Chynna Ortaleza on Kean Cipriano: “He is my inspiration and my best friend.”

Kahit marami nang posts sa Instagram na magkasama ang dalawa at tila sweet na sweet, hindi pa rin direktang inaamin nina Chynna Ortaleza at Kean Cipriano ang real score sa pagitan nila.


“Actually, I am being taken care of.”

Ito ang makahulugang sagot ni Kean Cipriano sa tanong kung may nagmamay-ari na ba ng kanyang puso ngayon.

Kasalukuyang nali-link ang Kapamilya singer-actor sa Kapuso actress na si Chynna Ortaleza.

Nang tanungin naman si Chynna ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) associate editor na si Rommel Llanes tungkol sa real score nila ni Kean, ito ang maikli ngunit makahulugang sabi ng The Rich Man's Daughter actress:

“We are in a good place. He is my inspiration and above all my best friend.”

Read: Kean Cipriano defends Alex Gonzaga against negative issues; admits "happily" dating someone

Read: BATCHI'S BOY? Chynna Ortaleza shows what's making her happy now


So happy to have captured this photo of God's beautiful work of art. @chynsortaleza

A photo posted by Kean Cipriano (@keanedward) onJun 9, 2015 at 12:30pm PDT


“GOD’S BEAUTIFUL WORK OF ART.” Sa kani-kanilang Instagram accounts, hindi naman maipagkakailang may espesyal nang namamagitan kina Chynna at Kean.

May pagkakataon pa ngang pareho ang larawan na ipinu-post nila sa kani-kanilang IG accounts.

Three weeks ago, nag-post si Chynna ng kanyang larawang nakahiga sa dalampasigan ng isang beach at naka-two piece swimsuit lamang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakasaad sa caption: “My instincts are at peace. No control, revolt, distaste or conflict & my imagination is free. I am myself.
Photography: @keanedward

Sa account naman ni Kean two weeks ago, ganitong larawan din ang kanyang post.

Nakasaad sa caption: “So happy to have captured this photo of God's beautiful work of art. @chynsortaleza"

JEROME AT BATCHI. May magkapareho rin silang posts tungkol sa mga role na ginampanan nila sa kani-kanilang teleserye: si Kean bilang Jerome sa Inday Bote at si Chynna bilang Batchi sa The Rich Man’s Daughter.

Jerome Meets Batchi @chynsortaleza! ✌🏼️hahaha #incharacter

A photo posted by Kean Cipriano (@keanedward) onMay 29, 2015 at 8:53am PDT

Dre! Ang kaakibat ko sa #PogiProblems Jerome at Batchi �"� by: @tatsiballs

A photo posted by Chynna Ortaleza (@chynsortaleza) onMay 29, 2015 at 9:11am PDT

Sa huling post ni Chynna, sinabi niya na: “And in this moment I am happy.”

And in this moment I am happy.

A photo posted by Chynna Ortaleza (@chynsortaleza) onJun 19, 2015 at 10:02pm PDT

Ang huling nakarelasyon ni Chynna ay ang dating GMA talent na si Railey Valeroso.

Samantalang si Alex Gonzaga pa rin ang matunog na nakaugnayan ni Kean, na hanggang ngayon ay hindi pa rin inamin ng dalawa.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close