Juancho Triviño wishes for a bigger break in showbiz; confident his time will come

Not that Juancho Triviño is being overlooked, he is in three shows at GMA, and the issue it seems is how to package him. Lead actor or comedian? "I trust naman GMA, they know what they’re doing with my career,” he says.


Nang ipakilala si Juancho Triviño sa GMA Network, sa pamamagitan ng dating youth-oriented show na Teen Gen, ang nakilalang unang ka-loveteam niya ay si Dianne Hernandez.

Pero pagkatapos ng show na ito, hindi na masyadong naging visible si Dianne, hanggang nabalitaan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nasa Star Magic na raw ito.

Ayon naman kay Juancho, “Ang alam ko, nagwu-workshop siya sa ABS-CBN before.

“I’m happy for her kung anuman ang ikagaganda ng career niya, susuportahan ko naman siya.”

Hindi siya nanghinayang sa nasimulan na sana nilang loveteam?

“Actually, hanggang ngayon nga, may mga nagku-comment pa rin sa Instagram na kami pa rin daw.

“I’m flattered dun sa mga fans namin na yun, pero siyempre, kung ano ang gusto ng network, yun ang susundin namin.”

Alam naming naging malapit sina Juancho at Dianne noong magkasama pa sila sa GMA.


LUCKY. Masasabing isa sa masuwerte at busiest stars ng Kapuso network si Juancho ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa The Half-Sisters, na matagumpay na umeere sa loob ng isang taon, napapanood din si Juancho sa InstaDad at sa gag show na Bubble Gang.

Posibleng ma-confuse ang mga manonood sa kanya, leading man ba ang packaging sa kanya o komedyante.

Sabi naman ni Juancho, “Well, it doesn’t matter to me.

“Sila Richard Gomez, they did comedy before and okey naman sila.

“Well, I trust naman GMA, they know what they’re doing with my career.”

Dugtong pa niya, “One thing I’d like to show to people is yung pagka-versatile ko.

“Kaya kong magpatawa, kaya kong magpaiyak, magpainis ng tao. So, yung versatility ko.

“For me, kung ano yung nakikita mo sa TV, kung seryoso ako, madadala ka pa rin kung talagang magaling akong artista, e.”


DESERVING. Mula kay Alden Richards, sina Miguel Tanfelix at Ruru Madrid ang young actors na nabibigyan ngayon ng pagkakataon ng GMA na maging leading men sa primetime at maging bida sa sarili nilang teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba niya naiisip na sana, maging isa rin siya sa gawing bida at leading man ng Kapuso network?

“Oo naman, oo naman,” mabilis niyang sagot.

“I pray to God that it will happen to me as well.

“But then, I know that my time will come if I’ll work hard for it.

“Kapag deserving naman talaga ako na malagay sa position na yun, tatanggapin ko pa rin naman.

“At siyempre, kailangang magtrabaho pa rin.

“Yung mga nag-lead na, sina Ruru, sina Alden, sina Miguel, they deserve it naman talaga.

“They’re good actors and talagang pinaghirapan nila kung nasaan sila ngayon.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close