Jean Garcia not yet ready to be called ’lola’: "No! Ayoko!"

Masaya raw si Jean Garcia na pinagkatiwalaan siya ng GMA Network na mag-host ng isang public service program. Sabi ng multi-talented actress, “Kumbaga, hindi lang acting yung gagawin kong trabaho, hindi lang pag-arte, kundi gusto kong sumabak sa mga ganitong klaseng programa.”


Kabuwanan na ng panganay na anak ni Jean Garcia na si Jennica Garcia sa una nilang anak ng asawang si Alwyn Uytingco.

Excited na si Jean na makita ang kanyang kauna-unahang apo, pero hindi pa raw siya handang matawag na lola.

Natatawang kuwento ng soon-to-be lola, “Oo nga, siyempre exciting!

"Anytime na si Jennica, maybe within the week or hanggang first week of July.

“Oo naman... tapos girl.

"Sabi ko nga, ready ako dun sa baby, pero hindi ako ready tawaging lola.

“Sabi ko pa nga kay Jennica, ‘O, Jennica, paglabas ng anak natin, ha, pili ka na lang kung ano itatawag sa ‘yo, Mommy or Mama. Yung matitira dun, yun ang itatawag sa akin.’”

Biro pa niya, “So, bawal ang lola, grandma. No! Ayoko!

"Kahit sino naman siguro, ‘di ba?

"Pero, ready ako for the baby."

Pagdating naman sa tips on motherhood, hindi naman daw nagtatanong masyado si Jennica ng tungkol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ng 45-year-old actress, “Kasi si Jennica, bookish ‘yan, e, mahilig siya magbasa, mag-research.

"Tapos, nagba-blog pa siya, tapos nag-working class pa siya.

"So, lahat ng dapat matutunan sa isang buntis na magiging nanay, ginawa na niya."

Ang ibinahagi lang daw ni Jean sa anak ay ang mga natutunan niya sa mga matatanda na maglakad-lakad kapag kabuwanan na para bumaba na yung baby at mas madaling lumabas.

Si Jennica, 26, ang anak ni Jean sa dating artistang si Jigo Garcia.

Nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang piling miyembro ng media si Jean sa presscon ng Fully Loaded Afternoon, ang bagong public service program block ng GMA Network.

Ginanap ang presscon sa 17thfloor ng GMA Network Center sa Timog Avenue, Quezon City, Miyerkules ng tanghali, June 24.


FULLY LOADED AFTERNOON. Sa kabilang banda, malaki ang pasasalamat ni Jean na bukod sa pagiging artista ay nabigyan din siya ng pagkakataong patunayan ang sarili sa pagiging host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Siya ang host ng Love Hotline, isang public service program na tumatalakay sa usaping may kaugnayan sa pag-ibig at pamilya. Napapanood ito tuwing Biyernes.

Tinatalakay rin nito ang pagtataksil at anumang gusot na may kinalaman sa relasyon ng pamilya o kaya sangkot ang mga nag-iibigan.

Saad ni Jean, “I’m very happy and sobrang blessed na nabigyan ako ng pagkakataon na magkaroon ng isang talk show dito sa GMA Network.

“Masaya lang and exciting and it’s a different experience na sana magtuluy-tuloy, di ba?

“Kumbaga, hindi lang acting yung gagawin kong trabaho, hindi lang pag-arte, kundi gusto kong sumabak sa mga ganitong klaseng programa.”

Itinuturing niyang hamon ang bagong kabanata na ito ng kanyang karera dahil aminado naman si Jean na hindi talaga niya ito ginagawa.

“So, this is something exciting, something new for me.

"Actually, ang nangyari, di ba, nag-umpisa ako sa GNTV [GMA News TV], Personalan, hanggang sa naging Love Hotline," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami rin daw siyang natututunan mula sa mga case studies nila sa show.

Ang iba pang public service programs na kabilang sa Fully Loaded Afternoon block ay ang Alisto ni Arnold Clavio (Lunes), Tunay na Buhay ni Rhea Santos, (Martes), Powerhouse kasama si Kara David (Miyerkules), at Reporter’s Notebook nina Maki Pulido at Jiggy Manicad (Huwebes).

Ang Fully Loaded Afternoon ng GMA News and Public Affairs ay mapapanood araw-araw, 4:50 ng hapon, simula ngayong Hunyo.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close