Barbie Forteza on good friend Derrick Monasterio: “Hindi po kami, never pong naging kami.”

Barbie Forteza on her closeness with good friend Derrick Monasterio: “Tropa ho kasi talaga kami ni Derrick kahit nung Tween Hearts pa. Siguro hindi talaga namin na-imagine yung sarili namin na magiging ganun... na magkaroon ng something.”


Isang taon na sa ere ang The Half Sisters at patuloy itong nangunguna sa ratings game tuwing hapon.

“Sobrang thankful at honored and sobrang saya na part ako nitong show na ito na record-breaking na nga.

“At talagang sa tinatagal-tagal ng panahon, ngayon lang ulit nagkaroon ng ganitong kahabang show, kaya 'ayun, nagpapasalamat ako sa lahat ng nanonood na talagang ever since e sumusubaybay sa amin,” umpisang pahayag ng isa sa mga bida sa show na si Barbie Forteza.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Barbie sa thanksgiving presscon ng The Half Sisters nitong Huwebes, June 18 sa GMA Network Center.

Hindi raw inakala ni Barbie na tatakbo sa ere ang show nila ng napakatagal.

Bago umere ang show ay may ilang nagduda kung magtatagumpay ang show dahil sa kakaibang kuwento ng kambal na may magkaibang ama at iisang ina.

“Oo nga po, e.

“Feeling ko din yun ang dahilan kung bakit nag-click kami kasi maraming nagkainteres sa story namin kaya maraming nag-abang, maraming nanood hanggang sa nagustuhan din nila yung story 'tapos tumutok na rin sila,” pagsang-ayon niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WORKING WITH THEA. At kahit madalas daw ang awayan at sakitan nila ni Thea Tolentino sa show ay hindi naapektuhan ang pagkakaibigan nila sa tunay na buhay.

Pagklaro niya, “Hindi naman po, hindi naman. Kadalasan naman po ng mga eksena namin na kailangan naming magkasakitan, pinag-uusapan po namin yun bago namin gawin yung eksena.

“Or kung kunyari nake-carried away sa eksena, magsu-sorry kami.”

May pagsu-sorry pala sila tuwing matatapos silang magkasakitan ni Thea sa eksena.

“Opo, opo naman, lagi naman! Lagi naman po kaming ganun.

“Pero hangga’t maiiwasan hindi namin tinototoo,” pahayag pa niya.

Pero hindi raw naiiwasang may pagkakataon na natototoo nila ang sampalan.

Nasaktan na ba siya sa sampal ni thea?

“Hindi naman grabe kasi nga pinipigilan din.”

Siya, nasaktan na ba niya si Thea?

“May mga times na po,” at tumawa si Barbie.

“Kasi hindi ako marunong, e. Hindi ako marunong na magkontrol.

“Pero pinag-aaralan ko kasi nga kailangan na po kasi this time yung character ko lumalaban na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi po dati po, 'di ba, hindi? Puro ako yung tumatanggap ng sampal.”

Pero kahit minsan daw na nagkakatotohanan na sila ng sampalan ay wala pa naman daw umiyak sa kanila ni Thea after a take.

“Hindi umabot sa ganung level ng sakit,” ani Barbie.

ON DERRICK. Tinanong naman namin siya kung ano ang naging reaksyon niya nang patayin sa istorya si Derrick Monasterio na dating kasama sa programa.

“Okey lang naman sa akin. Kasi sure naman ako na may ibang plano naman ang management para sa kanya.

“And may dahilan naman kung bakit siya pinatay. Hindi naman siya out-of-nowhere. Personal reason din.

“Hindi po ba nagbakasyon siya [sa Amerika], so choice niya rin yun,” at tumawa si Barbie.

“So 'ayun, okey lang.”

Close pa rin sila ni Derrick kahit wala na ang young male star sa show; wala raw nagbago sa pagkakaibigan nila

“Nagkikita kami. Yung huli nanood kami ng sine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasama namin si Joyce [Ching] 'tsaka si Bea [Binene], nanood kami ng Insidious 3.

“Si Bea sigaw nang sigaw. Last full show pa yung pinanood namin,” ang muling natatawang kuwento ni Barbie.

Ano na ang level ng closeness nila ni Derrick?

“Sobra, sobra na, as in...

“Hindi naman po araw-araw yung pag-uusap namin, hindi kami lagi nag-uusap, hindi kami lagi nagkikita, pero 'pag nagkikita kami, parang walang nagbago.

“Parang palagi pa rin kaming magkausap,” lahad niya.

Diretsong tinanong namin si Barbie kung sila na ba ni Derrick.

“Hindi po,” ang diretso ring sagot ng Tween Queen.

“Hindi po kami, never pong naging kami. Kasi po hanggang barkada lang talaga, as in sobrang barkada.”

Bakit hindi nanligaw sa kanya si Derrick?

“Tropa ho kasi talaga kami ni Derrick kahit nung Tween Hearts pa. Siguro hindi talaga namin na-imagine yung sarili namin na magiging ganun... na magkaroon ng something.”

ON ANDRE. Aminado si Barbie na mas close sila ni Derrick kaysa kanila ni Andre Paras.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Matagal na po kasi kaming magkakilala ni Derrick, as in Tween Hearts pa lang barkada na kami.

“E, kami ni Andre, ito lang buong show na ito, which is one year na rin naman. Close na rin naman kami ni Andre kahit papaano,” banggit din niya.

Wala bang pagtatangkang manligaw sa kanya si Andre?

“Wala,” at tumawa si Barbie.

“Iyon naman yung nakakatuwa kay Andre, na hindi namin pinipilit na porke magka-loveteam kami kailangan off-cam ganun pa rin.

“Siyempre iba naman yung trabaho sa personal na buhay ko, 'di ba?

“At okey naman din kami, hindi naman nagiging parang hadlang sa loveteam namin yung hindi pagiging kami.

“Kasi okey naman, so far okey naman yung loveteam namin, so iyon. So far happy kami as friends.”

Sa The Half Sisters ay gumaganap si Barbie bilang Diana Alcantara, at si Thea bilang Ashley Alcantara.

Nasa show rin sina Andrei (bilang Brady Castillo) at sina Jean Garcia bilang Rina Mercado-Alcantara, Jomari Yllana bilang Benjie Valdicañas, Ryan Eigenmann bilang Alfred Alcantara, Vaness del Moral bilang Jackie Silverio, Mel Martinez bilang Venus, Jak Roberto bilang Ambo, Shyr Valdez bilang Cynthia at Eula Valdes bilang Ysabela Zuñiga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Karagdagan sa cast sina Wynwin Marquez bilang Vanessa Rodriguez, Juancho Triviño bilang Charles at Pancho Magno bilang Juancho.

Ang The Half Sisters ay sa direksyon ni Mark Reyes.

NOT AFFECTED BY CHANGE IN LOVETEAM. Hindi raw sumama ang loob ni Barbie, na sa simula kasi ay sila ni Derrick (bilang si Baste) ang magkapareha sa The Half Sisters, pero ngayon nga ay sila na ni Andre.

“E, maganda na rin naman po yung naging outcome, e.

“Siguro madi-disappoint ako kung hindi rin naging successful. E, naging successful naman so okey na rin!

“And si Derrick happy din naman siya for me, alam ko. At tropa din naman sila ni Andre, mas naging tropa nga sila e, silang dalawa.”

NO SUITORS. Wala raw nanliligaw kay Barbie ngayon.

Choice ba niya iyon, dini-discourage na ba niya agad ang magtatangka?

“Hindi. Ano, paano ba?

“Hindi naman din po ako naghihintay, hindi naman po ako naghahanap pa,” diin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Iniiwasan na ba niya agad kapag may lalaking nagsisimulang magparamdam ng pagkagusto sa kanya?

Pagklaro niya, “Hindi naman iniiwasan kasi ang pangit naman nun.

“Puwede naman akong magkaroon ng mga kaibigan, puwede naman akong magkaroon ng, ayun sila Derrick, sila Andre, sila Hiro Peralta, sila Kristoffer [Martin], tropa ko po yung mga yun.

“E, hindi naman, puwede din naman akong magkaroon ng mga kaibigang guys.”

ENJOYING HER YOUTH. Ayaw pa ba ni Barbie na magka-boyfriend?

Seventeen years old ngayon si Barbie, turing eighteen sa July 31.

“Parang medyo hassle po kasi din.

“Sa work, 'tsaka sa pressure na, siyempre 'pag may boyfriend na ako marami na akong ie-expect dun sa guy.

“E, baka hindi ma-meet nung guy, e ma-disappoint lang ako hanggang sa masaktan ako, ganyan.

“So huwag na lang. Hangga’t bata pa i-enjoy ko muna yung buhay ko,” pakli pa niya.

At bongga rin ang takbo ng career niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayun, sana ma-maintain,” dasal niya.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close