Gelli de Belen, Jake Cuenca, Jasmine Curtis Smith, Sarah Lahbati, etc. share Father’s Day plans

Jake Cuenca shares the best lesson he learned from his dad: “Natutunan ko sa Daddy ko talaga, never hold back. Kung anuman ang gusto kong ma-accomplish is to have a dream. If I know, if alam ko sa puso ko na kaya kong kunin yun, take it.”


Ilan sa mga artista ang nagawang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mga plano nilang gawin ngayong natatanging araw ng mga ama o Father’s Day.

Ilan din sa kanila ang nagbahagi ng mga katangian ng kanilang ama na gustung-gusto nila rito o hindi makakalimutan.

JAKE CUENCA: “Natutunan ko sa Daddy ko talaga, never hold back. Kung anuman ang gusto kong ma-accomplish is to have a dream.

"If I know, if alam ko sa puso ko na kaya kong kunin yun, take it. I mean, no one’s gonna hold down to you.

At saka, nakuha ko rin sa Daddy ko yung pagiging coño, pagiging Espanyol. Feeling ko, yun din ang dahilan kung bakit ako nare-remake sa mga teleseryeng ganito.”

Ang tinutukoy niya ay ang Pasion de Amor.

GELLI DE BELEN: “Usually, it’s more for my Dad, for Ariel’s dad if he’s here. Siyempre, mas sine-celebrate namin with them. Pero kami, siyempre, kumakain lang sa labas, Yung ganun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JASMINE CURTIS-SMITH: “Sana makasama ko si Daddy sa araw ng Father’s Day. Sana makapunta ko ng Pampanga kasi, bihira kong makasama si Daddy dahil sa trabaho.

"Kapag free siya, hindi kami free. Kapag Sunday minsan, yun na ang rest day namin.

“Pero gusto sana namin, si Daddy ang pumunta rito para i-dinner namin.”

SARAH LAHBATI: “I’m excited to celebrate Father’s Day but yung Daddy ko nasa Switzerland, and I can only get to talk to him sa phone and I miss him.

"But I’ll celebrate with Chard [Richard] and Tito Eddie [Gutierrez], and I’ll talk with Dad.”

ROCHELLE PANGILINAN: “Bago mawala ang Daddy ko, ipinapasyal ko siya sa Tagaytay.

"Kahit dala ko ang oxygen niya, kapag Father’s Day o birthday niya, palagi siyang may cake man lang dati.

“Actually, mai-share ko lang, may kumanta nga sa rehearsal ng SAS na 'Dance with My Father' kanina, naiyak ako! Kaloka, exit agad ako ng studio. Yun kasi ang kanta ko kay Tatay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GLADYS REYES: “Sa bahay lang kami ngayong Father’s Day kasi, lahat nasa labas. Magkakaroon lang kami ng intimate party sa bahay at unlimited videoke kami.”

JOLINA MAGDANGAL: “Nag-celebrate na kami kahapon nina Mark [Escueta] at Pele. Nanood kami ng Monster Jam sa MOA Arena and then, nag-merienda kami sa Solaire.

"Ngayon kasi, may show ang Rivermaya sa Agusan. Pagdating ni Mark, plano naming mag-celebrate ulit sa ibang araw or next week.

“Yung sa Daddy ko naman, magsu-surprise visit kami ni Pele sa Tagaytay.”

LJ REYES: “May work ako ngayong Father’s Day but Aki will be with Pau [Paulo Avelino].

"I did not grow up with my Dad, pero si God and Father ko and He is the best.

"Sa Daddy ko, all good naman na. Good thing about my Dad naman, I know he’ll be there when I need him. Nagawa na niya yun sa akin dati.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RYZA CENON: “Ang Daddy ko, sobrang gusto ko kapag nagluluto ng sinigang sa gabi, sobrang sarap kasi.”

WINWYN MARQUEZ: “After ng Fans Day ng The Half-Sisters sa Market, Market, didiretso ako ng SM Aura. Magdi-dinner kami ng Dad ko, buong family. Buong Marquez kasama. My sister came from the States, yung fiancée niya dumating din dito.

“Ang Daddy ko, kung may gusto man ako sa kanya, matalino! Matalino sa lahat ng bagay. Very street-smart siya.

"Pagdating sa education, alam niya ang lahat ng bagay—politics, social, lahat alam niya.

“Matalino siyang magsalita. Lahat yata nahuhumaling sa kanya kapag nagsalita siya. Huwag na niyang i-deny yun. Very approachable lang talaga siya."


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close