Joross Gamboa excited to be a father; shoots shower scene with Thai actor for indie film

Joross Gamboa says he is excited about being a father. But he also says that he and his wife Katz Saga hasn’t bought anything yet for the baby. “Actually, nire-ready pa namin kasi siyempre medyo pihikan ako, e. First time na bibili [kaya] talagang pinag-isipan.”


Excited na si Joross Gamboa na maging ama sa unang pagkakataon.

Six months pregnant na ngayon ang kanyang misis na si Katz Saga.

“Yes, I’m gonna be a dad in three months! And I’m excited, sobra!” bulalas niya.

Ayon pa kay Joross, talagang pinaghahandaan nila ng kanyang asawa ang pagkakaroon ng baby, subalit hindi pa sila nakakabili ng mga gamit.

“Actually, nire-ready pa namin, kasi siyempre medyo pihikan ako, e.

“First time na bibili [kaya] talagang pinag-isipan.”

Ikinasal sina Joross at Katz noong November 29, 2014.

Raed: Joross Gamboa marries longtime girlfriend Katz Saga in Christian ceremony

Hindi ba sila nahirapang mag-adjust ngayong kasal na sila?

Sagot ni Joross, “Hindi naman, kasi we’re together for seven years na rin bago kami ikinasal.

“Siyempre ngayon, [mas matibay na] yung commitment tsaka may covenant ka na with God rin.”

Ayon pa sa aktor, hindi siya nahirapang mag-adjust personally dahil tinapos na niya ang pagbubuhay-binata bago siya magpakasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Inayos ko na yung sarili ko bago pumasok dun, so tapos na yung buhay-binata.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joross sa opening ng World Premieres Film Festival, sa One Esplanade, kahapon, June 24.


SHOWER SCENE WITH A THAI ACTOR. Isa si Joross sa mga bida ng World Premieres Festival entry na I Love You, Thank You.

Sa kuwento, in love si Joross sa boyfriend ng kanyang best friend. Hanggang sa makakilala rin siya ng isang Thai guy na mai-in love sa kanya.

“So, actually, basically the story is about love.

“Pinapakita kasi dito, nagbibigay ka ng pagmamahal, pero hindi laging nasusuklian.

“Hindi mo naman talaga mapipili yung taong mamahalin mo. At 'di mo rin mapipili yung taong nagmamahal sa ’yo.

“Pero the bottomline is, love is simple, it becomes complicated dahil sa atin, dahil sa mga tao at sa sitwasyon.”

Dagdag pa ng 30-year-old actor, “It’s a love story, hindi namin siya bina-brand as gay film lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi puwede mong dalhin yung mga kaibigan mong babae.

“So, magiging proud ka rito, hindi siya malaswa.

“Kikiligin yung puso mo, hindi yung pusod, hindi yung puson!” tawa niya.

First time din daw ni Joross na gumawa ng isang shower scene kasama ang isang kapwa-lalaking artista—ang Thai actor na si Ae Pattawan.

Pero hindi naman daw siya masyadong nailang habang ginagawa ito.

“Shower scene, pero artistic naman yung pagkakaatake.

“Hindi siya bastos. First time ko naman [gumawa ng ganito].

“Wala naman [ilangan], kahit andun din naman yung asawa ko, kahit may mga nakakita sa amin nung nagsu-shoot dun, na hindi alam na nagsu-shoot kami, mga foreigner!” natatawa niyang sabi.

Bukod kay Ae, makakasama rin ni Joross sa I Love You, Thank You sina Prince Stefan at ang baguhang si CJ Reyes.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close