Nora Aunor inspired to do more movies after receiving lifetime achievement award at Urian

Part of Nora Aunor’s acceptance speech: "Hindi naman po kaila sa inyo na madalas po akong madapa. Pero dahil po sa lahat ng mga naniniwala, sa lahat ng mga totoong taong naging kaibigan ko at nagtitiwala pa rin ho sa akin, ako po ay muling bumabangon. Kapag nadapa, kailangang bumangon. Gumawa ng isang magandang pelikula para po maipakita ulit kung ano yung ibinigay ng Diyos na talent na magpahanggang ngayon po ay ipinagpapasalamat ko po."


Sakto sa call time na 5:30 P.M. nang dumating ang Superstar na si Nora Aunor sa Studio 10 ng ABS-CBN, kung saan ginanap ang 36th Gawad Urian, Martes ng gabi, June 16.

Sa kabila ng matagal na paghihintay bago nagsimula ang awarding ceremony, bandang 7:30 P.M., nagniningning pa rin ang dating ng Superstar sa suot niyang puting gown na gawa ng designer na si Albert Andrada.

Nominated si Nora bilang best actress para sa pelikula niyang Dementia, ngunit si Eula Valdes ang nanalo para sa mahusay ring pagganap nito sa Dagitab.

Read: 38th Gawad Urian winners unveiled: Eula Valdes beats Nora Aunor in Best Actress category; Superstar teary-eyed as she received Lifetime Achievement Award

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
38th Gawad Urian winners unveiled: Eula Valdes beats Nora Aunor in Best Actress category; Superstar teary-eyed as she received Lifetime Achievement Award

Read more at: http://www.pep.ph/guide/movies/18297/38th-gawad-urian-winners-unveiled-eula-valdes-beats-nora-aunor-in-best-actress-category-superstar-teary-eyed-as-she-received-lifetime-achievement-award
Follow Us: @PEPalerts on Twitter and Instagram | PEP.ph on Facebook

LIFETIME ACHIEVEMENT AWARD. Bago ang announcement ng winner sa Best Actress category, nauna nang binigyan ng Natatanging Gawad Urian si Nora para sa malaking kontribusyon niya sa industriya ng pelikula Pilipino at hindi matatawarang galing niya bilang isang aktres.

“Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko!” natawang bungad ni Nora nang umakyat siya sa stage upang tanggapin ang kanyang parangal.

“Napakasarap po ng pakiramdam.

“At ngayon lang ho yata ito… damang-dama ko ang pagbibigay sa akin ng Natatanging Gawad Urian.

“Ang isang artista po, laging kong sinasabi ay isapuso n’yo lang ang inyong ginagawa, isapuso ninyo kung ano yung mga trabaho na ibinibigay sa inyo at hindi po kayo magkakamali.”

Tila nabablangko at nauubusan ng sasabihin si Nora kaya sa hawak niyang souvenir program ay inilabas niya ang nakaipit doon na kopya ng inihanda niyang acceptance speech.

“Pasensiya na po kayo, kukunin ko na ang kodigo ko!” tawang biro niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa Malaysia, hindi naman ako ganito!” pagtukoy ni Nora sa ginanap doon na Asian International Film Festival and Awards, kung saan ginawaran din siya ng lifetime achievement award.

Pagpapatuloy ng aktres, “Nanginginig ho ako talaga.

“Maraming salamat po sa karangalang ito.

“Isang napakahalagang bagay ang makatanggap ng isang lifetime achievement award mula sa mga ipinagpipitagang kritiko ng ating bansa.

“Iisa lang po ang ibig sabihin nito, na dapat po akong magsipag lalo at gumawa ng mas marami pang pelikula.”

Sandaling nahinto sa pagsasalita si Nora. Nangilid ang luha niya at naging emosyonal na.

“Sorry po!” pasintabi niya.

“Gusto kong gumawa ng mga pelikulang makapagbibigay po ng aral sa ating mga kabataan sa kasalukuyan.

“At ito po ay sasabihin ko sa inyo, makakaasa po kayo, hinding-hindi po ako mapapagod.

“Lalo na at nandiyan palagi ang aking mga tagahanga.

“Pumuti man ang kanilang buhok, may mga sumakabilang-buhay, pero mula ho nang mag-umpisa ako hanggang ngayon ay nakikita ko pa rin sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At kahit uugod-ugod na sila ay nandiyan pa rin. Naka-wheelchair na yung iba, nandiyan pa rin po.

“Hindi ko po makakalimutan.

“Basta ang lagi kong sinasabi, magpahanggang ngayon, kung mahal ninyo po ako, mas mahal ko kayong lahat.

“Maraming-maraming salamat po.

“Kung wala po kayo, wala pong Nora Aunor na nandito sa inyong harapan.”

Dagdag pa ng Superstar, “Gusto ko rin pong pasalamatan ang aking pamilya, ang aking matatapat na mga kaibigan, ang mga naniniwala po sa akin.

“Ang mga movie company po at mga TV outfits na patuloy na nagtitiwala sa akin.

“Hindi naman po kaila sa inyo na madalas po akong madapa.

“Pero dahil po sa lahat ng mga naniniwala, sa lahat ng mga totoong taong naging kaibigan ko at nagtitiwala pa rin ho sa akin, ako po ay muling bumabangon.

“Kapag nadapa, kailangang bumangon.

“Gumawa ng isang magandang pelikula para po maipakita ulit kung ano yung ibinigay ng Diyos na talent na magpahanggang ngayon po ay ipinagpapasalamat ko po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dahil sa ito po ay nakikilala pa rin ng mga tao at nagugustuhan pa rin ng mga manonood ang lahat ng mga pelikulang ginagawa ko.

“Sa lahat ng mga naging direktor ko po, sa lahat ng mga nakasama ko sa pelikula, maraming-maraming salamat sa inyo.

“At sana po ay magkasama pa rin tayong muli.

“Ang pangako ko po sa inyo na ako po ay mas magkakaroon ng inspirasyon sa dahilan po sa gabing ito na pagkakabigay sa akin ng Natatanging Gawad Urian.

“Kakaiba po talaga ang pakiramdam na tumanggap ng Natatanging Gawad Urian.

“Sa mga kaibigan ko, kay John [Rendez, her longtime partner], maraming salamat sa pigging gabay sa akin magpahanggang ngayon.

“At sa mga anak ko, lalung-lalo na.

“Salamat po.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close