Aljur Abrenica admits to dating, but says having a girlfriend is not a priority

Aljur Abrenica on the biggest lesson he learned in showbiz: "Take the risk, tapos kung anuman yung desisyon mo, tayuan mo! And just be responsible lang. At kung nagkamali ka man, diresto lang. Kasi hindi naman… ang failure naman sa mundo is when you stop living and stop trying. And stop learning, e. So, mali man yung… walang tama at mali, e. Mali man ‘yan, at least nagkamali ka, tinayuan mo."


“Take the risk.”

Ito ang sagot ni Aljur Abrenica nang tanungin kung ano ang biggest lesson na natutunan niya sa loob ng sampung taon na niya sa showbiz.

Saad pa ng StarStruck alumnus, “Eto lang yun, e, take the risk, tapos kung anuman yung desisyon mo, tayuan mo!

“And just be responsible lang. At kung nagkamali ka man, diresto lang.

“Kasi hindi naman… ang failure naman sa mundo is when you stop living and stop trying. And stop learning, e.

“So, mali man yung… walang tama at mali, e.

“Mali man ‘yan, at least nagkamali ka, tinayuan mo.

“Malaking lesson yun, e. Magagamit mo yun sa buhay.”

Sa lahat ng ito, sino si Aljur Abrenica ngayon?

“Wow!” tila nagulat na reaksiyon ng 25-year-old actor.

“Si Aljur Abrenica ngayon ay masayahin, punumpuno ng pagmamahal, mapagmahal na bata.

“At open, adventurous at mas seryoso sa buhay. And he’s more on helping people.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakapanayam ng PEP si Aljur sa taping ng Magpakailanman episode na “Ang Bunga Ng Nakaraan: The Nestor Jasm Boller Story” noong Huwebes, June 18, sa Scout Fernandez, Quezon City.

ALJUR IS IN LOVE WITH… Nang tanungin namin kung loveless siya ngayon, kinontra ito ni Aljur at sinabing “Masaya lovelife ko.”

May lovelife pala siya ngayon?

“Sarili ko! Mahal na mahal ko yung sarili ko… ‘tsaka sa pamilya.”

Sa pagkakaalam ng publiko ay si Kylie Padilla ang huling naging girlfriend ni Aljur.

Kailan niya muling bubuksan ang puso niya para sa isang babaeng mamahalin niya?

Sagot niya, “Matagal na namang nakabukas ito, e. Nakabukas naman siya.”

Pero hindi raw niya minamadali na magkaroon muli ng girlfriend.

“Hindi, e. I have my priorities.

“Like my mom, she’s my priority, my sister, and business.

“Pero pag may dumarating, may mga nakakasama naman ako.”

Umamin si Aljur na nakikipag-date siya.

“Yes!”

Taga-showbiz?

“Showbiz, non-showbiz…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tumawa lang si Aljur nang hingan namin ng clue kung sino ang mga taga-showbiz na idine-date niya.

“Respeto naman sa kanila, baka ayaw nila.”

Hindi exclusively dating ang ginagawa niya.

“I don’t know if it’s a date, e. Pero I just go out. I meet a lot of…”

Iba-iba ang nakaka-date niya?

“Ayokong sabihing iba-iba, para kasing…

“I don’t meet them sa bar, e. Sa labas lang, sa mga meetings, sa common friends, hang outs, di ba?

“Tapos sometimes we go out, we talk. Tapos… e, nakikilala ko sila.

“It’s fun!”

May ideal age ba si Aljur para mag-asawa?

“A, hindi ko alam!” bulalas niya.

“Well, ang ideal ko is, nakaplano akong mag-asawa ng thirty-four [years old].”

E-enjoy-in daw muna niya ang pagiging single niya ngayon.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close