Eula Valdes gets emotional after winning her first Urian best actress

Eula Valdes on winning Best Actress at the Urian Awards for her performance in Dagitab: “Hindi talaga ako nag-i-expect. Hindi ako nag-prepare ng speech, kahit ano. Oo, hanggang ngayon, hindi ako makapaniwala. Honestly, hindi ako nag-expect na mananalo, kasi ang gagaling ng mga nominado.”


Gulat na gulat ang reaksiyon ni Eula Valdes nang tawagin ang kanyang pangalan bilang Best Actress sa 38th Gawad Urian na ginanap kagabi, June 16, sa Studio 10 ng ABS-CBN.

Nanalo siya para sa mahusay niyang pagganap sa pelikulang Dagitab.

Tinalo ni Eula ang iba pang nominadong sina Nora Aunor (Dementia), Angeli Bayani (Bwaya), Ai-Ai delas Alas (Ronda), Eugene Domingo (Barber’s Tale), Hazel Orencio (Mula Sa Kung Ano Ka Noon), Angelica Panganiban (That Thing Called Tadhana), at Nova Villa (1st Ko Si 3rd).

Read: 38th Gawad Urian winners unveiled: Eula Valdes beats Nora Aunor in Best Actress category; Superstar teary-eyed as she received Lifetime Achievement Award

Maagang dumating si Eula para sa awarding ceremony. 5:30 P.M. kasi ang call time, pero lagpas alas-siete na ng gabi nang magsimula ito.

Kuwento ni Eula sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “After ng storycon na natapos ng 3 P.M., andito na ako.

“Segue dito tapos nagpa-make up na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakaganyan [steady lang] nga ako sa make-up room. Nakaganyan talaga, kasi baka masira yung hair, alam mo ‘yon?

“Sabi ko, ‘Ano ba, ipapababa ko na ba yung kama ko na pang-taping? Gusto kong matulog muna!’” sabay tawa niya.


EMOTIONAL WINNER. Ilang beses na ring nanalo ng acting award si Eula, pero nang umakyat siya sa stage at mahawakan ang kanyang Gawad Urian trophy, parang first time lang daw niyang manalo.

Nanginginig siya na hindi alam ang sasabihin hanggang naiyak at sobrang naging emotional na nga siya.

“Kasi wala akong Urian. Wala pa akong Urian!” bahagyang nanginig ulit na habol-hiningang sabi ni Eula.

Sabi nga niya sa kanyang acceptance speech, kumpleto na siya ngayon.

“May Asian TV [Awards] na ako. Iyon ang unang-una ko, sa abroad pa… sa Singapore.

“And then, Star Awards, tapos Young Critics Circle.

“Ano pa ba… basta meron pa akong iba, e.

“Pero wala pa akong Urian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya, oo, talagang nanginginig ako.

“Kasi sabi ko, uuwi na ako. Kasi parang… kaya tumayo ako kanina bago ang ano, kasi hinahanap ko kung kanino pa ba ako magpapa-selfie,

“Kasi bago ako pumunta sa stage, si Angeli [Bayani], nagpa-selfie muna ako.

“Isa pa lang siya, so tumitingin ako kaya ako tumayo sa seat ko, tinitingnan ko kung sino pa ba ang nandito.

“Hindi ako makapagpa-selfie kay Ms. Nora Aunor dahil nasa gitna siya.

“Tapos, inisip ko, uuwi na ako.

“Hindi talaga ako nag-i-expect. Hindi ako nag-prepare ng speech, kahit ano.

“Oo, hanggang ngayon, hindi ako makapaniwala.

“Honestly, hindi ako nag-expect na mananalo, kasi ang gagaling ng mga nominado.”

SPECIAL AWARD. Kasama nga sa nominees si Nora, na binigyan naman ng Natatanging Gawad Urian para sa mga katangi-tangi nitong kontribusyon sa industriya ng pelikula at sa hindi matatawarang husay niya bilang isang aktres.

“Korek!” bulalas ni Eula.

“So, para bang sabi ko nga, suntok sa buwan ‘yan [manalo].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya… anyway, rarampa na lang ako, di ba, a-attend na lang ako.”

Dagdag pa niya, “Special sa akin itong trophy ng Gawad Urian.

“Kasi isa siya sa mga award-giving bodies na lulusot ka sa butas ng karayom.

“Nung binigyan ako ng Young Critics Circle ng award, sabi ko, ‘Okay, ibang ano ‘to, grupo.’ Iba din ito, e.

“Hindi naman komo nanalo ka sa Cinemalaya, nanalo ka sa Young Critics for the same movie, it doesn’t necessarily follow na mananalo ka sa Urian.

“Ibang set of judges ‘yan. E, kung hindi nila type yung pag-arte ko sa Dagitab, di ba?

“So, talagang hindi ako nag-expect na mananalo.”

Paano siya nai-inspire sa mga acting awards na ganito?

Ayon kay Eula, “Simula nung sa Cinemalaya, nung na-recognize yung pinakapaborito kong gawin sa buong buhay ko, which is pag-aartista, ay nare-recognize ngayon nang sunud-sunod…

“Kahit sa taping, alam mo ‘yon, na pinag-iisipan ko lahat ng gagawin ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi lang ako umaasa na, ‘Hmp, keri na ‘yan! Alam mo ‘yon. Yung ganun?

“Kapag sinabi na, ‘Okay, good take, ganyan-ganyan…’ Bago ‘yon, ina-analyze ko.

“Alam mo ‘yon, mas maging thorough? Base sa script.”

3D CHARACTER. Ang role na ginampanan ni Eula sa Dagitab ay sinasabing three-dimensional character. Ano ang ibig sabihin nito?

“Kailangan kapag nanood ka, meron kang salamin na pang-3D!” natawang biro ng aktres.

Pero dugtong din niya, “Hindi, ano kasi siya, e… hindi siya flat. Hindi siya flat.

“Siguro makikita mo yung lahat ng facet ng pagkatao. Maiikot mo ang character sa tulong na rin ng direktor ko.

“Gusto ko rin yung direktor namin sa Dagitab, kasi alam niya kung ano ang gusto niya.

“Siya rin kasi ang nagsulat, e. So, alam niya kung ano ang gusto niyang makita sa ‘yo at kung ano ang gusto mong ibigay sa kanya.

“Naa-appreciate ko yung ganun na mga direktor, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WHAT’S NEXT? Sabi nga ni Eula, matapos siyang manalo ng Gawad Urian ay kumpleto na siya. So, what’s next for her?

“Next? Hindi ko alam!” napahalakhak niyang sabi.

Kapag nananalo ba siya ng award, laging may hatid na panibago o dagdag na pressure?

Tugon ni Eula, “Siyempre, kasi ang mga nao-observe ko sa iba kasing mga… hindi ko nilalahat.

“Pero hindi lang dito, kahit abroad.

“Pagka sobrang bihasa na or ano na… beterano na sila sa pagri-receive ng award, nagiging kampnate sila na magaling sila, e.

“Mas lalo yata akong kailangang maging… alam mo ‘yon? Mas lalo ako dapat na nakaguwardiya sa pag-arte ko.

“Kasi hindi ako magre-rely sa sarili kong judgment na, ‘Hmmm, nanalo na ako, e. Meron na akong ganito, e. Bakit pa? Kapag sinabi kong good, good yung ginawa ko.'

“Hindi, mas nakakatakot siya, kasi mas kailangan mong timplahin.

“At hindi lang ‘yon, mas maraming mata ang titingnan yung gawa mo ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi binigyan ka ng parangal, e. Iyon ang ano ko, ang fear ko na maging overacting.

“Or magkaroon ka ng… ano bang tawag dun? Yung style masyado?

“Ang gusto ko kasi… gusto ko pang mag-aral, e.

“Gusto kong mag-aral ng acting. Sana meron tayo dito.”

Proven na ang pagiging magaling niyang aktres, bakit kailangan pang mag-aral siya sa acting school?

Sagot ni Eula, “Marami pa akong hindi alam kaya gusto kong mag-aral.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close