Louise delos Reyes says no to DNA testing: “I’m very sure about my identity... mag-aaksaya lang tayo ng panahon, pera."

Louise delos Reyes refuses to acknowledge the woman who claims to be her real mother, “Nagpakita lang ako sa kanya, kasi baka makakatulong ako sa kanya. Pero hindi ko puwedeng tanggapin siya bilang nanay ko kasi may nanay ako. Hindi talaga, hindi talaga.”


Hinarap na ng Kapuso young star na si Louise delos Reyes ang nagpapakilalang diumano’y tunay niyang ina.

Pero pagkatapos ng paghaharap na yun, nag-post si Louise sa kanyang Instagram account ng bago niyang tattoo—ang mga numerong "09.01.92" (September 1, 1992), na para sa kanya ay ang nakagisnan at alam niyang kaarawan niya.

Taliwas sa sinasabi ng nagpapakilalang nanay niya na ibang araw raw ang kapanganakan ni Louise.

Ang pagpapakita niya ng kanyang tattoo ay simbulo na kahit nakaharap na niya ang nagpapakilalang tunay niyang ina ay ang nakagisnan niyang mga magulang pa rin ang pinaniniwalaan niyang tunay na nagsilang sa kanya.

Sa GMA Kapuso Family Day noong Sabado, June 13, kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Louise pagkatapos ng lahat.

“Okey naman,” nakangiting pahayag niya.

“Kasi, alam ko naman kung ano ang totoo.

“Nasasaktan lang ako kapag, alam mo yun, parang mas alam pa nila ang totoo sa akin.

“Doon lang ako nao-offend kasi, nasasaktan nila ang pamilya ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


CLOSER. Ang kinikilala at nakagisnang nanay ni Louise ay si Elvie Perido. Paano nito nagagawang tanggapin na may ibang babaeng umaako sa papel niya sa buhay ng aktres?

Ayon kay Louise, “Si Mama kasi, may Twitter siya, ayoko siyang mag-social media muna.

“Pinag-diet ko muna siya sa social media!

“Tapos ako naman, ipinaparamdam ko sa kanila na kahit anong sabihin, magulang ko sila, e.

“I’m just protecting them.

"Minsan, hindi ko lang talaga maiwasang sumagot sa mga bashers or sa mga nagku-comment."

May mga sinasagot na siyang bashers ngayon?

“Oo,” pag-amin niya. “Noong lumabas kasi ang isyung yun, it’s very sensitive for me.

“Kasi pagkatao ko yung pinag-uusapan nila, tapos nagdudunung-dunungan sila.”

Sa pangyayaring ito, ang ina raw niya ang isa sa naapektuhan talaga.

May nakita ba siyang pagbabago sa relasyon nila?

Ayon kay Louise, “Napansin ko na mas naging protective siya sa akin, actually, mas naging close kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, ito ang mga topic na hindi madalas napag-uusapan, hindi naibabato sa pamilya basta-basta.

“So, noong napag-usapan namin ‘to, bumalik sa kanya yung childhood ko, kung gaano kami ka-close.

“Parang bumalik ulit, nagkaroon ulit ng asim!”

Natawa pa si Louise sa napili niyang salita ng paglalarawan ng relasyon nila ng ina.

Wala rin daw siyang nararamdamang missing childhood.

“Wala po, e, wala talaga,” saad niya.


ENOUGH! Pagkatapos ng pagkikita nila ng nagpakilalang ina niya, nagkaroon ba silang muli ng pagkakataong magkita, magkausap?

“Actually, may isang account, alam ko na bagong account lang siya sa IG [Instagram], yun ang sinasagot ko talaga.

“Supposedly, siya raw yung friend.

"Tapos, yung nagki-claim naman sa akin, nagtu-tweet siya sa akin palagi.

“Kamusta… anak… ko… miss… kita. Yung ganun.

“Parang, if you’re really sincere na ikaw nga ang ina ko… anak kita.

“I mean, nakapasok ka na nga ng GMA, hindi malabong ma-approach mo ulit ako, puntahan mo ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero dugtong din ni Louise, “At saka, tama na.

“Nagpakita lang din naman ako sa kanya, I mean, hindi ako nagiging mean.

“Nagpakita lang ako sa kanya, kasi baka makakatulong ako sa kanya.

“Baka kapag nakita niya ako, parang kung pinapaniwalaan niya talaga ako na ako ang anak niya, yung forgiveness naibigay ko.

“Pero hindi ko puwedeng tanggapin siya bilang nanay ko kasi, may nanay ako.”

Saad pa ni Louise, “Ayoko namang maging ipokrita rin, nagkaroon ako ng, sige, let’s give it a try.

“Baka lang, pero sure na ‘ko, binigyan ko lang siya ng chance.

“Siyempre, nagtanong din ako, pero hindi talaga, e.

“Hindi talaga, hindi talaga.”


SURE. Karamihan sa netizens na nagbibigay ng komento sa kanya ay nag-suggest na bakit hindi siya magpa-DNA testing para masigurado talaga kung sino ang totoo niyang ina.

Natatawang sagot naman ni Louise, “Gastos lang yun, gastos lang, e!

“At saka, hindi na kailangan. Hindi na kailangang dumating sa ganung point.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m very sure about my identity, so parang mag-aaksaya lang tayo ng panahon, pera.

“Parang tama na, tama na yung isyung yun, tapos na, moving on.”

May naging maganda rin bang naidulot sa kanya o sa pagkatao niya yung pangyayaring ito?

Sagot ni Louise, “In a way, nahanap ko na sa sarili ko si Grace [Mary Grace Perido ang tunay niyang pangalan].

“Kasi noong tinitingnan ko ang mga baby pictures ko…

“Noong nakipag-usap ulit ako sa mga kapitbahay ko… masyado na kasi akong occupied ng trabaho, Manila.

“Noong bumalik ako ulit sa Cavite, parang refreshing, naging balance.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close