LJ Reyes admits she’s not on speaking terms with JC De Vera

“Alam niyo naman priority ko siyempre si God. Next dun anak ko. Siyempre ano ba dapat yung dapat ko unahin? Siyempre yung makakabuti sa anak ko," says LJ Reyes, adding that her lovelife is not her top priority for now.


“Paano magbi-break, hindi naman naging kami?”

Ito ang pahayag ni LJ Reyes nang tanungin tungkol sa balitang hiwalay na sila ng rumored boyfriend niyang si JC de Vera.

Ayon pa kay LJ, hindi lingid sa kaalaman ng publiko na madalas silang lumalabas noon ni JC.

Ngunit kung anuman ang namagitan sa kanila ay hindi raw umabot sa puntong nagkaroon sila ng pormal na relasyon.

“E, alam niyo naman. Sinasabi ko naman sa inyo we went out with friends, pero hindi naman naging kami.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at TV reporters ng GMA Network si LJ sa The PEP List Year 2 awards night na ginanap sa Solaire Resort and Casino, sa Parañaque City, kagabi, June 18.

Dito ay hiningan ng reaksiyon si LJ ng Startalk reporter and PEP contributor na si Gorgy Rula tungkol sa isang panayam ni JC kung saan kinumpirma ng Kapamilya actor ang tungkol sa kanilang hiwalayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Taliwas ito sa naunang panayam kay JC kung saan sinabi nitong walang hiwalayang nangyari dahil hindi sila nagkaroon ng pormal na relasyon ni LJ.

Read: JC De Vera reveals why he stopped seeing LJ Reyes

Ngunit nanatiling mailap si LJ at idinaan sa tawa ang pagsagot sa isyung kinahaharap nito.

“Saan niya sinabi yun? Hindi ko alam. Kausapin niyo siya.

“Baka naman hindi niya sinabi nang literal? I don’t know,” paiwas na sagot ng Kapuso actress.

Sa kabila ng pagiging malapit nila sa isa’t isa noon, bigla na lang natigil ang tila papausbong na sana nilang relasyon.

Sa katunayan, walang komunikasyon ang dalawa sa kasalukuyan.

“Hindi na kami nag-uusap,” pag-amin ni LJ.

Hindi man diretsahang sinabi ni LJ kung ano ang dahilan ng pagkaudlot ng pagkakamabutihan nila ni JC, ipinaliwanag ng aktres na mas prayoridad niya ang anak niyang si Aki kaysa pagkakaroon ng lovelife.

“Alam niyo naman priority ko siyempre si God. Next dun anak ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre ano ba dapat yung dapat ko unahin? Siyempre yung makakabuti sa anak ko.

“Hindi lang para sa akin. Hindi ko na iniisip sarili ko at this time.

“I’m working very hard para sa anak ko kasi siyempre gusto ko siyang bigyan ng magandang future.”

Kahit abala si LJ sa trabaho ay sinisikap daw niya na masubaybayan nang maigi ang anak lalo pa’t nagsimula na itong mag-aral sa Xavier School sa San Juan City.

Bunsod nito, hindi maiwasang tanungin si LJ na hindi kaya kulang siya sa oras kay JC dahil sa pagiging sobrang busy niya sa trabaho at sa anak.

Sagot ni LJ, “Dapat lang naman busy ako kay Aki. Magtaka ka naman kung hindi ako busy kay Aki. Ano ba yun.”

Tumanggi rin si LJ na magbigay ng anumang mensahe para kay JC.

Aniya, “Huwag na, huwag na yung message for him. Kayo naman.”


Sa ngayon, “wala” raw siyang ibang masugid na manliligaw o dine-date man lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, “In love ako kay God at sa anak ko.”

Sa kabilang banda, hiningan ng reaksiyon si LJ tungkol sa pagkakaugnay ng ex-boyfriend niyang si Paulo Avelino kay Maja Salvador.

Sina Paulo at Maja ay magkatrabaho sa isang teleserye sa Kapamilya network.

Masaya ba siya para rumored blooming lovelife ni Paulo?

Sagot ni LJ, “’Lagi ko naman sinasabi as long as he’s happy, happy rin ako.”

Hindi man sila ang tipo ng ex-couple na pinag-uusapan ang kani-kanilang lovelife, siniguro ni LJ na bukas ang komunikasyon sa pagitan nila ni Paulo pagdating sa usapin tungkol sa kanilang four-year-old son na si Aki.

“Hindi, hindi naman [nagkukulang si Paulo kay Aki]. Very busy lang din siya. Pareho naman kaming busy.

“Pero whenever he has time, kailangan ko ng tulong with Aki, tinatawagan ko naman siya.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close