Daniel Matsunaga sees forever with Erich Gonzales: “I can see hundred years down the road.”

Binuksan na nina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga ang kuwento ng kanilang pagmamahalan sa publiko. Bago pa lang ang kanilang relasyon pero nakikita raw nila sa isa’t isa na magtatagal ang kanilang samahan.


Sa unang pagkakataon ay inilahad ng magkasintahang sina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales ang kuwento ng kanilang pag-iibigan sa episode ng Kris TV ngayong Huwebes ng umaga, June 25.

Ito ay bilang pagtupad sa matagal nang pangako ni Daniel sa media at sa host ng show na si Kris Aquino na sa Kris TV nila unang ikukuwento ang tungkol sa kanilang love story.

Bukod pa rito, sa show rin ni Kris unang nagkakakilala ang dalawa isang taon na ang nakararaan, sa episode na kinunan pa sa Palawan.

A DESTINY. Sa sit-down and tell-all-interview nina Daniel at Erich, hinimay-himay ni Kris ang mga pangyayari kung paano humantong sa pag-iibigan ang relasyon ng dalawa.

Simula ni Daniel, “Siguro, it’s really destiny, God has his own timing.

"I guess, that time, God used you [Kris] to introduce us."

Matapos ang taping nila ng Kris TV sa Palawan noong March 2014, na-realize nina Daniel at Erich na pareho silang born-again Christians.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong mga panahong iyon, in a relationship pa si Erich sa non-showbiz boyfriend nito of four years.

Hiningi raw ni Daniel ang number ng dalaga, pero sinabihan siya ni Kris na maging marespeto dahil may karelasyon pa ito.

Paglilinaw naman ni Daniel, “Well, that time siyempre, wala akong intention at all.

"I just felt that kasi, when you go to church, di ba, normally kasama mo mga kapamilya mo, mga kaibigan mo?

“Tinanong ko siya, and she said she would go alone all the time.”

Tinanong ni Kris si Erich kung bakit mag-isa siyang nagpupunta sa church.

Sagot ng Kapamilya actress, “Catholic siya [her ex-boyfriend], di ba?

“And I invited him and he went once. And then, that’s it.”

Simula raw noon ay niyaya na ni Daniel si Erich na magsimba sa kanilang church.

Noong una ay tumanggi si Erich dahil ayaw raw niyang mabigyan ng malisya ito dahil may nobyo pa siya that time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos nito, muling nagkasama sina Daniel at Erich sa taping pa rin ng Kris TV, kung saan nag-water zumba sila.

Noong panahong iyon ay nagtanong na si Daniel kay Erich kung may problema ba ito dahil nagsimula na ang tuksuhan sa kanilang dalawa.

PBB ALL-IN. April 27, 2014 nang magsimula ang reality show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother All In, kung saan isa sa housemates si Daniel.

Umamin si Erich na nakapanood siya ng ilang episodes ng PBB.

Nakaramdam din daw ng pagka-proud ang aktres sa noo’y kaibigan pa lang na si Daniel dahil sobrang sipag daw nito.

Pumasok din noon si Erich sa loob ng Bahay ni Kuya bilang guest.

Lahad ng 24-year-old actress, “Pumasok pa ako sa loob, nag-judge ako sa kanila, yung performance nila with Enchong [Dee] and Kuya Jason [Abalos].

"Tapos kinanta niya [Daniel] yung 'Just The Way You Are', na yun yung dito sa Palawan, na kinakanta niyang nanginginig-nginig siya, so tawa ako nang tawa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


TWO WIVES. September 16, 2014 naman nang bumiyahe si Erich papuntang Europe para sa kanyang birthday celebration.

Halos dalawang linggo ang bakasyon ni Erich.

Nang bumalik siya sa Pilipinas ay sinimulan na niya ang teleseryeng Two Wives, kasama sina Jason Abalos, Kaye Abad, at Patrick Garcia.

End of January 2015, pumasok sa show si Daniel, na kakapanalo pa lamang bilang Big Winner sa PBB All In.

Sabi ng 26-year-old Brapanese model-actor tungkol dito, “Siyempre masaya ako, 'di ba?”

Sabat naman ni Erich, “Siyempre sina Direk, naghahanap ng maipa-partner kay Janine [karakter ni Erich sa show] and lagi nilang sinasabi na siya [Daniel] talaga ang gusto.

“E, sobrang busy mo, ang dami mong out-of-the-country shows, like that.

"Tapos hinintay nila siya na maging okay para ipasok sa story."

Sabi ulit ni Daniel, “Siyempre, for me, it’s really a blessing kasi nagsimula ako sa mga maliliit na roles.

"Very proud ako that they chose me to be part of it."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


CHRISTMAS 2014. Binalikan naman ni Kris ang Kapaskuhan noong 2014.

That time, takang-taka raw si Kris kung bakit ibinuhos ng dalaga ang araw ng Pasko sa pagsama sa kanila.

Dito na raw niya naramdamang may iniindang problema sa lovelife ang kaibigang aktres.

Sabi pa raw ni Kris kay Erich: “Ba't ka nandito, dapat nandun ka, di ba [sa boyfriend mo]?”

Tapos ayaw daw nitong magsalita kaya sabi niya, “Kapag ganyan, patapos na, ‘no?”

May "cracks" na raw sa relasyon ni Erich at ng non-showbiz boyfriend nito noong panahong iyon.


WORKING WITH DANIEL IN TWO WIVES. Sa pagpasok ni Daniel sa Two Wives, naging daan ito upang maging mas malapit pa ang pagtitinginan nila ni Erich sa isa’t isa.

Ano ang naramdaman niya noong araw-araw na niyang nakasama si Daniel?

Sabi ni Erich, “Noong una niyang pagpasok, siyempre normal lang.

"Masaya ako to see him na maging part siya ng Two Wives.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At, yun, walang ilangan at all.

"Kahit noong una naming pagkakilala sa Palawan, andun agad yung connections na parang, I don’t have to pretend na, 'Ay, dapat prim and proper ako dapat.'

“Kung ano lang ako, nakita niya kaagad.

"And yun, habang nagti-taping, kagaya ng sinabi mo, iba rin talaga yung nakikita mo siya araw-araw, nakakasama mo, at mas nakikilala mo.

"At yun din siguro yung napag-uusapan natin yung tungkol sa church, about God, ‘coz we share the same faith, di ba?

"Mas important na pareho, so totoo yun."

Noong panahong iyon ay nilalabanan pa raw ni Daniel ang nararamdaman niya para kay Erich.

At hindi pa ipinaalam ni Erich kay Daniel na nagkakalabuan na sila ng kanyang non-showbiz boyfriend.


MEETING WITH DANIEL’S FAMILY. Unang na-meet ni Erich ang pamilya ni Daniel sa debut ni Julia Barretto noong March 10, 2015.

Parehong invited ang dalawa sa debut, pero napaaga raw ng dating si Erich kaya inimbitahan muna ito ni Daniel sa kanilang bahay na malapit lamang sa pagdadausan ng debut ni Julia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang naramdaman ni Erich noong nakilala niya ang pamilya ni Daniel?

Sabi ng aktres, “Nahiya ako, sobra. Grabe!

“Pero sobrang warm yung mommy mo.”


AFTER TWO WIVES. Isang linggo matapos ang Two Wives, muling nagkita sina Kris at Erich.

Dito ay sinabihan daw ni Kris ang aktres na linisin muna ang natapos nitong relasyon.

Sabi pa ni Kris kay Erich: “You can’t move forward in life if there’s an unfinished business.”

Sinabihan din ng Queen of All Media ang aktres na huwag na niya itong pag-usapan pa.

Before Holy Week nitong 2015, nagtapos ang Two Wives.

Pero hindi pa raw sinabi ni Erich kay Daniel na tapos na ang relasyon niya.

Pero naramdaman na raw ito ni Daniel.

Noong makumpirma ni Daniel na tapos na ang relasyon ni Erich sa non-showbiz boyfriend nito, saka lang siya nanligaw sa aktres.

Ang first date daw nila ay sa isang Thai restaurant sa Makati City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama pa raw nina Daniel at Erich na nag-date ang ina ng modelo na si Geralda "Gege" Matsunaga.

Importante raw kasi kay Daniel na aprubado ng ina ang kanyang nililigawan.

Kasunod nito ang church date nila, movie with Daniel’s family, at Tagaytay trip.


KEEPING IT PRIVATE. Sa taping ulit ng Kris TV, kung saan guest muli ang dalawa sa Pampanga, sa biyahe raw papunta sa location ay nagsasabihan na raw ng "Te Amo" sina Erich at Daniel sa isa’t isa.

Noong panahong iyon ay sila na, pero ayaw pa raw nila itong ipaalam sa publiko.

Naging aware ang publiko na may namamagitan na sa kanila dahil sa kanilang posts sa Instagram.

Unang post ni Daniel ay ang dinner nila ni Erich, kasama ang ina ng Brapanese hunk.

Samantalang ang kay Erich naman ay ang guesting nila sa It’s Showtime.

Mas naging matunog na may relasyon na sina Daniel at Erich dahil sa post ng ina ni Daniel na may caption na: “Welcome to the family.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sabi ni Daniel, binura ito ng kanyang ina dahil sa mga bashers.

Pero hindi naman daw talaga nila literal na itinago ang kanilang relasyon.


THE HONGKONG TRIP. April 24, 2015 bumiyahe sina Daniel at Erich papuntang Hong Kong.

Ito na raw ang senyales para kay Kris na sina Daniel at Erich na nga.

Aminado si Erich na marami siyang "firsts" na ginawa sa Hong Kong with Daniel, katulad na lamang ng paglalakad sa bangketa at pagdyi-gym.

Before Hong Kong trip naging opisyal ang kanilang relasyon.

Sa naturang bansa rin nagsimula ang tawag ni Daniel kay Erich na "#Spartanbaby."

Ang theme song naman nila ay “Collide” ni Howie Day.

Wala pa naman daw rules sa relasyon nila sa ngayon.

Sabi ni Erich, sobrang maalaga si Daniel at lagi nitong iniisip ang kanyang kapakanan.


THE FUTURE OF #DANRICH. Sa ngayon, sobra silang kuntento sa kanilang relasyon.

Sabi ni Erich, “Having him makes life so much easier. And lighter. And happier.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Na-envision na ba nila kung sila na ba habambuhay?

Sagot ni Daniel, “Of course. I can see hundred years down the road.”

Dagdag naman ni Erich, “For us, we just leave everything in God’s hands.

"I mean, honestly, hindi naman natin alam what will happen in the future.

"Kumbaga, si God lang ang nakakalam kung tayo talaga for each other."


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close