John Lloyd Cruz on rumored breakup with Angelica Panganiban: “Sanay na rin kami sa mga tanga-tangang balita.”

John Lloyd Cruz on constant breakup rumor about him and Angelica Panganiban: "Parang kung mapipikon ako, dapat noon pa ako napikon."


“We're okay. We're happy to be together.”

Ito ang nakangiting pahayag ni John Lloyd Cruz nang kumustahin tungkol sa relasyon nila ni Angelica Panganiban.

Napabalita kasi kamakailan na nagkakalabuan na ang magkasintahan.

Subalit una na itong pinabulaanan ni Angelica sa isang panayam.

Sabi ng aktres, “Hindi [totoo], parang tanga lang ang gumagawa ng ganun.”

Read: Angelica Panganiban denies split with John Lloyd Cruz

Sinegundahan naman ito ni John Lloyd at sinabing, “Sanay na rin kami sa mga tanga-tangang balita, e.”

Pero agad namang nilinaw ng aktor ang salitang ginamit: “Sa 'yo galing 'yon, hindi sa akin galing 'yon.”

Kaugnay nito, hindi na rin daw naaapektuhan si John Lloyd ng halos paulit-ulit na balita tungkol sa diumano'y paghihiwalay nila ng kanyang girlfriend of two years.

“Parang kung mapipikon ako, hindi sa mga ganyang klaseng sabi-sabi.

“Parang kung mapipikon ako, dapat noon pa ako napikon, lalo na sa ibang mga tao na 'di na dapat nabubuhay sa mundo!” natawang sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si John Lloyd sa set ng ginagawa niyang episode para sa Maalaala Mo Kaya, sa Morong, Bataan, kahapon, June 25.


BIRTHDAY CELEBRATION. Bagamat abala sa kani-kanilang trabaho, gumawa pa rin ng paraan sina John Lloyd at Angelica na magkasama sa birthday salubong ng aktor.

Nagdiwang ng kanyang 32nd birthday si John Lloyd noong June 24.

Sa Instagram post ng talent manager-actor na si Ogie Diaz, nabanggit niyang umalis muna sandali si Angelica sa taping ng Pangako Sa 'Yo upang makasama lamang si John Lloyd sa kaarawan nito kahit sandali.

Katulad ni Angelica, abala rin si John Lloyd sa muling pagbabalik niya sa isang special episode ng MMK.

Dahil sa sunud-sunod na taping, hindi pa raw alam ng Kapamilya actor kung ano ang iniregalo sa kanya ni Angelica.

Ganunpaman, masaya pa rin si John Lloyd dahil, aniya, “Kahit na working week to for me, somehow we still managed na magkaroon ng oras para sa isa't isa, makita ko siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


STARTING A FAMILY? Bahagi kaya ng birthday wish ni John Lloyd ang pagkakaroon na ng sariling pamilya?

“Hindi pa siguro,” sagot niya.

Paliwanag ng aktor, “Gusto ko kasi, kung ilalagay ko ang sarili ko doon, gusto ko buong-buo na maio-offer ko sa pamilya ko ang buong oras ko, yung dedication.

“Ayaw ko naman na ikakasal ako 'tapos next week may schedule ako.

“Kanya-kanya 'yan, to each his own, may mga artistang ganun o may mga nagpa-practice ng ganun.

“But ideally, sa akin, kung malalagay ako sa ganung lugar, mas sila ang priority ko.

“Then, yung trabaho ko, yung passion ko for my work, siguro fair naman kung mapupunta sa pangalawa...

"Pamilya na muna."

Gayunman, hindi naman itinanggi ni John Lloyd na ideal wife para sa kanya ang girlfriend niyang si Angelica.

“Napakasuwerte, kung hindi man ako, napakasuwerte ng magiging mapapangasawa niya.

“Wala lang, mayroon tayong kanya-kanyang idea o konsepto ng gusto nating makasama habambuhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman puwedeng puro ganda o puro talino.

“Parang importante rin na parang kaya mong patawanin ang partner mo, masarap magluto, talagang yung connection n'yo can go beyond more than what you can imagine.”

Diin pa ni John Lloyd, “Dapat ganun talaga, malaking factor yung magkaibigan kayo.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close