Liza Soberano reveals her dad personally asked Enrique Gil to wait for "right time": “May understanding na bawal pa talaga.”

Liza Soberano shares that her dad personally talked to Enrique Gil. She narrates, “My dad talked to him about that na sana hanggang maari work muna, wait for me to be fully ready. When the right time comes and sabi naman niya he’s willing to wait.”


Marami ang kinilig at lalong tumibay naman ang hinala ng maraming tao na may relasyon na sina Liza Soberano at Enrique Gil nang aminin ng huli sa nakaraang guesting nila sa Gandang Gabi Vice na may understanding na sila ng kapareha.

Kasunod nito ay ang mga samu’t saring reaksyon ng ibang tao kung saan may ilang nagsabi na mukhang nasuway ng young actress ang pangako nito sa kanyang ama at sa sa manager na si Ogie Diaz na hindi muna siya magbu-boyfriend lalo’t hindi pa siya nagde-debut.

Sa interview ng PEPh (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kina Liza at Enrique sa nakaraang block screening ng Just The Way You Are para sa mga cancer survivors nung Wednesday, June 17, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN, agad na nilinaw naman ng dalawa na ang ibig sabihin pala ng understanding na ito ay ang paghihintay ng aktor kung kailan talaga magiging handa si Liza sa pakikipagrelasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May understanding na I have to wait but she also understands na special siya sa akin,” panimulang pagbibigay-linaw sa amin ni Enrique.

“Siya lang, alam niya yun.

“Sa akin naman kahit wala namang label okay lang sa akin basta special siya sa akin,” dagdag niya.

LIZA'S DAD'S REQUEST. Kinuwento na rin ni Liza na personal na kinausap ng kanyang ama si Enrique para sabihin dito na sa ngayon ay maghintay muna ito ng tamang oras kung kailan puwede nang pumasok sa pakikipagrelasyon ang anak.

“May understanding na bawal pa talaga.

“My dad talked to him about that na sana hanggang maari work muna, wait for me to be fully ready.

“When the right time comes and sabi naman niya he’s willing to wait.”

SYMPATHY FOR CANCER SURVIVORS. Masaya ang magkapareha sa nakitang ligaya na naibigay nila sa mga tagahanga na nakikipaglaban sa nasabing sakit kung saan ito rin pala ang ikinamatay ng ama ni Enrique.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Quen, “Matagal na nilang plan, matagal na nilang planado ito kasi may fan kami na cancer survivor.

“She offered kung puwede raw silang mag-block screening ng Just The Way You Are, sabi ko agad, “Oo gagawin namin ito.

“I really want to do it for my dad because he had cancer before.

“In a way I just wanna help people, to boost their spirits up, to make them happy. For a moment they forget that they are sick.

“That’s a big thing for me, we make a difference in their lives.

“Ang galing talaga ni God, this is showing on 17th, my dad’s birthday is on 17th and today we are with them, June 17,” patuloy na kuwento ni Enrique.

“Nakakatuwa kasi 'di namin naiintindihan kung bakit sobra nila kaming gusto not knowing why we make them happy.

“We don’t give them medicines but by simply watching us sumasaya na sila, so ang sarap sa pakiramdam,” patapos na pahayag naman sa amin ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close