Gabby Eigenmann sad to be celebrating Father’s Day without his late dad, Mark Gil: "Every day, I miss him."

Apart from being a model father to his four children, Gabby Eigenmann is being tagged as "Pambansang Daddy ng Pilipinas" for his consecutive father roles in three GMA shows, "Wow... I don’t my mind, though. I have work to do, and I’m doing every role the best that I could."


First time na magsi-celebrate ng Father's Day ang pamilyang Eigenmann na wala ang kanilang ama na si Mark Gil, kung kaya ramdam daw ni Gabby Eigenmann ang lungkot sa kanilang mag-anak.

May gusto sana siyang gawin bilang pinakapanganay na anak ng yumaong aktor sa Araw ng mga Ama sa Linggo, June 21.

Nang makausap si Gabby ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa katatapos pa lang na The PEP List Year 2 na ginanap sa Solaire Resort and Casino Grand Ballroom nung Huwebes, June 18, hindi nga niya maiwasang ilabas ang kanyang nararamdam tungkol sa pagsapit ng nasabing araw na wala na ang kanilang ama.

Bungad ni Mark, "Nalulungkot pa rin.

"Pero alam namin na bago kami matulog, we know he's always there watching us.

"I don't know if I'm gonna be working tomorrow, kasi dapat gagawa sana kami ng weekend getaway with my siblings.

"Pero, baka may work ako on Sunday, na ang plano ko sana ay i-gather ko ang aking siblings.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dadalaw sana sa puntod, kakain, pero depende talaga sa magiging schedule ng lahat.

"Pero, definitely, we will make it a point to celebrate Father's Day."

Dugtong pa niya, "Every day, I miss him.

“May moments na every time I turn the radio, and there's a song that we used to sing together.

"Or may mga bagay na nami-miss ko siya, I cry... hindi naman nawawala yun, kahit ngayon.

"What you see now is some kind of an example of a strength, but once my guards are down, talagang...

"Like, kunyari my problem sa family, I pray to God and at the same time, I would talk to dad."

SURPRISE GIFT. Siya naman, bilang ama ng apat niyang anak, ano ang binabalak niyang gawin sa araw na ito?

Ang mga anak niya ay sina Joseph, Gabrielle, William, at Matthew.

Nakangiting saad niya, "Actually, heto nga ang nakaka-excite.

"'Pag Father's Day, I don't really make plans para sa sarili ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako, gagawa ako ng plans para sa daddy ko, pero it's my family or my kids who make plans for me.

"Surprise nila yun sa akin, so excited na talaga ako."

Sabi pa ng 37-year-old Kapuso actor, "Ako kasi... I'm a huge basketball fan.

“’Tapos sila, every year, it never fails na lagi silang may regalo sa akin, yun ang nilu-look forward ko.

"Jersey, or anything na basta tungkol sa favorite team ko.

“Yun ang lagi kong inaabangan, yung gift nila sa akin."

Ano naman ang wish niyang matanggap?

Mabilis niyang sagot, "Actually, wala. Basta maging maayos lang ang pag-aaral nila.

"Kasi lahat naman ng ginagawa ko sa industriyang ito, maliban na lang sa sobrag passionate ako, is to prepare them for their future.

"Trabaho ko, lahat ng mga ginagawa ko, para sa kanila."

PAMBANSANG AMA. Bilang ama raw, ang turing niya sa kanyang mga anak ay barkada lang.

Pero hindi pa rin daw niya maiwasang maglagay ng limitasyon sa mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, "Oo naman. Basta ang lagi kong sinasabi sa kanila ay maging honest.

"Kasi, if they try to hide things from me, ang tendency ko, siyempre, dinadaan ko 'yan ng kabataan ko, e.

"So kahit hindi nila ginagawa, feeling ko ay ginagawa nila.

"Kung magiging honest sila, mas madali for me."

Sa kanyang career naman, natatawa nga raw siya na sunud-sunod na 'daddy role' ang napupunta sa kanya.

Isa siyang ama sa InstaDad at sa Pari Koy na palabas pa rin sa GMA-7.

Bago pa man ng dalawang seryeng ito, ay ginawa naman niya ang Dading, na gay father naman ang kanyang papel.

Siya na nga raw ang "Pambansang Daddy ng Pilipinas."

Reaksiyon niya na natatawa, "Wow, mukha ngang ganun, e.

"And that's why I'm here [sa The PEP List], 'cause I'm representing Dading also.

"I don't my mind, though. I have work to do, and I'm doing every role the best that I could."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close