Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now

Expectant dad Joross Gamboa finds new meaning in Father's Day: “Overwhelming ang feeling.”

by Ruel J. Mendoza
Jun 21, 2015
Joross Gamboa shares his excitement about awaiting the birth of his first-born baby boy soon: “Walang ibang pakiramdam kundi happy at excited ka dahil magiging parent ka na. Ma-experience ko na ang mga pinagdaanan ng mga magulang ko. At sabi nga nila na suwerte raw na ang panganay ay lalake.”

Mas may meaning na para sa aktor na si Joross Gamboa ang Father’s Day dahil magiging ama na siya sa isang baby boy bago matapos ang taong ito.

Kasalukuyang five months pregnant ang misis ni Joross na si Katz Saga-Gamboa, at masaya ngang sine-share ng aktor na lalaki ang magiging panganay nila.

EXCITED TO BE A DAD. Natutuwa rin si Joross dahil as early as now, binabati na siya ng Happy Father’s Day, unlike noong binata siya na siya ang bumabati ng "Happy Father’s Day" sa kanyang ama at sa mga kaibigang may anak.

“Nakakapanibago kasi noon ako ang bumabati. Ngayon ako na ang binabati nila.

“Overwhelming ang feeling. Hindi mo ma-explain kung ano ang nararamdaman mong happiness.

“Walang ibang pakiramdam kundi happy at excited ka dahil magiging parent ka na. Ma-experience ko na ang mga pinagdaanan ng mga magulang ko.

“At sabi nga nila na suwerte raw na ang panganay ay lalake.

Continue reading below ↓

“Pero sa akin naman, lahat ng babies ay suwerte dahil bigay ‘yan ni Lord,” ngiti pa ni Joross nang makapanayam ng PEP.ph (Philipine Entertainment Portal) sa press launch ng Filipino New Cinema ng World Premieres Film Festival Philippines 2015 sa Torre Venezia Suites in Quezon City.

BLESSINGS. Naging suwerte nga kay Joross ang kanyang baby boy dahil noong ipagbuntis ito ng kanyang misis, sunud-sunod ang naging trabaho niya.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Bukod sa napapanood si Joross sa Kapamilya serye na Bridges of Love, nagbida pa siya sa indie film na I Love You, Thank You, na isa sa walong official entries sa Filipino New Cinema. Mula ito sa direksyon ni Charliebebs Gohetia.

Magsimula na itong ipalabas sa lahat ng SM Cinemas on June 24 hanggang July 7.

Read Next
Latest Stories

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joross Gamboa shares his excitement about awaiting the birth of his first-born baby boy soon: “Walang ibang pakiramdam kundi happy at excited ka dahil magiging parent ka na. Ma-experience ko na ang mga pinagdaanan ng mga magulang ko. At sabi nga nila na suwerte raw na ang panganay ay lalake.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results