GMA Network explains decision to terminate negotiation with Ramon Ang

Sa isang official statement, ipinaliwanag ng GMA Network kung bakit nila itinigil ang negosasyon upang bilhin sana ni Ramon S. Ang ang minority stake ng media network. (In this photo: GMA CEO Felipe Gozon and San Miguel Corp. President Ramon Ang.)


Nilinaw ng GMA Network na hindi sila basta-basta nag-“terminate” ng negosasyon para sana sa pagbili ni San Miguel Corporation President Ramon S. Ang ng minority stake ng Kapuso network.

Taliwas ito sa mga lumabas na balita kamakailan na ang GMA ang nag-“terminate” ng pakikipagnegosasyon kay Ang, na ikinasorpresa naman ng negosyante.

Read: GMA terminates talks with Ramon Ang to buy the network’s minority share

Sa isang official statement, inisa-isa ng GMA Network ang mga dahilan kung bakit napilitan silang i-terminate ang negosasyon.

Isa umano sa mga dahilan kaya napilitan silang i-terminate ang negosasyon ay dahil sa pagdadagdag ng mga bagong proposals ni Ang, pagkatapos tanggapin ng sellers ang lahat ng proposals ng negosyante nitong Marso.

Itinigil din daw nila ang negosasyon pagkatapos ng mahigit isang taon.

“There was no deadline given but decision should be made within a 'reasonable time,'” ayon pa sa statement.

Narito ang kabuuang statement ng GMA Network:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“The major shareholders of GMA Network (the Jimenez, Duavit and Gozon Groups of stockholders) wish to clarify that—contrary to the misimpression that may have been created that they abruptly terminated the negotiations for the purchase by Mr. Ramon S. Ang (RSA) of part of their shares in the network—they were constrained to terminate the negotiations only after (a) more than one (1) year of negotiations, (b) they had accepted on March 21, 2015, all the remaining proposals of RSA as of February 27, 2015, (c) RSA continued to make new/additional proposals and/or make new requirements after the sellers had already accepted all of the proposals of RSA on March 21, 2015, and (d) after the statements of Mr. Gozon during the Company's financial briefing on May 14, 2015 were widely published in the broadsheets that 'the ball is now in RSA's court', that there was no deadline given but decision should be made within a 'reasonable time.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close