Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

GMA terminates talks with Ramon Ang to buy the network’s minority share

by Bernie V. Franco
Jun 23, 2015
“I did not expect this. There was no indication they would do this in the middle of negotiations.” Ito ang reaksyon ng negosyanteng si Ramon Ang (kanan) sa disclosure ng GMA na hindi na tuloy ang negosasyon sa pagbili niya sa minority share ng Kapuso network.

Si GMA Network Chairman at CEO Felipe L. Gozon mismo ang nag-anunsiyo sa mga empleyado ng GMA Network, Inc. na hindi na tuloy ang pakikipagnegosasyon ng Kapuso network kay Ramon S. Ang, na gustong bumili ng minority stake ng media company.

Iniulat ng PEP noong January2014 na interesado si Ang, presidente ng San Miguel Corporation, na bilhin ang minority stake ng GMA.

Inihayag ni Gozon ang announcement sa pamamagitan ng email at ipinadala sa GMA employees nitong Martes ng umaga, June 23.

Read: GMA Network major shareholders agree to sell minority stake to San Miguel President Ramon Ang

"Tulad ng aking laging ipinapangako sa inyo, ako mismo ang magbabahagi ng mga development ukol sa pagbili ni Mr. Ramon Ang ng minority equity shares ng GMA Network,” simula ni Gozon sa kanyang email sa GMA employees, base sa ulat na lumabas sa GMA News Online kaninang umaga.

Pagpapatuloy pa ng Chairman at CEO ng GMA: “Narito ang latest—ayon sa majority shareholders ng GMA Network (Jimenez, Gozon at Duavit groups), hindi na tuloy ang pakikipag-usap nila kay Mr. Ang ukol sa pagbili ng minority equity sa outstanding capital stock ng GMA Network.

Continue reading below ↓

“Ang development na ito ay atin na ring nai-disclose sa Philippine Stock Exchange at Securities & Exchange Commission.”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ang pamilya Jimenez, Gozon, at Duavit ang nagmamay-ari ng 79 percent ng Kapuso network.

Samantala, ikinagulat naman ni Ang ang ginawang announcement na ito ng GMA.

“I did not expect this. There was no indication they would do this in the middle of negotiations,” sabi ni Ang sa isang text message, base naman sa ulat ng Interaksyon Online ngayong araw.

Dagdag pa ni Ang, "I am consulting my lawyer and I am awaiting for an explanation."

Read Next
Read More Stories About
Ramon Ang, GMA Network
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“I did not expect this. There was no indication they would do this in the middle of negotiations.” Ito ang reaksyon ng negosyanteng si Ramon Ang (kanan) sa disclosure ng GMA na hindi na tuloy ang negosasyon sa pagbili niya sa minority share ng Kapuso network.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results