Alice Dixson trying to have a baby with boyfriend: “But getting married is not on my list.”

Alice Dixson on settling down with her non-showbiz boyfriend: “Since I’m divorced, I’ve experienced divorce, marriage for me isn’t a priority. I believe I don’t need a piece of paper to tell me that I have a commitment with somebody. So, kung settling down, we’re already on that path, we’re getting there. But getting married is not on my list.”


Hindi pa nakaka-recover si Alice Dixson mula sa pagyao ng kanyang pinakamamahal na ina.

May isang buwan pa lang ang nakalilipas nang mamatay ang mommy ni Alice na si Socorro 'Coring' Dixson, kaya matindi pa rin ang lungkot na nararamdaman niya.

Nang kumustahin nga ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alice sa The PEP List awards night noong June 18, ramdam naming pinaglalabanan ng aktres ang mapaluha.

Isa si Alice sa hosts ng awards ceremony kasama sina Ogie Alcasid at Janno Gibbs.

Saad niya, “Malungkot, just to be in the Philippines, malungkot.

“Kasi she’s the reason why I came back. So, parang wala, it’s hard to move on.”

Ano ang mga ginagawa niya para mapaglabanan ang lungkot.

Nakangiti niyang sagot, “Eto, yung show na ito [hosting The PEP List].

“Gagawa pa ako ng maraming live show para mas masaya.”

Ayaw muna niya ng mga drama projects?

“Ewan ko ba... puwedeng talk show na lang muna para pahinga nang konti.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think I wanna take a rest for a couple of months and come back at the end of the year, do a TV [show] in the beginning of next year.

“I wanna spend time with my family in the States.

"Kasi when I was in TV5, four years akong working straight.

“Ang breaks ko were two weeks, three weeks... sandali lang.

"I was still married then.

“And my pamangkins are growing up at gusto ko silang makasama.”


BOYFRIEND. Maliban sa kanyang pamilya sa States, may iba pang nagpapasaya kay Alice, at ito ay ang kanyang current non-showbiz boyfriend.

Hindi raw itinatago ni Alice ang boyfriend, pero hindi rin naman niya ito gustong pag-usapan.

Kaya naman sa nakaraang interviews niya, tipid na magbigay ng detalye ang aktres sa estado ng kanyang romantic relationship.

Paliwanag ni Alice, “Ayaw din naman niya [mapag-usapan] kasi he’s not really from showbiz.

“He prefers... we prefer to keep it to ourselves.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Maybe in time I will introduce him to those who want to meet him."

Magdadalawang taon na raw ang kanilang relationship.

Nakakatulong ba ang boyfriend sa panahon ng kanyang pagdadalamhati?

Sabi ni Alice, “Well, he never experienced loss in the family, so hindi siya nakaka-relate.

“Pero he tries not to patulan ang moodiness ko.

“May pagka-moody ako ngayon, parang galit ako the way that my mom passed away.

“Siya yung parang punching bag ko ngayon… it’s hard for him, it’s harder for me.

“If he can survive this worse side of me, then he will survive the worse part of my life, I guess.”


BABY PLANS. Hindi man sigurado si Alice kung he’s the one, sabi niya, “Two years is still very young, 'no, pero I want him to be the one.

“I want him to be the last one, ayoko na ng changing partners.

“So, I’m focusing that he’ll be the last man of my life.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May usapan na ba silang kasalan?

“Since I’m divorced, I’ve experienced divorce, marriage for me isn’t a priority.

“I believe I don’t need a piece of paper to tell me that I have a commitment with somebody.

“So, kung settling down, we’re already on that path, we’re getting there.

“But getting married is not on my list.”

Puwede raw silang magsama kahit walang kasal.

“And if God will give us a child, we both will be glad to have a child of our own.”

Sa natatandaan naming pahayag ni Alice sa interview niya noon, sinabi nitong may clinical document siyang magpapatunay na may kakayahan siyang magdalantao at magsilang ng sanggol.

Malayo raw ito sa usap-usapang may diperensiya sa kanyang obaryo ang aktres.

Pahayag pa niya, “Malungkot ako because my mom is not around because I asked her to wait.

“Kasi gusto kong makita niya yung apo niya and she kept on saying, ‘Hurry up, hurry up!’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasa proseso na raw sila ng boyfriend ng pagbuo ng sanggol.

“Yeah, we’re working on it,” pagkumpirma niya.

FHM. Samantala, noong nakaraang taon ay lumikha ng ingay ang pagrampa ni Alice sa FHM 100 Sexiest Women victory party, hindi lang dahil nagsigawan nang malakas ang audience sa kanya kundi nagkaroon siya ng wardrobe malfunction.

Natanggal ang strap ng gown na suot niya. Kung hindi naagapan ng aktres ang kanyang strap, malamang ay nasilipan siya ng boobs.

Nag-react daw ang boyfriend niya dahil dito.

“Sabi niya, ‘Why did you wear it if it was going to fall?’

“Sabi ko, 'I didn’t know it was gonna fall... almost fall lang naman.'

“Hindi naman niya ako pinagalitan, sabi lang niya, ‘They didn’t force you to wear it.’

“Sabi ko, 'Oo nga, they didn’t force me to wear it, pero that was what happened.'

“Hindi siya nakikialam, pero he was just being a man like, ‘Well, you did it, you have to accept the repercussions.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aalis si Alice patungong States bago matapos ang buwan ng July. Mawawala siya sa showbiz circulation hanggang sa second week ng September.

Makakasama niya ang boyfriend niya sa pag-alis, pero mas nakasentro raw ang atensiyon at itinerary ni Alice sa kanyang pamilya.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close