Julie Anne San Jose surprised by rumor linking her to Coco Martin: "Hindi ho kami nagkita!"

For Julie Anne San Jose, showbiz is both her training ground and workout: "I became tougher, stronger, and it’s been a training ground for me para maging isang better person... yung pagiging busy ko, yun na ang workout ko."


Gaya ng title ng latest single at music video niya, maihahalintulad ni Julie Anne San Jose ang buhay niya sa showbiz sa isang "Tidal Wave."

Pahayag niya, “Particularly yung mga ups and downs.

“Yung mga challenges na dumarating, especially when it comes to dealing with people.

“I have to admit, ang showbiz, medyo superficial… nakakasilaw siya.

“And nandiyan siyempre yung mga tao na may nasasabi tungkol sa ‘yo.

“Meron din siyempre yung mga sumusuporta sa ‘yo.

“So, halo-halo talaga, iba-iba.

"So, parang yun ang wave."

Nabago na ba siya ng showbiz?

Tugon ng Kapuso singer-actress, “It’s the same Julie, it’s just mas marami akong natutunan.

“I became tougher, stronger, and it’s been a training ground for me para maging isang better person.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Julie Anne sa launching ng music video niyang "Tidal Wave" kahapon, June 23, sa 17th floor ng GMA Network Center.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


NOT ANOREXIC. Marami ang nakakapansin sa sobrang pagpayat ni Julie Anne, kaya inusisa siya ng press tungkol dito.

Saad niya, “Nag-start po yun before akong mag-shoot ng music video na 'Kung Maibabalik Ko Lang.'

“Sabi ko, gusto ko sanang mag-lose ng konting weight. After that, naging busy na ako.

“Feeling ko, yung pagiging busy ko, yun na ang workout ko.

“Kasi, for a week, nagbawas ako ng food intake, ‘tapos nag-workshop ako, nagba-bike ako.”

May isang buwan lang daw siyang nagpapayat, pero parang nasosobrahan yata.

Sabi niya, “Actually, kumakain naman po ako, normal yung intake na kain ko.

“Well, I don’t know... Siguro nga, kapag nasa TV, 'di ba, parang mas nagge-gain ka ng weight.

“For me, maintain na lang. ‘Wag na, tama na.”

Wala pa naman daw nagsasabing anorexic si Julie Anne, pero may naghihinalang baka mayroon siyang ipinagawa sa kanyang katawan kaya pumayat siyang bigla.

Natatawang sabi niya tungkol dito, “Wala po!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa dami ng trabaho ko, sa tingin niyo po ba, may ipapagawa ako?

“Tapos, yun nga, may naisyu pa na buntis daw kaya raw ako pumayat.”


ZERO LOVELIFE. Inusisa rin si Julie Anne tungkol sa isyung nag-uugnay sa kanila ng Kapamilya actor na si Coco Martin.

“Hindi ko nga rin po alam, nagulat na lang din ako nang makita ko sa Facebook na may lumabas na article na yun nga.

“Siyempre, ako po, nagulat na lang din ako dahil hindi naman po kami magkakilala ni Mr. Coco.

“Hindi ho kami nagkita!” natawang sabi niya.

Palaging natatanong si Julie Anne tungkol sa lovelife, pero palagi rin niyang sagot na wala pa.

Hindi ba siya napi-pressure kapag madalas siyang tinatanong sa kanyang lovelife, pero wala pa rin siyang maisagot?

Saad ni Julie Anne, “Actually, napi-pressure rin ako… tapos naiisyu rin ako na parang tomboy.

“E, hindi mo naman kailangan ng guy para masabihan hindi ka lesbian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s not about gender, it’s about being a reserved person.”

Hindi pa ba siya naiinip na magkaroon ng boyfriend?

“Hindi po talaga, hindi ko pa naiisip talaga, at saka ang daming work, ang daming trabaho.”

Kung sakaling magkaroon ng karelasyon, gusto raw niya itong panatilihing pribado.

May mga nanliligaw naman ba sa kanya?

“Meron po, may mga nagpaparamdam… siguro lang, hindi po ako sure!” natawa niyang sagot.

Open ba siyang makipag-date?

“I think... pero hindi ko pa mabigyan ng oras, hindi ko pa priority.”


NO TO SEXY MAGS. Kapansin-pansin na unti-unti nang lumalabas ang sexy image ni Julie Anne, partikular na sa kanyang mga music video.

Isa rin ba yun sa paraan niya para patunayang hindi siya lesbian?

Sagot ni Julie Anne, “No, I just want to be fit.

"Wala rin naman akong magagawa kung yun po ang isipin ng mga tao sa akin.

“Hindi ko rin naman hawak ang mga pag-iisip ng ibang tao, I really have no control.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos ng pagtu-two-piece niya sa music video, posible rin kayang ikunsidera niya ang pagpu-pose sa men’s magazine?

“I don’t know… pero sa ngayon po, ayoko!” natawang sabi niya.

Paliwanag ni Julie Anne, "Kasi hindi naman po ganoon ang pinu-portray ko na image.

“Hindi naman po ganoon ang kailangan kong move, di ba?”

Hindi niya nakikita ang sarili na mag-cover pictorial sa men’s magazine?

“Well, I think, being sexy, marami namang factor yun para masabi mong sexy ang isang tao.

“Hindi lang sa hubog ng katawan. Kumbaga, kung paano mo i-carry ang sarili mo.”

Sa dami ng fans niya online at masipag bumoto para sa kanya, puwede siyang maging number one sa FHM Sexiest Woman poll.

“Naku, hindi po ako naghahangad dun!” natawang reaksiyon ni Julie Anne.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close