Erich Gonzales says split with ex-boyfriend was a good breakup

Wala raw bad blood na namagitan kay Erich Gonzales at sa non-showbiz ex-boyfriend nito matapos silang maghiwalay. Naibigay na rin daw sa aktres ang investment niya sa dalawang restaurants kung saan nagsosyo sila noon.


Pagkatapos ng ilang buwang pananahimik, nagsalita na si Erich Gonzales tungkol sa hiwalayan nila ng kanyang non-showbiz boyfriend.

Nagtapos ang kanilang relasyon pagkatapos ng apat na taon.

Sa episode ng Kris TV ng ABS-CBN ngayong Martes ng umaga, June 23—na kinunan pa mula sa Kandaya Resort, Daanbantayan Island, Cebu—natanong ng host ng show na si Kris Aquino kay Erich ang tungkol dito.

Tanong ni Kris, “Anong nangyari dun sa mga negosyong partners kayo? Ginive-up mo yung share mo?”

Tugon ni Erich, “Yes. Nakuha ko na yung investment ko so... para nothing to do with it na lang.”

Dagdag pa ni Kris: “So, sino nag-initiate? Siya nag-offer? Ikaw nag-offer?

"Ako," ang maiksing sagot ni Erich.

Ang dalawang restaurants na nagsosyo si Erich at ang ex-boyfriend niya ay ang The Breakfast Club at Piccolo Cucina Moderna.

Sinabi rin ni Erich na kahit hiwalay na sila, okay pa rin naman ang kanilang pagkakaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“No, no... we’re okay. We talk naman, we’re okay.”

Paliwanag pa ni Erich, “Sabi ko, ‘I’ve decided na para wala na akong anything to do with the restaurant…’

“So, sabi niya, ‘A, okay. We’ll just ano your investment.’

“So, ganun lang. Easy.”

May kaibigan daw si Kris na kaibigan din ng ex-boyfriend ni Erich.

Sa mga kuwentuhan daw nila, napag-usapan ang aktres at ang current boyfriend nitong si Daniel Matsunaga. Pero hindi raw nagsasalita anything against Erich and Daniel ang ex-boyfriend ng aktres.

Sabi pa ni Kris, “Ang galing, ‘no? Puwedeng ano, magkarooon ng good breakup.”

Sambit naman ni Erich, “Yes, now I believe, kasi akala ko impossible yun. Na parang bad breakup palagi.”

Tanong naman ni Erich kay Kris: “Ikaw, may good breakup?”

Diretsong sagot ng Queen of All Media: “Wala.”


“WHAT CHANGED YOU?” Naitanong din ni Kris kay Erich kung ano ang mga nabago sa kanya matapos ang hiwalayan nila ng kanyang ex-boyfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ng aktres, “Parang one day, super-free ka lang.

"Parang hindi mo na iisipin na baka magalit or baka… honestly, I don’t wanna talk about him na, kasi respeto sa kanya.

"Ever since naman, ayaw din naman niyang dina-drag siya sa showbiz…

“Yeah, to answer your question, kasi nga, before, hindi naman talaga siya kampante… kumportable, yun nga, sa limelight.

“Ayun, masaya, Ate Kris. Sobrang saya.”

Tanong ni Kris: “Tanungin ko lang sa 'yo, kasi may quote na 'What is meant to be shall always find a way.' So, parang yun nga ba yung nangyari?"

Tugon ni Erich, “Yeah, I think so.

"Kasi, ‘di ba, we met a year ago dito sa Kris TV?

"That time, wala lang.

"And then, sinong may alam na it will happen, ‘di ba?

“And I believe na parang, yun nga, if two people are meant to be together, God will make a way for you to be together.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun. Yun lang."

Pormal na inamin nina Daniel at Erich ang kanilang relasyon sa June 3 episode ng Kapamilya Deal or No Deal .

Read: Daniel Matsunaga ends speculations about relationship with Erich Gonzales: “Yes, she’s my girlfriend now.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close