Lovi Poe on ampon issue being thrown against Senator Grace Poe: "At the end of the day, she’s a Poe pa rin."

Lovi Poe prides herself of honoring her family name as an actress. The Kapuso actress says, “Wala akong ginagawang crazy na masisira yung pangalan ni Papa.”


Nagpahayag ng kanyang suporta si Lovi sa kanyang half-sister na si Senator Grace Poelaban sa mga bumabatikos dito.

Ibinabalik kasi ang isyu ng pagiging ampon ni Grace, at hindi naman daw ito totoong dugo at laman ng yumaong si Fernando Poe Jr. at ng biyuda nitong si Susan Roces.

Komento ni Lovi, “Well, ang nararamdaman ko is it’s kinda obvious that it was gonna come.

“Kasi, she’s doing so well.

"Siyempre people throw rocks when people are doing very well.

“Minsan, ganun ang mentality ng mga tao.

“Nakakalungkot dahil may mga ganyang nagsasalita tungkol sa kanya.

“Pero at the end of the day, she’s a Poe pa rin, e.

“For me, it doesn’t matter dahil sa paningin pa rin ng mga tao, she’s still a Poe.

“She’s a strong woman.”

Sa latest presidential survey, naungusan na ni Grace ang mahigpit niyang kalaban na si Vice President Jejomar Binay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin daw naging big deal kay Lovi ang pagiging ampon ng kanyang half-sister.

“No, that doesn’t change anything.

“Parang kung sino ang nagpalaki sa iyo, yun ang kilalanin mong mga magulang, it doesn’t change anything.”

Ang yumao ba niyang si FPJ ang nagsabi sa kanya nito?

“I don’t remember na... it’s a long, long time ago,” sabi ni Lovi.

Nakakapag-usap ba sila ni Grace?

“Minsan, minsan. Ngayon, madalang, kasi we’re so busy.

“Hindi ko pa nga siya nakakamusta lately.”


BEING A POE. Mahirap bang maging isang Poe?

“For me, siyempre parang yung expectations ng mga tao…

"Para sa akin, ha, like, minsan, magri-react sila kung bakit ako nagpapa-sexy.

“Pero napunta na ako sa point na hindi ko na lang inisip.

“Never ko namang dinamdam na Poe ako.

“Never siyang inilagay sa isip ko… you know what I mean?

“Oo, alam ko, pero hindi naman ako yung umarteng hindi tama.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpapasalamat lang si Lovi dahil tinanggap siya bilang aktres at napatunayan niyang kaya niyang makilala sa larangang ito kahit nagpa-sexy siya.

Sabi pa niya, “Para sa akin, ginagawa ko na lang kung ano yung gusto kong gawin.

“Mini-make sure ko na lang na wala akong tinatapakang tao.

“Wala akong ginagawang crazy na masisira yung pangalan ni Papa.”

LOVI IN KUWAIT. Samantala, pinasaya at pinabilib ni Lovi ang mga kababayan natin sa Kuwait nang mag-personal appearance ang actress-singer dito kaugnay ng pagdiriwang ng Philippine Independence Day noong June 12.

Ito ay sa paanyaya ng Alliance of the Filipino Organizations sa Kuwait. Kinabibilangan ito nina Dr. Chie Umandap, Ana del Mundo, Dolores Suarez-Elenany, at Mildred and Nelson Lacson.

Kasama rin ang manunulat na ito sa show, pati na ang mga comedians na sina Pretty Pepay at Tammy Brown, maging ang mga Pinoy local artists doon.

Naging cooperative si Lovi sa lahat ng schedules niya sa buong pananatili niya sa Kuwait, pati na ang pagpayag niyang magpakuha ng mga larawan kasama ang mga OFWs doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi nga ni Lovi sa PEP, ibinabalik lang niya ang mga magagandang nagawa ng mga kababayan natin para sa bansa.

“Alam naman nating mahirap magtrabaho at manirahan sa abroad lalo.

"Yung iba, sinusuwerte, yung iba naman hindi pinapalad.

“Kaming mga entertainers, parang masarap na sa pakiramdam namin na mabigyan sila ng kasiyahan.

“Ang laki ng nagagawa nila sa ating bansa para sa pag-unlad natin.

"Malaki rin ang sakripisyo nila dahil malayo sila sa kanilang mga pami-pamilya.

“Kung tutuusin, maliit pa nga yung naibibigay namin kumpara sa naibibigay nila sa bansa.

"So, it’s right lang naman na pasayahin sila in the best way we can.

“Nagpapasalamat lang talaga ako sa mga kababayan natin na nag-assist, nag-alaga sa akin.

“Hindi talaga nila ako pinabayaan from day one na dumating ako… salamat po talaga.”

Natawa naman si Lovi sa mga feedback na kumakanta pala siya.

Sabi niya, “Oo naman, nung pumasok ako sa showbiz, remember singing talaga ang pinag-umpisahan ko. Gusto kong maging singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero sa acting ako mas nakilala and no regrets naman, kasi nagagawa ko rin namang kumanta sa mga ganitong pagkakataon.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close