Vice Ganda attends The PEP List with a fashion statement: Stop Yulin Dog Meat Festival

Vice Ganda on his outrageous outfits during awards ceremonies: “E, kasi, parang wala naman silang in-expect na katinuan sa hitsura ko lagi. Wala naman akong ipinangako sa kanila na magiging sweet ako habang-buhay. Wala akong pinuprotektahang image ng pagiging safe. Kaya mas bulabog ang outfit ko, mas ini-expect nila na ganun ang mangyayari.”


Ang Phenomenal Box Office Star na si Vice Ganda ang itinanghal na Male TV Star of the Year sa The PEP List Year 2 na ginanap Huwebes ng gabi, June 18, sa Grand Ballroom ng Solaire Resort & Casino.

Ang naging katuwang naman niya, bilang Female TV Star of the Year, ay ang itinuturing niyang “asawa” na si Kris Aquino.

Read: The PEP List Year 2: Kris Aquino and Vice Ganda named TV Stars of the Year; DongYan, KimXi, KathNiel topped PEPsters' Choice

Halata kay Vice na masayang-masaya siya sa bagong award na ipinagkaloob sa kanya.

Pahayag ng comedian-TV host sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters, “Masaya, kasi hindi man ito ang first na PEP Award, pero first time kong makatanggap ng award sa kanila.

“Kung hindi ako nagkakamali, parang first time nga.”

Katulad ng ibang mga nakakatanggap ng awards mula sa The PEP List, naging kapansin-pansin kay Vice ang bigat ng tropeyong hawak niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung trophy, ang bigat! Sabi ko nga, may weight talaga ang trophy na ito—figuratively and literally.”

Sa kanyang acceptance speech ay nagbiro si Vice na okey na raw na nanalo siya sa kategoryang TV Star of The Year, kaso may kasunod pang “Male.”

Pero dugtong, “Masaya naman ako… ako naman, wala naman akong problema kung ano ang tawag sa akin.

“Kung he or she, I don’t really mind. Wala akong isyu dun.”

VICE’S HEADDRESS. Agaw-pansin naman ang naging kasuotan ni Vice sa The PEP List Year 2, partikular na ang kanyang headdress na may bungo pa ng aso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa Kapamilya star, may “statement” o ipinaglalaban ang kasuotan niyang ito.

Ito ay ang pagsuporta niya sa protestang itigil na ang Yulin Dog Meat Festival sa China, kung saan libu-libong mga aso at pusa ang kinakatay taun-taon upang kainin ang mga karne nito.

“Stop Yulin!” bulalas ni Vice.

“Di ba, yun ang pinag-uusapan ngayon, yung festival sa China na hindi sinusuportahan ng karamihan, lalung-lalo na sa Pilipinas, dahil itinuturing nating miyembro ng pamilya natin ang mga aso.”

Tuwing dumadalo siya sa awards night, nag-e-effort talaga si Vice sa pagbibihis nang kakaiba.

Pag-amin niya, “Alam niyo, nae-excite akong talaga tuwing may awards night.

“’Di ba, sa ibang bansa, big deal talaga ito, yung mga awards night?

“Kaya dapat dito sa Pilipinas, ano rin, kumbaga, ganun din ang mga pagtrato ng mga nagsisipag-participate.

“Lalo na itong PEP, pinaghirapan ito ng mga organizers, kaya dapat hindi rin puchu-puchu ang presence na ibibigay mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka, nakaka-excite, di ba, ang sarap magdamit.

“Bihira lang naman ito, hindi naman araw-araw.”

Nanghihinayang lang si Vice dahil halos patapos na ang The PEP List nang dumating siya.

Nanggaling pa kasi siya sa taping ng Gandang Gabi Vice, ang weekly show niya sa ABS-CBN. Idagdag pa ang malakas na pagbuhos ng ulan at grabeng traffic.

“Nakakainis nga medyo late na ako, konti lang ang nakakita.

“Buti na lang may pa-picture dito, marami ang makakakita!” natawang sabi niya.

Ano naman ang masasabi niya na marami ang natutuwa kapag nag-e-effort talaga siyang maging kakaiba kapag uma-attend siya ng mga ganitong events?

Saad ni Vice, “E, kasi, parang wala naman silang in-expect na katinuan sa hitsura ko lagi.

“Wala naman akong ipinangako sa kanila na magiging sweet ako habang-buhay.

“Wala akong pinuprotektahang image ng pagiging safe.

“Kaya mas bulabog ang outfit ko, mas ini-expect nila na ganun ang mangyayari.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close