Ritz Azul enters college despite being active in showbiz

Ritz Azul is in two shows at TV5, apart from the teleserye and an indie film she is slated to do. "Kung kailan nag-aaral ako saka naman may gagawin akong indie film at may uumpisahan na akong serye... pero sana kahit paano mapagsabay ko yung mga ‘yan," she says.


College student na ngayon ang TV5 actress na si Ritz Azul sa isang kilalang unibersidad sa Pampanga, kung saan kumukuha raw siya ng double course.

“Medyo complicated... Kasi sa four years, puwede akong mag-graduate ng management-accounting.

“At puwede ko raw i-pursue sa accountancy sa fifth year, so walang kawala.”

Kumusta ang buhay-estudyante sa kolehiyo?

Ayon kay Ritz, “Ang saya kasi parang nagbabalik-high school ako.

“Nagbabalik-estudyante nga ako... assignments, quizzes.

“Gaya kanina, kagagaling ko lang sa school, nag-quiz kami sa Fundamentals in Accounting.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ritz sa The PEP List Year 2 awards night, noong June 18, sa Solaire Resort and Casino.


SHOCKED CLASSMATES. Ayon kay Ritz, wala naman siyang nararamdamang special treatment mula sa unibersidad na pinapasukan dahil sa pagiging showbiz figure niya.

Kuwento niya, “Sa mga classmates ko, medyo na-shock sila.

“Sabi nila, ‘May kamukha ka.’

“Sabi ko, ‘Sino?’

“‘Si Ritz Azul.'

“‘A, talaga?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi pa nila ako nakilala noong una, kasi yung name ko sa school ko… ang real name ko, Ritz Alzul.

“Tinanggal lang yung ‘l.’”

Kailan nalaman ng classmates niya na siya nga si Ritz Azul?

“Yung professor namin, ‘Oh, Ritz Azul, magpakilala ka,' parang siya ang unang nagsabi.

“Yung reaksiyon ng mga classmates ko, ‘Ay, sabi ko na nga iba, ikaw yun, e!’”

Hindi ba siya nag-aalala na maging mataas ang expectations sa kanya ng classmates niya at lahat ng galaw niya ay oobserbahan nila?

Sagot ni Ritz, “Wala naman akong nararamdamang ngayon.

“Actually, nagtutulungan kami sa klase.

“Yun nga lang, parang ako yung nagiging ate, ako yung parang president nila.

“Parang ako yung sinusundan nila.

“Sa studies naman, nagkakaroon kami ng group studies… second week pa lang, puno na yung schedule namin sa school.

“Wala namang namba-bash or nambu-bully, nakakatuwa dahil sobrang nagwi-welcome sila sa akin.”


CAN DO. Hindi nawawalan ng trabaho si Ritz sa Kapatid network kaya nakapagtatakang ginusto nitong mag-aral uli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag niya, “Last year pa ako nagpaplanong mag-aral kasi wala pa akong ginagawang masyadong project sa TV5.

“Medyo na-late akong mag-enrol last year kaya inisip ko na this year na lang hangga’t wala pa namang sinasabing serye na gagawin ko.

“Nag-enrol ako, nag-aral ako.”

Kaya naman daw ni Ritz kahit kasama siya sa gag show ng TV5 na Tropa Mo Ko Unli na every Friday ang taping, at sa Happy Truck ng Bayan na every weekend.

Ibinalita rin niyang may gagawin siyang indie film ngayon.

“Kaninang umaga, nag-story conference ako for an indie film with Matt Evans and Alex Castro.

“Balak nila raw na ipasok sa Cinemalaya at ipalabas sa mga theaters.

“Yun nga, e, kung kailan naga-aral ako saka naman may gagawin akong indie film at may uumpisahan na akong serye.

“Iniisip ko rin kung paano, pero sana kahit paano mapagsabay ko yung mga ‘yan.

“Iniisip ko na lang na blessed ako, thankful pa rin ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pag weekdays sa school ako, pag weekend sa work ako.

“Minsan naga-absent ako sa school.”

MOMENTUM. Last year nagpahayag ng tampo niya sa network si Ritz.

Ngayong siksik ang kanyang showbiz schedule may pagbabago ba sa nararamdaman niya?

“Yun naman ay parang tampong-bata lang.

“So sinabi ko rin naman sa kanila [TV5 artist center] yung concerns ko, nag-usap naman kami.

“Ayan, nagkaroon naman ng resulta...”

Ang pinakahuling regular show ni Ritz ay ang For Love and Money nong 2013 na pinagbidahan ni Derek Ramsay.

“Natengga ako ng 2014 kaya medyo nagtampo ako nang konti.

“Pero sinabi ko naman sa kanila na, 'Bakit po ganito, sayang ang momentum, sana nagtuluy-tuloy.'”

May mga nagsasabing dapat na raw magbawas ng timbang si Ritz para sa chance na ibinigay uli sa kanya ng TV5.

Pahayag niya tungkol dito, “Naku, ang pagpapayat naman, sa tingin ko, kailangan ng tao na maging fit.

“Ngayon nagdyi-gym na ako sa isang gym sa Timog. Diet uli.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close