Vice Ganda acknowledges that he is now at the peak of his career

Ayon kay Vice Ganda, hindi na kailangan ang salita upang ipadama ang kanyang pasasalamat sa taong mahal niya. "More than words. Hindi namin kailangang i-verbalize. Alam na namin yun sa isa’t isa."


“I have to.”

Ito ang naging tugon ni Vice Ganda nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung nararamdaman niyang nasa peak o tugatog siya ng kanyang career ngayon.

Dagdag pa niya, “I have to feel all my blessings, I have to feel all the wonderful things na nangyayari sa akin.

“Kasi, kailangan mong i-acknowledge mo yun, kasi ibinigay sa ‘yo ng Diyos, kailangang i-acknowledge mo, i-enjoy mo, at ipagpasalamat mo sa kanya lahat ng tinatamasa.”

May kulang pa ba sa kanya ngayon?

“Marami… kasi tao lang tayo,” sambit ni Vice.

“Hindi naman tayo nauubusan ng hinahanap sa buhay.

“Pero kung anuman ang kulang na yun, hindi ko muna dinadama dahil mas mahalaga sa akin kung ano yung ibinigay sa akin ngayon.

“Kung ano yung nakikita ko, nararamdaman ko, naririnig ko, nalalasahan ko ay mahalagang-mahalaga at ipinagpapasalamat ko na yun.”

Nakausap ng PEP si Vice sa The PEP List Year 2, Huwebes ng gabi, sa Grand Ballroom ng Solaire Resort and Casino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Vice ang nanalong PEP Editors’ Choice Male TV Star of the Year.

Read: The PEP List Year 2: Kris Aquino and Vice Ganda named TV Stars of the Year; DongYan, KimXi, KathNiel topped PEPsters' Choice

CARRER AND LOVELIFE. Tila hindi yata tumutugma kay Vice ang kasabihan sa showbiz na kapag bongga ang career ay walang lovelife?

Pagkontra naman ng Kapamilya star, “Hindi totoo yun.

“Puwede ‘yan, puwedeng bongga ang lovelife, bongga ang career.”

Noong nakaraang concert ni Daniel Padilla, tinukso at ibinuking ng young actor na in love ngayon si Vice.

Sabi naman ni Vice, “Alam niya naman, e. Alam naman niya ang kuwento ng buhay ko.”

Ano ang sagot niya sa sinabi ni Daniel na in love siya?

“Wala lang, smile lang. Smile lang!” natawang sabi ni Vice.

Hindi pa nangyayaring ipinakilala ni Vice sa publiko kung sinuman ang lalaking karelasyon o nagpapasaya sa kanya.

Pero sa mga magagandang nangyayari sa buhay niya ngayon, ano ang reaksiyon ng taong mahal niya at nagbibigay ng inspirasyon sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Siyempre, lahat naman ng taong mahal natin o malapit sa atin, kapag may nangyaring maganda sa atin, kaisa natin silang tumatawa.

“Kapag malungkot ka rin, kasabay mo rin silang nalulungkot.

“Doon mo rin malalaman kung importante ka sa taong yun.”

Nakakabawas ba ng saya kapag hindi niya naa-acknowledge ang taong mahal niya kapag hindi niya ito mabanggit tuwing tatanggap siya ng award?

Sagot ni Vice, “Hindi, more than words. Hindi namin kailangang i-verbalize. Alam na namin yun sa isa’t isa.”

Pero natawang dugtong niya, “Nakaka-teen star na naman ‘tong interview!

“Papunta na naman ito sa lovelife. Hindi ko kaya!

“Masyadong fierce ang outfit ko sa mga questions about lovelife.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close