Marian Rivera confirms upcoming talk show with Ai-Ai delas Alas: "Talk show-talk show lang muna. Huwag muna ako umarte-arte muna."

Marian Rivera on upcoming talk show with Ai-Ai delas Alas: "Kinokonsepto pa talaga. Pero alam ko, more or less [matutuloy]. Sabi ko nga, ngayon na! Baka naman kung kailan manganganak ako at magte-taping pa ako sa kanila."


Kinumpirma ni Marian Rivera na mayroon silang gagawing talk show ni Ai-Ai delas Alas sa ilalim ng produkisyon ng APT Entertainment.

“Actually, yung show namin ni Ate Ai, hindi GMA yun, ha, APT yun, ha,” paglilinaw ni Marian, na limang buwan nang nagdadalantao.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian sa presscon para sa kanyang Hana shampoo endorsement, na ginanap sa Makati Diamond Residences, ngayong Huwebes, June 25.

Nauna nang naiulat ang tungkol sa nilulutong programa na dapat sana’y pagsasamahan nina Marian, Ai-Ai, at Regine Velasquez.

Read: Marian Rivera denies rejecting talk show with Regine Velasquez and Ai-Ai delas Alas

Ngunit sa hindi pa malinaw na dahilan ay tila hindi na makakasama rito si Regine.

Tumangging magbigay ng iba pang detalye si Marian ngunit sinuguro niyang tuloy sila ni Ai-Ai sa paggawa ng talk show.

Pahayag ni Marian, matapos senyasan ng kanyang manager na si Rams David na huwag muna magdetalye tungkol sa show, “Huwag na daw muna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kinokonsepto pa talaga.

“Pero alam ko, more or less [matutuloy].

“Sabi ko nga, ngayon na!

“Baka naman kung kailan manganganak ako, magte-taping pa ako sa kanila.

“Pero hanggang ganun na lang muna. Talk show-talk show lang muna.

“Huwag muna ako umarte-arte muna.”


LEAVE OF ABSENCE. Bagamat prayoridad ni Marian ang pagbuo ng pamilya, iginiit ng Kapuso Primetime Queen na hindi niya tuluyang iiwan ang showbiz.

Lalo pa’t marami pang plano ang kanyang home network para sa kanya.

Paliwanag ni Marian, “Parang ‘di mangyayari yun [na full-time homemaker].

“May kontrata ako sa GMA. Ang tagal pa ng contract ko sa kanila. At ang daming naka-line up.

“Hindi ko pa alam kung matutuloy ko itong show kasi may talk show akong gagawin sa kanila.

“Sana makaya ko pa bago ako manganak.”

Kung ang mister niyang si Dingdong Dantes ang masusunod, gusto raw nitong huwag agad sumabak sa trabaho si Marian pagkapanganak ng 30-year-old actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Marian, “Hindi ko talaga kaya na total rest, e.

“Pero kung si Dong ang magde-decide, ayaw niya talaga, e.

"Gusto niya talagang sa bahay lang ako, relax lang ako.

“Sabi ko nga sa kanya, naiinip ako.

“So, hayaan na niya ako kahit konti, pasulpot-sulpot.

“Although sabi niya, puwede naman, pero mag-ingat talaga ako.”

Hindi man masabi ni Marian kung gaano katagal ang kanyang leave of absence, iginiit niyang maayos ang usapan nila ng GMA management hinggil dito.

“May compromise naman kami sa GMA, at nakakontrata ako sa kanila, matagal pa talaga,” giit ng aktres.

Sa ngayon, nais ni Marian na hintayin kung ano ang magiging sitwasyon kapag naipanganak na niya ang unang anak nila ni Dingdong.

“Sabi ko, mahirap kasi magsalita ng tapos.

“Kasi baka mamaya ‘pag nanganak ako, hindi ko maiwan.

“Hindi ko pa alam kung anong mararamdaman ko, e.

“Siyempre magpapa [breastfeed] pa ako.”


COMPARISON WITH RHIAN. Hiningan din ng reaksiyon si Marian tungkol sa feedback ng ibang Kapuso viewers na nanghihinayang na hindi siya natuloy sa teleseryeng The Rich Man’s Daughter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pakiramdam ng iba ay mas bagay diumano si Marian kaysa kay Rhian Ramos na gumanap bilang Jade sa naturang programa.

Sagot ni Marian, “Naku! Ang hirap mag-react diyan.

“Hindi ko alam kung paano ko iko-comment ‘yan.

“Pero siyempre, sabi ko nga, e, hindi man nai-roll yung mga nakunan kong eksena, lahat kasi ng ginagawa ko, ‘pag ginawa ko ‘to, nandun na yung commitment ko.

“Palaging mahal ko yung show ko.

"So, bago ko bitawan yung Rich Man’s Daughter, mahal ko yung show na ‘yan.

“Especially yung cast na nagkaroon ako ng bonding sa kanila.

“So, soon makakasama ko ulit sila, makakatrabaho ko ulit ‘yang mga 'yan.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close