Angelica Panganiban shows she and John Lloyd Cruz are still a couple

Angelica Panganiban posts a birthday greeting to boyfriend John Lloyd Cruz on Instagram today, June 24: “I’ll never get tired [of] making you laugh. Happiest birthday my Love.”


Pinatunayan ni Angelica Panganiban na sila pa rin ni John Lloyd Cruz sa pamamagitan ng pagtawag sa aktor na “my Love.”

Pasado alas-dose ng hatinggabi nang mag-post sa Instagram si Angelica ng birthday greeting para sa ika-32 kaarawan ni John Lloyd ngayong araw, June 24.

Dito ay makikitang nakasakay sa isang golf cart ang dalawa sa isang hindi tinukoy na residential area.

Bagamat pareho silang nakatalikod sa larawan, makikita sa rearview mirror na todo ang ngiti ni John Lloyd habang nagmamaneho ng golf cart.

Sabi pa ni Angelica sa kalakip na caption nito: “I'll never get tired [of] making you laugh. Happiest birthday my Love.”

I'll never get tired making you laugh. Happiest birthday my Love 😘😘😘

A photo posted by Angelica Panganiban (@iamangelicap) onJun 23, 2015 at 9:16am PDT

Samantala, nag-post din sa Instagram ang showbiz reporter/talent manager/actor na si Ogie Diaz ng larawan kasama ang magkasintahang Angelica at John Lloyd.

Base sa caption nito, kuha ang naturang larawan sa isang private party para salubungin ang birthday ni John Lloyd.

Ayon pa kay Ogie, nanggaling pa sa Zambales si Angelica para sa taping ng Pangako Sa ‘Yo noong araw na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Umuwi lang umano ang aktres sa Manila para sa party ni John Lloyd at saka bumalik ulit ng taping sa nabanggit na probinsiya.

Kalakip din ng caption ang hashtag na “#SplitDawEhAnoYan?”—na malinaw na pinatutungkulan ang going strong na relasyon nina John Lloyd at Angelica.

Sabi ni Ogie: “Ako na naman ang nag-adjust sa birthday piging ni JLC. @idan_cruz.

“Galing pang Zambales Pangako Sa Yo taping si @iamangelicap at balik din.

“Well, that's LOVE.

“#AkoNaNamanAngNagAdjust #AdjustTheWayYouAre #SplitDawEhAnoYan?”

Noong June 16, nauna nang pinabulaanan ni Angelica ang tungkol sa balitang hiwalay na sila ni John Lloyd.

Read: Angelica Panganiban denies split with John Lloyd Cruz

Ito ay matapos lumabas sa kolumn ni Ricky Lo ng Philippine Star na tila nagkakalabuan ang magkasintahan.

Taliwas ito sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na “still together” pa sina John Lloyd at Angelica sa kabila ng espekulasyon hinggil sa estado ng kanilang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close