Andre Paras on dad Benjie: “What I learned from him wasn’t as an actor/basketball player but as a father.”

Andre Paras on what he cherishes most about dad Benjie as both father and friend: “Friend kapag when the day’s light. When we’re sad, of course, father comes up with advice. And then, kukulitin ka, ’Ngiti na ‘yan. Labas tayo.’ Then, he becomes a friend.”


Ngayong Father’s Day, may plano raw ang Kapuso star na si Andre Paras na sorpresahin nilang magkapatid ang kanyang Daddy na si Benjie Paras ng isang dinner date .

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andre sa press conference ng kanilang matagumpay na afternoon prime sa GMA-7, ang The Half Sisters, noong Huwebes ng gabi, July 18, sa 17th Floor ng GMA building, nabanggit ni Andre na dati raw kasi, ang Daddy nila ang nagpaplano.

Kuwento niya, “Dati kasi, it’s more on sila ang nagpaplano.

“'O, we’re gonna go out for Dad.'

“Well this time, kami naman ang magsu-surprise sa kaniya. Maiba naman, kami naman po ang maggi-give back sa Dad namin.”

DAD'S INFLUENCE. Bago maging aktor/komedyante si Benjie, isa itong basketball player, kunsaan namana nilang dalawang magkapatid na si Kobe Paras ang husay nila sa larong ito.

Aniya, “Honestly, I guess my Dad got everything from being an athlete. That’s where he learned his values, his discipline, like not staying up too late na nadala niya sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And what I learned from him wasn’t as an actor/basketball player but as a father, what he learned from both worlds talaga.”

Pero yung interes nila ni Kobe sa basketball ay nakuha nila sa ama?

Pagsang-ayon ni Andre, “It came from him but he didn’t force us.

“I see him every day. I see him on TV. I see him in PBA. Yun kasi ang naabutan ko sa kanya that’s why me and my brother fell in love with the sport.

“Noong tumagal, it’s more of who achieved it better. As we can see, Kobe did. I didn’t give up because I know there’s showbiz that I also need to do.”

Mas mahal niya ang pag-arte?

“Well, basketball will always be there. First love ko yun, e, hindi makakalimutan.

“Sa showbiz, I started at 18. Medyo late, but I started to love it. I don’t want to love it when I’m older. I want to love it hanggang ngayon na bata ako,” dagdag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DADS AS FRIENDS—PROS AND CONS. Sa kasalukuyan, madalas na nangyayaring ang mga magulang at ang kanilang mga anak ay nagiging parang magbarkada.

Mas okay ba yung ganung set-up?

“Oh, of course, there’s always na father kailangan...Kapag naging kaibigan mo yung anak, they might abuse your power. They’re gonna abuse it by coming home late.

“It’s better that you have that relationship but make sure that you have a point na you have to scold them when you can—to be a father talaga,” diin niya.

Kailan nga ba nagiging ama at kaibigan sa kanya si Benjie?

“Friend kapag when the day’s light. When we’re sad, of course, father comes up with advice. And then, kukulitin ka, 'Ngiti na ‘yan. Labas tayo.' Then, he becomes a friend,” ang masaya pa niyang kuwento.

Ano ang madalas na payo sa kanya ng ama?

Ani Andre, “Advice like, 'Alam mo, noong panahon namin, wala kaming ganito,' and that, 'you’re very lucky.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And then ako, 'Oo nga ‘no, we’re lucky now. I can’t take things for granted.'”

THE HALF SISTERS. Sa isang banda, masayang-masaya naman si Andre na ang unang programa niya sa telebisyon, ang The Half Sisters, ay maituturing na pinakamatagumpay na programa ngayon sa Kapuso network dahil nangunguna ito sa ratings at tumagal ito sa ere nang mahigit isang taon.

Ayon kay Andre, “Of course, I’m very thankful.

“It’s my first acting stint and knowing that I’m able to improve with everyone without the help of acting coach before. It’s like an experience na tapos, ikaw na ang bahala.”

Mukhang sila na ni Barbie Forteza ang naging magka-loveteam sa serye.

Wala ba talagang “something” sa pagitan nila?

Sabi niya, “We’ll never know. We’ll see. But honestly, I’m not gonna lie, yun nga, one year, it made us close to each other and chemistry wise kapag may eksena, it’s all natural lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MISSING GOOD FRIEND DERRICK. Dahil daw sa personal na dahilan noon ni Derrick Monasterio kung kaya’t kinailangan itong patayin sa serye nila. Sinasabing si Andre ang nakinabang sa pagkawala ng karakter nito.

Sa simula ng The Half-Sisters, silang dalawa pa ang ipinakilalang kapareha nina Barbie at Thea Tolentino.

“Well, of course, yung mga eksena, sobrang nakakaiyak knowing that your best friend died.

“Pero knowing na mawawala siya sa show, kabarkada mo, kausap mo, ka-same interest, wala na 'kong kausap na ganun,” pag-amin niya.

Yung siya raw ang mas nakinabang sa pagkawala nito, nararamdaman niya?

“Well, I really don’t wanna say it kasi ako yung nalulungkot. I’m not gonna lie kapag may taping, I get sad kasi wala akong kasamang iba, walang Derrick. I really miss Derrick a lot, I’m not gonna lie talaga,” muli niyang pag-amin.

CAREER PLANS. Dahil maituturing pa rin namang baguhan si Andre sa larangan ng pag-arte, tinanong din namin ito kung ano pa ang mga gusto niyang gawin o makita sa sariling ginagawa niya pagdating sa pag-arte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Whatever the network gives, I’ll accept. But of course, I wouldn’t mind doing other roles like comedy o kontrabida. For me, it’s just a relationship.

“You have to go through a lot before you’ll find the one. So maybe, if I’ll go to other things, I can find the one genre that I love to do talaga,” panalangin niya.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close