Thea Tolentino refuses to talk about a check promised by Willie Revillame for her car downpayment

Thea Tolentino appears happily settled in her roles as the villainess in a number of GMA teleserye, “Kasi mas napaglalaruan ko ang character.”


Nang maging guest noon si Thea Tolentino sa programa ni Willie Revillame na Wowowin, tila naantig ang puso ng host na pagkatapos manalo sa Protégé at tatlong taon na rin sa showbiz ay wala pang sariling sasakyan ang Kapuso star.

Nag-alok si Willie na tutulungan si Thea at magbibigay ng tsekeng pang-downpayment nito.

Kaya naman nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Thea, tinanong namin kung naibigay na ba sa kanya ni Willie ang pangako sa kanya?

“Saka na po natin pag-usapan, hindi pa po kami nag-uusap,” nakangiting iwas ng dalaga.

Pero pinag-iisipan na rin ba niyang bumili ng sariling sasakyan?

“Kailangan ko na rin naman pong talaga. Mabigat lang din po kasi yung monthly-monthly.”

Sa ngayon, nakadepende naman si Thea sa mga pinu-provide na service ng GMA Network.

KONTRABIDA. Sa batch ng teen stars ngayon ng Kapuso network, si Thea ang nakikilala sa pagganap ng kontrabida roles, partikular na sa long-running afternoon soap na The Half Sisters.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya ba siya sa pagganap ngkontrabida?

“Feeling ko, oo,” nakangiting sabi ni Thea. “Kasi mas napaglalaruan ko ang character.”

Masasabi ngang sobrang sama ang role niya sa The Half Sisters. Hindi ba siya inaaway ng mga fans, lalo na ng mga fans ni Barbie Forteza?

“Hindi po, nagulat nga ako.

"Parang naiinis lang sila, ‘Bakit ka ba ganyan, Ashley?’

“Pero wala naman silang yung mga naririnig kong kuwento na binabato ng kung anu-ano sa mall, wala naman.”

Sa social media, walang nang-aaway sa kanya dahil sa karakter niya?

“Konti lang… usually ‘Ashley, maging mabait ka naman,’ yun lang.”

May pagkakataon bang nadadala niya ang kanyang karakter sa bahay o sa pakikitungo niya sa ibang tao?

Ayon kay Thea, “Hindi naman, hindi naman.

“Well, may part naman na may pagka-Ashley rin naman ako, pero hindi naman yung todong Ashley.

“Lahat naman tayo may good side, may bad side.

"Siyempre kapag nagalit ka, hindi mo na mapipigilan yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano kapag umiiral ang "bad side" niya?

“Nangyari sa akin yun once, pero ayoko nang mangyari ulit.

“First time kong magalit nang sobra, as in nag-hyperventilate ako.

“Masakit siya sa ulo, parang puputok yung mata ko. Ganun yung feeling ko, e.

“Feeling ko, kaya ko kayong itulak lahat.”


BLOOMING. Ang The Half Sisters ang pinakamatagumpay na panghapong serye ng Kapuso network ngayon.

Bilang isa sa mga bida rito, hindi raw inakala ni Thea na aabutin sila ng isang taon.

Aniya, “Hindi ko talaga na-imagine.

"Dati talaga, may sinabi sa aming nine taping days na lang.

“Tapos naging nine months, naging one year.”

At ngayon nga ay wala pang kasiguraduhan kung hanggang kailan pa ito eere.

MIKOY MORALES. Nang pansinin naman na blooming siya ngayon at tila may nag-iba sa look niya, “Dahil sa The Half Sisters!” ang natatawang sagot ni Thea.

Sa birong baka may ipinaretoke na siya, “Uy hindi, nakakaloka!” natawang tanggi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, wala naman akong problema. Smile-smile lang.

“Kasi last year, noong nag-start ang Half Sisters, seventeen pa lang ako. Ngayon, magna-nineteen na ako.”

Kumusta naman ang lovelife niya?

“Okey naman,” nangingiting sabi niya.

Kumsuta na sila ni Mikoy Morales, na noon pa man ay nali-link sa kanya?

“We’re super close,” sambit ni Thea.

Gaano na katagal silang super close?

“Mula po noong Protégé, super close kami, super best friend, walang nabago,” sabi niya.

Inamin naman ni Thea na nanliligaw sa kanya si Mikoy, kaya lang, “Wala talaga, hindi pa talaga kami.”

Natatawang sabi pa niya, “Kahit tanggalin niyo sa Half Sisters, hindi pa kami.”

Finally! After ng ilang shows nagka-photo rin. 😊 Congrats Henyotic!!! >😄< #KungPaanoAkoNagingLeadingLady

A photo posted by Thea Tolentino (@theatolentino13) onJun 7, 2015 at 4:51am PDT

CRAZY OVER J-POP. Kilala rin si Thea ng mga kaibigan niya at mga tagahanga na adik sa mga J-Pop.

Hindi pa raw siya nakakarating sa Japan, pero isa raw ito sa gagawin niya.

Kaya sobrang saya raw niya nang malaman na magkakaroon ng taping ang The Half Sisters sa Japan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Excited na po ako! Plan ko rin po this October.

"So, kung may visa na ako ngayon, kapag nag-expire na siya, mas madali na akong makakuha ng visa.

“Sabi naman po, part ng story.

"Pero yun nga lang po, hindi pa namin alam kung ano ang mangyayari sa Japan."

Kahit sobrang fan ng mga Japanese anime, hindi naman daw niya nakikita ang sarili na magko-costume na rin.

Natatawang sabi nga niya, “Hindi pa naman po ako umaabot sa nagko-costume, gusto ko lang sigurong ma-try na mag-wig.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close