LJ Reyes’s car robbed, loses valuables

Habang nasa The PEP List Year 2 awards night noong Huwebes, June 18, ay nakatanggap ng tawag si LJ Reyes mula sa kanyang driver na nanakawan daw ng mga mamahalin at importanteng gamit ang kanyang sasakyan.


Hindi pa man nagsisimula ang The PEP List awards night noong Huwebes, June 18, ay umalis na agad ang Kapuso actress LJ Reyes sa Grand Ballroom ng Solaire Resort and Casino.

Magpi-present sana si LJ ng award noong gabing iyon, kaya naman ‘di maiwasang isipin ng mga nakakita sa dali-daling pag-alis niya na nag-walkout siya dahil may nangyaring hindi maganda.

Sa pamamagitan ng telepono ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si LJ ngayong Lunes ng umaga, June 22. Dito ay ipinaliwanag niya kung bakit kinailangan niyang umalis agad noong The PEP List.

Ilang minuto pa lamang daw ang nakalilipas nang dumating siya sa Solaire ay nakatanggap ng tawag si LJ mula sa kanyang driver.

Sinabi ng driver na ang sasakyan ni LJ, na naka-park sa tapat ng condominium ng kanyang kapatid sa Pasig, ay binasag daw ang salamin at nakuha ang ilang mahahalagang gamit sa loob ng sasakyan.

Nasaksihan ng PEP ang naging pag-alala ni LJ nang matanggap ang tawag na iyon mula sa kanyang driver habang nasa The PEP List.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw kasi naging malinaw agad sa usapan nila ng kanyang driver kung nasaan ang anak niyang si Aki noong oras na yun.

Bilang ina, ang kapakanan at kaligtasan agad ng anak ang una niyang naisip at labis na ipinag-alala.

Sabi ni LJ sa PEP, “Hindi kasi ako sinasagot agad ng driver kung nasaan si Aki.

“Sobrang kaba ko nun, naiiyak talaga ako.

“Sorry nga, hindi ko na natapos yung PEP List.

“Mabuti na lang, may mga kaibigan ako na malapit lang sa Solaire, sila yung napakiusapan kong sumundo sa akin at naghatid sa anak ko.”

Nagkataon daw kasing inihatid lang siya ng driver niya sa Solaire, at ang anak naman nila ni Paulo Avelino ay iniwan niya muna sa bahay ng kanyang ate.

Pagkahatid daw sa kanya, susunduin na dapat ng driver niya ang anak.

Pero kumain muna raw ang driver pagkatapos mai-park ang sasakyan sa tapat ng condo ng kapatid ni LJ. At dito na nangyari ang insidente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HER SON'S SAFETY. Habang pinag-uusapan namin ang pangyayaring yun, halatang apektado pa rin si LJ at halata sa boses nito na maiiyak na naman siya.

Pahayag ng aktres, “Siyempre, sobra kong ipinagpapasalamat na safe si Aki.

“Si Aki talaga… yung iniiyak ko lang ngayon, yung mga pictures ni Aki, halos lahat, nandoon.

"Pati back-up hard drive, kinuha.”

Nakuha ng masasamang-loob ang laptop ni LJ at marami pang mahahalagang gamit sa loob ng sasakyan niya.

Nai-report na rin daw nila ang nangyari sa awtoridad.

“Maraming nakuha, bags, iba pa…

“May meeting kasi ako noong tanghali before ako mag-ayos para sa PEP List.

“Yung mga gamit na nawala, wala na, e.

"Pero sana yung mga pictures ni Aki, kahit yung hard drive, sana maibalik."

Sinisimulan na raw niyang ilagay sa folder ang mga pictures ng anak na gusto niya at plano rin sana niyang ipa-print ang mga ito. Pero lahat daw iyon ay nasa loob ng sasakyan at nawala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pakiramdam daw ni LJ, nanakawan siya ng alaala dahil sa nangyari.

Sabi nga niya sa kanyang Facebook post kinabukasan na nangyari ang insidente: “It feels like losing your memory.”

Sa Instagram post naman ni LJ ngayong araw na ito, June 21, isang mahabang caption ang inilagay niya sa kanyang post.

“For the past days I have been praying for the valuable things that had been taken away from me.

“I told God to help me get those back. Because they were precious and can never be replaced. I have been struggling for days now.

“But today I got an answer from Him. He says "be strong and very courageous!"

“I felt so weak in the knees but God gives me courage. I may not know why I lost such irreplaceable memories but God will always be with me.

“Maybe there is a change that He wants to happen in my life. Or maybe it is a reminder for something.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I trust You Lord. Thank You for keeping my son safe. And that is the most important thing. That he is ok.

“Lord help me make new memories. And like what I always say, what the mind may forget, the heart remembers!

“And You are in my heart Father God. You will help me keep them forever.

“I pray for the comfort that only You can give me. Bless the people who did not know what they have done Lord.

“All these I ask, in Jesus' name I pray, Amen.”

For the past days I have been praying for the valuable things that had been taken away from me. I told God to help me get those back. Because they were precious and can never be replaced. I have been struggling for days now. But today I got an answer from Him. He says "be strong abd very courageous!". I felt so weak in the knees but God gives me courage. I may not know why I lost such irreplaceable memories but God will always be with me. Maybe there is a change that He wants to happen in my life. Or maybe it is a reminder for something. I trust You Lord. Thank You for keeping my son safe. And that is the most important thing. That he is ok. Lord help me make new memories. And like what I always say, what the mind may forget, the heart remembers! And You are in my heart Father God. You will help me keep them forever. I pray for the comfort that only You can give me. Bless the people who did not know what they have done Lord. All these I ask, in Jesus' name I pray, Amen.

A photo posted by LJ Reyes (@lj_reyes) onJun 21, 2015 at 5:35pm PDT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close