Winwyn Marquez discourages Mark Herras from courting her; also discourages mom Alma Moreno to run for office

Winwyn Marquez explains the status of her friendship with Mark Herras: “May difference, iba na kasi ang closeness namin. Pero for me, it’s not gonna go beyond that. Ayoko po kasi. At saka sabi ko sa kanya, ayokong magpaligaw. We’re not going out, we’re not dating—ayoko talaga.”


May lumalabas na balitang ang mga Kapuso stars na sina Winwyn Marquez at Mark Herras na raw ngayon ang magkarelasyon.

Ito ay matapos lumabas ang balitang nakipag-break na ang dalaga sa kanyang non-showbiz boyfriend.

Pero mariin itong itinanggi ni Winwyn nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng The Half Sisters para sa unang taong anibersaryo ng pinakamatagumpay na afternoon prime ng GMA-7 noong June 18, sa 17th Floor ng GMA Building.

“Mark is a really good friend,” ang nakangiti niyang sabi.

Sabi pa ni Winwyn, “Well, hindi naman kasi ako showbiz na tao.

“Kapag may boyfriend ako, alam niyo naman na may boyfriend ako. Kapag nag-break kami, alam niyo rin naman na nag-break kami.

“Si Mark kasi, since nag-start ako, siya na ang kasama ko. Parehas kami ng barkada. So okey naman kami.”

Doon nga posibleng nanggaling yung balita.

Dati pa naman silang palaging magkasama ni Mark, pero bakit biglang ngayon, parang nagkakamalisya na ang mga nakakakita o nakakakilala sa kanila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro dahil palagi kaming magka-usap, palagi kaming magkasama.

“Sa SAS, ako na lang yata ang babaeng natira. Wala na si Yassi [Pressman], wala na si Mayton [Eugenio]. We talk a lot, we text,” pahabol niya.

DOESN'T WANT MARK TO COURT HER. Nanliligaw ba si Mark sa kanya?

"I don't want.

"Ayoko," natatawa niyang sagot.

Nararamdaman niyang papunta na nga sa panliligaw si Mark?

"Oo, nararamdaman ko naman," saad niya.

"May difference, iba na kasi ang closeness namin. Pero for me, it's not gonna go beyond that.

"Ayoko po kasi.

"At saka sabi ko sa kanya, ayokong magpaligaw. We're not going out, we're not dating—ayoko talaga," diin pa niya.

BUSTED? Parang binasted na niya agad si Mark?

"Parang ganun," natawang sagot niya.

"Ayoko talaga. Maybe because kaibigan ko siya. As friends, ayoko."

Bakit may paniniwalang mas maganda nga ang relasyong nagsisimula sa pagiging magkaibigan?

"Siguro nga, pero nakaka-isang boyfriend pa lang naman ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So I don't know. Personal choice ko na rin. Yung boyfriend ko nga, on and off, alam niyo 'yan, hindi ako nagla-lie sa inyo."

RESPECTS HER DECISION. Noong sinasabi niya kay Mark na ayaw niyang magpaligaw, paano nito tinanggap yun?

Aniya, "He respects me. Naiintindihan naman niya lahat. Wala naman kasing dapat kami—wala."

Posible bang isyu sa kanya na may anak na ang isang lalaki?

Sagot niya, "Wala, wala namang isyu sa akin yun.

“If ever man magkagusto, magugustuhan ko siya. Ugali naman kasi ang habol, hindi naman dahil may anak siya.

"Pero with Mark, he's really a nice guy. In fairness naman sa kanya, nirerespeto niyang ayoko lang talaga."

THE HALF SISTERS. Sa isang banda, isa si Winwyn sa mga ipinasok na karakter sa The Half Sisters bilang ka-love triangle nina Barbie Forteza at Andre Paras.

Ayon kay Winwyn, mabait naman daw ang karakter niya, pero, hindi lang nito matanggap na may iba ng mahal si Bradley (Andre) at ito sy si Diana (Barbie).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi man daw siya nanalo sa Binibining Pilipinas, naniniwala naman si Winwyn na naging daan din yun kaya siya nakasama sa The Half Sisters.

“Feeling ko rin ganun kasi, not in a bad way ha or hindi ako napapansin or something. Kung hindi ko siguro ginawa yun—sabi nga nila, there’s a purpose for everything.

“Yung Binibini, noong sumali ako, mas nag-open lang talaga ang door for me. Yung The Half Sisters number one show, hindi man ako nanalo ro'n, napasama naman ako sa number one show,” pagpapasalamat niya.

STILL HOPEFUL FOR BEAUTY TITLE? Pagkatapos niyang hindi palarin sa unang sali niya sa Binibining Pilipinas, mas marami raw ang nagsasabi sa kanya ngayon na sumali siyang muli.

Pero sabi din niya, “Ngayon po kasi, wala talaga sa isip ko kung sasali ako o hindi. Kasi nga, like I’ve always said, ang daming dumarating na blessing sa akin ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang blessing in disguise nga noong matalo ako ng Binibini… ganun na lang ang iniisip ko. Maybe next year, maaga pa, e.”

Ngayong taon daw, mas gusto niyang mag-focus muna sa showbiz career niya. Naniniwala rin naman daw siya katulad ng iba sa kasabihang, 'Try and try until you succeed.'

“Wala namang masama, ‘di ba? If you really want to, then join.

“Pero ang sa akin lang kasi, I also have showbiz na passion kong sumayaw, passion kong mag-perform, at nandito 'ko sa stage na nagagawa ko rin naman yun.

“I have to weigh things muna. Tingnan natin next year, next year pa naman. Now, I’m only 23 pa lang naman,” paliwanag niya.

HAPPY CO-HOSTING WOWOWIN. Masaya rin daw siya na nakakapag-co-host siya sa programa ni Willie Revillame na Wowowin.

Regular host na ba siya?

"Let's hope for the best," nakangiti niyang sabi.

Ano naman ang masasabi niya kay Willie?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Winwyn, "He's very professional. Lahat ng bagay alam niya. Gusto niyang yung ginagawa mo, palaging the best. Ayaw niya ng papetiks-petiks lang.

"Gusto niya na yung ginagawa mo, galing sa puso."

DOESN'T WANT MOM TO RUN. Umaasa rin si Winwyn na sana nga raw, hindi na muna tumakbo sa kahit anong posisyon sa pulitika ang Mommy niya na si Alma Moreno.

"Ayoko na siyang tumakbo," natawa niyang sabi.

"Meron kasing niyaya siyang tumakbo. Pero sa akin, 'wag na. Health condition din. May sakit na siya sa scoliosis niya so, tama na muna."


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close