Newbie Jessy Salvador says she has no intention of riding the coattails of half-sister Maja Salvador

Jessy Salvador belongs to famous showbiz clan and she is out to prove the worthiness of her name. She says, "Gusto ko rin na may mapatunayan ako sa sarili ko na kaya ko.”


Pumasok na rin sa showbiz ang half-sister ni Maja Salvador na si Jessy Salvador.

Ang ama nila ay ang dating aktor na si Ross Rival, na yumao noong 2007.

Sinabi ni Jessy na kailan lang sila naging malapit sa isa’t isa ng Ate Maja niya.

Ayon sa kanya, nung nabubuhay pa ang tatay nila, nagkikita sila ni Maja at alam nila kung ano ang sitwasyon nilang dalawa.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jessy sa contract signing nito para sa gagawin niyang indie film, ang Samaritan, nagbalik-tanaw ang dalaga kung paano sila nagkakilala ni Maja bilang magkapatid sa ama.

“Nung four years old ako, parang nag-meet kaming lahat sa Enchanted Kingdom.. ten kaming lahat.

“Pero bumibisita na rin sila [Maja] sa bahay nung time na yun.”


HELPFUL. Kung kukumustahin ang buhay ngayon ni Jessy, masasabi niyang ngayon pa lang siya nagsisimula.

“Maayos naman pero, financially, kinukulang din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ginagawan naman nang best ni Mama at saka ni Papa bago siya ano...

“So, ngayon, nandito na ako para matulungan ko yung parents ko at yung sisters ko, brothers ko.”

Tinutulungan ba siya ni Maja?

Sabi ni Jessy, “Yung isang sister ko, if ever na may tour siya, kasi yung course ng ate ko, Tourism.

“Parang siya [Maja] yung nagbibigay ng pang-tour ni Ate Meia.

“Sa modelling naman yung isa ko pa na sister, tinutulungan ni Ate Maja naman sa modelling.

“Sa akin naman, tinutulungan niya ako sa damit, sapatos.”

Maayos daw ang pakikisama ni Maja sa kanyang ina, ayon pa kay Jessy, “Nagbibigay siya monthly, kay Mama.”

Nahinto na lang ito ngayon dahil nagsisimula na siyang magtrabaho sa showbiz.

Nilinaw ni Jessy na wala siyang tampo kay Maja dahil hindi na nito sinusustentuhan ang family nila.

“Wala,” giit niya.

“Nakatira kami sa isang hindi naman kagandahang lugar.

“Pero si Boss Vic [del Rosario, Viva big boss], tinutulungan kami every month.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung mga cousins ko rin na iba… nakakaraos naman.”


DEMONSTRATIVE. Paano niya isasalarawan si Maja bilang kapatid?

“Si Ate, sobrang lambing, 'pag nasa public kami, hindi niya kami ikinahihiya na sisters niya kami.

“Niyayakap pa niya kami, nagkukulitan pa kami sa labas.”

Sa kanyang parte, hindi raw naiisip ni Jessy na gamitin ang pagiging magkapatid nila ni Maja para makapasok sa ABS-CBN.

Diin niya, “Never, kasi gusto ko, kagaya niya, yung nagpursige siya.

“So, gusto ko rin na may mapatunayan ako sa sarili ko na kaya ko.”

Ano ang advice sa kanya ni Maja?

“Kailangan maging matapang ka.

“Kunwari may mga conflict, kailangan mong laging mag-consult, financially man o hindi.”

Wala raw siyang opinyon tungkol sa hiwalayan nina Maja at Gerald Anderson.

“I’m aware, pero hindi ko alam yung reason. Hindi pa kami nagkikita after nung breakup,” sabi niya.


GETTING STARTED. Ngayon na niyayakap na ni Jessy ang mundo ng pag-aartista, ano ang kanyang pakiramdam?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot niya, “Noong una, takot pa ako sa showbiz.

“Pero nung na-enjoy ko na rin siya, yung puyat, masaya naman siya.

“Kasi yung mga katrabaho mo, enjoy naman.”

Sinisigurado raw ni Jessy na hindi siya magpapa-sexy.

Inisip na rin daw niyang sumali sa mga beauty pageants dahil sa angkin niyang height.

Kuwento niya, “May mga nakasabay akong mga beauty queens before sa workshop, like si Bea Rose Santiago.

“Parang yung mga sinabi niya, parang ayoko na, showbiz na lang ako.”

Sa indie film na Samaritan na ididirehe ni Joric Raquiza at pagbibidahan ng American actor na si Matt Toti, makakasama ni Jessy sina Regine Tolentino at Patricia Javier.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close