Sunshine Cruz submits new documents in child abuse complaint vs. estranged husband Cesar Montano

Nanatiling positibo ang disposisyon ni Sunshine Cruz sa gitna ng kasong physical abuse at hiwalay na child abuse complaint na isinampa niya laban sa estranged husband na si Cesar Montano.


Patuloy ang legal battle sa pagitan ng estranged couple na sina Sunshine Cruz, 37, at Cesar Montano, 52.

Kahapon, June 16, nagtungo si Sunshine sa Quezon City Prosecutor’s Office upang magsumite ng karagdagang dokumento kaugnay ng reklamong paglabag sa R.A. 9262 o Anti Violence Against Women and their Children (VAWC) na inihain niya laban kay Cesar.

Kaugnay ito ng insidente kung saan diumano'y gumawa ng kabastusan ang aktor sa harap ng tatlong menor de edad nilang anak.

“Ongoing pa rin ang cases. We just presented some documents earlier po kay Fiscal [Ferdinand] Baylon,” pahayag ni Sunshine sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) Martes ng gabi, June 16.

Napag-alaman din ng PEP na naghain si Cesar ng panibagong ebidensiya sa pamamagitan ng kanyang bagong legal counsels kaugnay ng naturang reklamo.

Samantala, patuloy ang pagdinig sa unang kasong paglabag sa VAWC na isinampa ni Sunshine laban kay Cesar.

Matatandaang pormal na kinasuhan ng Quezon City Regional Trial Court si Cesar ng physical abuse noong March 8.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Base ito sa tatlong insidente ng pisikal na pang-aabuso na diumano’y tinamo ni Sunshine mula kay Cesar noong July 2009, January 2013, at May 2013.

Bukod sa pananakot at pisikal na pananakit, inihayag ni Sunshine na mayroon ding insidente kung saan puwersahan daw siyang hinalay ng aktor noong May 12, 2013.

Sinubukan ng PEP na kumustahin ang estado ng naturang kaso, ngunit ayon sa legal counsel ni Sunshine na si Atty. Bonifacio Alentajan ay nagpataw na ng gag order ang korte hinggil dito.

“The court trying the 9262 case had already issued a gag order during the arraignment.

“My deepest regrets, but I cannot comment on the case,” maiksing pahayag ni Atty. Alentajan sa panayam ng PEP sa pamamagitan ng palitan ng text messages kagabi, June 16.

Dugtong pa niya, “The child abuse case is still in the preliminary investigation stage headed by Fiscal Baylon.”

Sa kabila ng pagsubok na pinagdadaanan ng kanyang pamilya ay nananatiling matatag at positibo ang disposisyon ni Sunshine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Base na rin sa kanyang Instagram posts, abala ang Kapamilya actress sa ilang proyekto niya sa telebisyon at pelikula.

Nananatili rin sa poder ni Sunshine ang tatlong anak nila ng estranged husband na si Cesar.

Sina Sunshine at Cesar ay ikinasal noong September 14, 2002.

Ngunit bandang March 2013 ay humiwalay ng tirahan si Sunshine sanhi ng sunuod-sunod na marital problems nila ni Cesar.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close