Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Bianca King happy about Dennis Trillo-Jennylyn Mercado rekindled romance

by Arniel C. Serato
Jun 23, 2015
Wala na raw hinanakit sa puso ni Bianca King ang nangyaring breakup nila noon ng ex-boyfriend na si Dennis Trillo. Katunayan, masaya pa raw siya sa balitang nagkabalikan si Dennis at si Jennylyn Mercado.

Masaya si Bianca King sa balitang muling nagkakamabutihan ang dating magkasintahang sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.

Ito ay sa kabila na ex-boyfriend din ni Bianca si Dennis.

Eksklusibong pahayag ng host ng Showbiz Konek Na Konek ng TV5 sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Oo, nga e. Actually, nire-report namin yun palagi [sa show] so up-to-date naman ako.

“I’m happy for them. It gives me hope…

"Yun nga sinasabi ko palagi na it gives me hope na anything is possible."

Kamakailan lamang ay matapang na inamin ni Bianca na ang Kapuso hunk ang tinutukoy niyang ex-boyfriend na nakipaghiwalay sa kanya sa pamamagitan lamang ng text.

Read: Bianca King names Dennis Trillo as the ex-BF who broke up with her via text

Ngayon daw ay wala nang hinanakit at sama ng loob na nararamdaman si Bianca para kay Dennis.

“Wala na. Even before pa naman, iniisip ko na bagay sila [Dennis at Jennylyn].

Continue reading below ↓

“Parang yung hitsura nila, personality wise, they like the same thing, mga ganun.

“No hard feelings, Jen is my friend.”

Maligaya na rin kasi ngayon si Bianca sa piling ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Julio Villafuerte.

Magandang balita rin ang pagkakaroon ng panibagong season ng talk show nila sa TV5 na Showbiz Konek na Konek.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Read: TV5's Showbiz Konek na Konek to air live episodes on its second season?

Read Next
Read More Stories About
Bianca King
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wala na raw hinanakit sa puso ni Bianca King ang nangyaring breakup nila noon ng ex-boyfriend na si Dennis Trillo. Katunayan, masaya pa raw siya sa balitang nagkabalikan si Dennis at si Jennylyn Mercado.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results