Aljur Abrenica on brother Vin’s issue with TV5: "Alam niya ang ginagawa niya."

Aljur Abrenica on younger brother Vin: "Kumpiyansa ako sa kanya dahil matalinong bata ’tsaka alam niya kung ano’ng gusto niya. At may paninindigan siya."


Nagsalita na si Aljur Abrenica kaugnay ng hinaing ng kanyang nakababatang kapatid na si Vin Abrenica sa home network nitong TV5.

May kinalaman ito sa hindi pagkakabigay kay Vin ng lead role sa ipinapalabas nang primetime series na The Baker King, na pinagbibidahan ng kasabayan niya sa Artista Academy na si Mark Neumann.

May mga ipinayo ba si Aljur sa kanyang kapatid tungkol dito?

Sagot ng Kapuso hunk, “Sa akin naman, ako naman bilang isang kuya, lagi lang akong nandito para sa kapatid ko.

“Kahit anumang mangyari sa kanya, nandito ako para gabayan siya at payuhan siya.

“At si Vin naman is, may sarili na siyang pag-iisip, e.

“At ako, malaki ang tiwala ko sa taong yun, na alam niya ang ginagawa niya.

“At kung anuman ang mangyari sa kanya… ako kasi, kumpiyansa ako sa kanya dahil matalinong bata 'tsaka alam niya kung ano’ng gusto niya.

“At may paninindigan siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May pagkakataon bang niyaya niya si Vin na lumipat sa GMA?

Ayon kay Aljur, “Hindi namin masyadong pinag-uusapan ‘yan kasi pag nagkikita kami, ang pinag-uusapan lang namin, business, pamilya, yung mga plano namin sa business.

“Madalang naming pinag-uusapan yung trabaho, unless may magbukas ng topic.”

Ang negosyo na tinutukoy ni Aljur ay ang resort nila sa Batangas.

Hands-on ba sila ni Vin sa pagpapatakbo nito o mas ang ama nila ang nag-aasikaso?

“More on seventy percent si Daddy andun, pero alam namin kung ano’ng mga nangyayari dun.

“Tsaka pinag-uusapan namin yung pinaplano naming bagong business.”

Hindi muna ini-reveal ni Aljur kung ano ang bagong negosyong ito.

“Tsaka na, baka maudlot, e!” tawa niya.

Kaya ang goal ni Aljur ngayon, bukod sa pagpapatuloy ng kanyang showbiz career, ay ang mag-focus sa pagnenegosyo.

Nais niyang magpayaman nang husto?

Natawang sabi niya, “Yung [bagong] business namin, serbisyo din, yung may cause, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumbaga, tulad sa restaurant, para makapagpabusog, makapagpasaya ng tao.

“May ganun, e… yung business namin, related sa business natin, sa industriya natin.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aljur sa taping ng Magpakailanman episode na “Ang Bunga Ng Nakaraan: The Nestor Jasm Boller Story”, noong Huwebes, June 18, sa Sct. Fernandez, Quezon City.

Mapapanood ang nasabing episode ngayoing Sabado, June 27.

LOVELIFE. Going back to Vin, maayos ang relasyon nito ngayon sa girlfriend na si Sophie Albert.

Napag-uusapan ba nila ni Vin ang tungkol sa lovelife?

Sabi ni Aljur, “Hindi, e! Para kasing… a, yung sila? Ako, I’m happy for Vin.

“Si Sophie, we treat her as part of the family. Pag may mga outings, we always consider her, na imbitahan siya.

“And she always brings mga pagkain. Pag andun siya sa bahay, parang she’s part of the family.”

Paano kung biglang isang araw ay magpaalam si Vin na mag-aasawa na ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I will support him!” bulalas ni Aljur.

Hindi raw pipigilan ni Aljur ang kapatid kung nais na nitong mag-asawa.

“Kasi, for me, I can see that he’s happy.

“And si Sophie, ano siya, malaki yung naitulong niya kay Vin, e, in terms of sa pagiging isang mabuting anak.”

Dati ba ay hindi mabuting anak si Vin?

“Mabuting anak naman si Vin, pero mas nag-mature siya ngayon,” sabi ni Aljur.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close