Darren Espanto beats big names for Male Teen Star of the Year award at The PEP List

Malaki ang pasasalamat ni Darren Espanto sa lahat ng kanyang mga tagahanga na walang sawang bumoto sa kanya, na naging dahilan para siya ang itanghal na PEPsters’ Choice Male Teen Star of the Year ng The PEP List Year 2. Iginawad sa young singer ang kanyang tropeyo kagabi, June 18, sa Grand Ballroom ng Solaire Resort and Casino.


Masayang-masaya si Darren Espanto sa natanggap niyang award na PEPsters' Choice Male Teen Star of the Year mula sa The PEP List Year 2.

Ginanap ang awards night kagabi, June 18, sa Grand Ballroom ng Solaire Resort and Casino.

Sabi ng 14-year-old Kapamilya singer, “Nakakakaba at nakaka-excite rin kasi I really wasn't expecting this.

"Kasi baguhan pa lang po ako.

“And talagang nakita ko po yung dedication ng mga fans, their support for me and the love, so thanks po talaga.”

Malaki raw talaga ang kanyang pasasalamat sa mga #darrenatics dahil malalaking pangalan ang kanyang tinalo mula sa kanyang istasyon at sa iba pang networks.

Ang mga nakalaban ni Darren sa naturang kategorya ay sina Daniel Padilla, Manolo Pedrosa, Mark Neumann, Miguel Tanfelix, Nash Aguas, at Ruru Madrid.

Sabi niya tungkol dito, “Ayun po, hindi ko talaga ini-expect, kasi feeling ko baguhan pa lang po ako dito”

Aminado naman ang The Voice Kids Season 1 runner-up na added pressure ito sa kanya para pagbutihin pa ang kanyang craft.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kapag nakakatanggap po ako ng mga ganito, feeling ko mas gagalingan ko pa po in the future.”


PHILIPPINE TOUR. Kasunod ng matagumpay na The Birthday Concert ni Darren last May 29, sa Mall of Asia Arena, iikutin naman ng young singer ang bansa upang makadaupang-palad ang kanyang mga tagahanga sa mga probinsiya.

Sabi ni Darren, “Ang susunod po ay magkakaroon ako ng Philippine Tour na parang katulad nung sa MOA Arena, pero may mga kaunting differences lang na idadagdag.”

Wala pa namang eksaktong petsa, pero makakaasa daw ang kanyang mga tagahanga na malapit na ito.

Samantala, nagbukas na din ang The Voice Kids Season 2 kung saan siya na-discover.

Payo ni Darren sa mga nagnanais na sundan ang kanilang yapak ng Season 1 grand winner na si Lyca Gairanod, “Sa mga sumali sa The Voice Kids Season 2, congratulations.

“And just be yourself, be humble always.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close