Jennylyn Mercado on viral HHWW photo with Dennis Trillo: "Hindi ako yun."

Jennylyn Mercado says lovelife is not her priority right now: “Basta ang focus ko ngayon, trabaho talaga. So, parang yun na muna. Ayoko na rin ng ibang paglalaanan ko ng pansin o panahon. Para sa akin, habang madaming trabaho, sige, sige. Pamilya, trabaho.”


Consistent pa rin si Jennylyn Mercado sa pagtangging nagkabalikan na sila ni Dennis Trillo.

Ito ay sa kabila ng ilang mga ebidensiya na nagpapakita na madalas silang makita sa mga lakaran.

Ayon sa Kapuso actress, madalas lang silang magkasama dahil sumasama si Dennis sa team nila sa triathlon.

Aware din si Jennylyn sa kumalat na litrato ni Dennis na may ka-holding hands na babae, pero itinanggi niyang siya ang kasama ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Look: #PEPspotted: AHA! Jennylyn Mercado and Dennis Trillo HHWW!

“Ako ba yun?!” bulalas ni Jennylyn.

Giit pa niya, "Hindi naman ako yun. Nakatalikod.

“Hindi ako yun. Itatanong ko kung sino yun.”

Iginiit din naming siya iyon kahit nakatalikod at may kuha pa ngang nakaharap sila pareho ni Dennis, pero patuloy pa rin itong itinanggi ni Jennylyn.

“Mukha ko ba yung naka-display? Hindi naman.

“Sino kaya yun?

"Napagbintangan pa ako, pambihira naman!" medyo natatawa niyang sabi.

LOVE IS LOVELIER THE SECOND TIME AROUND. Naniniwala ba siya sa palasak na kasabihang ‘love is lovelier the second time around’"

“Hindi pa ako sure. Siguro naman,” medyo alangang sagot ng 28-year-old actress.

Kung sakaling ma-in love siya at makipagrelasyon muli, mas gusto ba niyang tahimik na lang at hindi na aminin sa publiko?

“Siguro kung magkakaroon ako ng bagong karelasyon o kung sino man yun, kung sino mang darating sa buhay ko, mamahalin ko ulit, siguro maganda yung tahimik,” pahayag ni Jennylyn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Posible bang mabalik sa dati ang pagtingin niya kay Dennis?

Sagot niya, “Hindi ko pa po alam.

“Magkaibigan naman kami, e.

“Nung naghiwalay kami, pero nag-take ng time bago kami naging magkaibigan, so ganun pa din.”

Ang tinitiyak ni Jennylyn ay matutuloy ang pagsasama nila ni Dennis sa isang primetime series ng GMA Network, ang The Faithful Husband.

“Yung soap na yun, I think ginawa rin ng GMA para sa mga fans din na na-miss din yung team-up namin. Kasi six years din yung huli naming pagsasama.”

Huli silang nagkasama sa drama series na Gumapang Ka Sa Lusak (2010).

CAREER & FAMILY. Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jennylyn sa pictorial ng bagong endorsement niyang slimming drink na mySlim, noong Biyernes, June 19.

Kinabukasan ng gabi, June 20, ay tumulak naman siya patungong Amerika para sa shooting ng pelikula nila ni Sam Milby, ang Prenup.

Kapansin-pansin ang pagpayat niya, kaya biniro namin kung para kay Dennis ba ang pagpapayat niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakangiting sabi ng Kapuso actress, “Basta ang focus ko ngayon, trabaho talaga.

"So, parang yun na muna.

“Ayoko na rin ng ibang paglalaanan ko ng pansin o panahon.

“Para sa akin, habang madaming trabaho, sige, sige... pamilya, trabaho.”

Sunud-sunod ang mga biyayang dumarating ngayon kay Jennylyn.

Maliban sa kanyang endorsements, siya ang nanguna sa 2015 FHM Sexiest Woman in the Philippines poll.

Pinarangalan din siya bilang Teleserye Actress of the Year sa The PEP List Year 2 para sa pagganap niya sa Rhodora X.

At binigyan din siya at ang kapareha niya sa English Only, Please na si Derek Ramsay ng special recognition sa Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close