ann Santos’s second pregnancy

Jolina Magdangal on her next project on ABS-CBN: “Kakatapos lang ng Your Face, e. At saka ongoing pa ang Flordeliza, kaya wala pa akong balita. Pero sa totoo lang, nung pumirma ako sa ABS, ang alam ko lang nun, Flordeliza, e. Pero, di ba, nagkaroon ng Your Face? So, naghihintay lang din ako.”


Natutuwa si Jolina Magdangal na buntis ngayon ang kaibigan niyang si Judy Ann Santos.

Ito ang ikalawang pagbubuntis ni Judy Ann, kaya madadagdagan na naman ang mga supling nila ng mister niyang si Ryan Agoncillo—sina Yohan at Lucho.

Sabi ni Jolina, “Nung nabalitaan ko ‘yon at nakita ko ang Instagram niya, tinext ko siya kaagad.

“Tinanong ko siya kung totoong buntis siya. Sabi niya, oo.

“And sobrang happy ako para sa kanya.

“Kasi ang galing nung pagitan ni Lucho at saka nitong baby na next.”

Magli-limang taon na sa October si Lucho.

Si Jolina naman at ang kanyang mister na si Mark Escueta, wala pa ba silang balak sundan ang panganay nilang anak na si Pele, na isang taong gulang pa lamang?

Sagot ng actress-singer, “Ngayon? Wala pa.

“Parang gusto ko lang talaga munang maramdaman ni Pele na siya yung panganay.

“Tapos, if ever, sana ano… magkaisip muna siya para mai-travel ko muna siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mga ilan taon pa bago sa tingin niya ay puwede nang masundan si Pele?

Ayon kay Jolina, “Siguro mga two years pa.

“Hindi ako sure, ha… parang iyon pa lang ang plano.

“Pero alam mo na, hindi tayo sure diyan.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jolina sa 46th Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, sa The Theatre ng Solaire Resort & Casino, noong Linggo, June 14.


PELE. Kumusta naman si Pele? May mga bagong challenges siyang hinaharap sa pag-aalaga sa anak nila ni MarK?

Ayon kay Jolina, “Oo naman, may mga bago naman siyang ginagawa.

“Ngayon, iba na naman yung oras ng tulog niya.

“Kaya, I think, ano na ‘yan… hanggang sa paglaki na niya.

“Maraming papasok na challenges.

“Puwedeng masananay na ako tapos biglang meron na ulit na bago.

“Ito lang paglipat at pagpalit niya ng timeslot ng tulog niya, mga two days ago lang ‘yon, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NEXT PROJECT. Sa ngayon, tuloy lang ang pagti-taping ni Jolina para sa teleserye ng ABS-CBN na Flordeliza.

Aniya, “Nung nagsabay yung taping ng Flordeliza at saka yung Your Face Sounds Familiar, parang nag-araw-araw ako.

“So, ngayon, Flordeliza ulit.”

May iba pa ba siyang bagong project na gagawin?

“Kakatapos lang ng Your Face, e. At saka ongoing pa ang Flordeliza, kaya wala pa akong balita.

“Pero sa totoo lang, nung pumirma ako sa ABS, ang alam ko lang nun, Flordeliza, e. Pero, di ba, nagkaroon ng Your Face?

“So, naghihintay lang din ako,” sabi ni Jolina.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close