Isabel Oli may quit acting "anytime soon" now that she is married

Isabel Oli relates what marriage has done to her and husband John Prats: “Mas intense na parang takot na takot kami na mawala ang isa’t isa, parang ganun kami.”


Hindi pa rin daw gaanong sanay si Isabel Oli na paggising niya sa umaga ay ang mister niyang si John Prats ang kanyang nakikita.

“Parang minsan, ‘Uy, alam mo ba asawa na kita, alam mo ba ‘yon?’

“Sabi naman niya, ‘Okey ka lang?’

"Kasi minsan, parang ‘Uy, ang guwapo-guwapo!’ Na every morning mong nakikita.”

Kumusta ang pagiging misis niya kay John?

“Buti na lang diet si John!” natawang sabi ni Isabel.

“Buti na lang nagsa-salad-salad lang siya.

“Kasi yung luto, my God, konti lang yung alam ko pa!

“I’m still learning, oo. Pero sobrang love ko na yung cooking talaga."

Sabi pa ni Isabel, “And ang weird, pareho kami na sabi namin, ‘Parang mas love kita ngayon.’

“Mas intense na parang takot na takot kami na mawala ang isa’t isa, parang ganun kami.”

Pero noong umpisa raw ay nag-iiyak si Isabel.

Kuwento niya, “After the wedding, mga ilang days after, parang may time na umiyak ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na-miss ko ang pamilya ko.

"Kasi sanay ako sa kanila, sa parents ko at saka yung mga kapatid ko.

“Kapag nakikita ko yung parents at mga kapatid niya, parang naaalala ko sila.

"Kaya dun, umiyak ako, mga ilang days lang naman, nawala din.

“At yung house nina John, ilang steps away lang naman sa house namin, sobrang malapit lang sila.”

Naksaup ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Isabel sa The PEP List Year 2, noong June 18, sa Grand Ballroom ng Solaire Resort & Casino.

HONEYMOON IN HAWAII. Sa Hawaii nag-honeymoon sina Isabel at John.

Lahad ni Isabel, “It was a surprise honeymoon from the family, family ni John.

“Kain lang kami nang kain, nagtu-tour kami... si John nagda-drive, nag-rent kami ng car.

“Sobrang ang sarap, sobra!”

Ngayong mag-asawa na sila, ano ang mga bagong nadidiskubre niya kay John?

“Nung honeymoon, nakita ko talaga na parang paiba-iba yung isip niya.

“'Punta tayo dun... ay, hindi, dito tayo! Bilhin mo ’to... ay, hindi na lang!'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon ko lang nakita na may ganito pala siya!

“Buti na lang hindi nag-iba yung isip niya sa akin!

“Nakakatawa talaga siya... kengkoy! Iyon lang naman.”


MAKING PLANS. Samantala, sunud-sunod ang announcement ng pagbubuntis ng female celebrities ngayon. Ano naman ang balita sa kanya?

Sabi ni Isabel, “Hindi pa. Sure akong hindi pa talaga!”

Gusto ba naman nila ni John na magka-baby agad?

“Ah, yes! Oo, sana agad-agad.

“Excited kami, pero wala pa.”

Pina-practice na ba niyang magbago ng pirma bilang Mrs. John Prats na siya ngayon?

Ayon kay Isabel, “Hindi pa naman nagbago... sabi nga nila, ‘Uy, baguhin mo na ang signature mo.’

“Ako naman, ‘Okey, magdi-design tayo!’”

Iiwan ba niya ang pag-arte ngayong kasal na siya?

“Uhm… anytime soon!” nangiti niyang sagot.

May mga bagong projects daw na naka-line up niyang gagawin, “Pero iyon nga, titingnan muna.

“Meron kasing iba na kailangan may sexy scene, e, ayaw na talaga ni John.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos ayaw na din niya yung masyadong kissing scene.

“Kaya medyo mawawala, pero okey lang naman.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close